Nang sumapit ang gabi, sa lalong pag-angat ng buwan ay mas pinili kong manatili sa captain’s cabin. Prente akong nakahiga sa kama nang binabalot sa kumot ang sarili at good thing na hindi ako umiyak. Nalulungkot man ako’t nanghihinayang, batid kong hindi iyon basta-basta mapapawi ng pagluha. Kung magkarelasyon pa rin ang turingan ng dalawang iyon sa isa’t isa, saang anggulo ko makikita `yong hindi niya pagseseryoso? Kitang kita na ng mga mata ko. Hinayaan niyang halikan siya ni Felia. Hinayaan niyang may mangyari sa kanila. Hindi niya pinigilan. Alam kong wala akong dapat panghawakan dahil wala naman kaming relasyon. Pero masama bang kumapit sa mga sinabi niya na ako lang at wala ng iba? Akala ko ba ako lang? Hindi ko alam kung anong mas masakit. Iyon bang pagbihag nila sa akin dito o

