Chapter 37

2431 Words

“Sino ang babaeng `yon?” sabik kong usisa pagkatabi na pagkatabi ko sa kaniya. At sa halip na masagot niya iyon, inignora niya lang ako. “Yaelo, please. Bilisan mo habang wala pa si Rael—” “Ano bang pakialam mo?” anas niya nang `di man lang tumitingin sa akin. Nakatutok pa rin naman ang mga mata niya sa isda habang tinatanggal ang mga hasang nito. “Tinatanong lang naman kita tungkol doon.” “Ano ngayon kung malalaman mo ang sagot? Malalaman mo lang pero wala kang mababago.” “Yaelo naman—” “Tantanan mo na ako sa tanong mong `yan, Saiah. Wala kang mapapala.” Inilagay niya ang kahuli-hulihang isda sa palangganita saka binuhusan ng tubig upang hugasan. Nang patuyuin ay binudburan niya iyon ng asin. Inihanda na niya ang kalan upang simulan na ang pagluluto. “Tama ka, wala akong mapapala,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD