Pinapalis ko ang aking luha habang naglalakad palabas ng kusina. Tulog na tulog ngayon si Rael kaya may pagkakataon pa ako upang bisitahin si Pacquito. Chance ko na ito kaya hindi puwedeng palagpasin. Gusto ko na lang bigla magwala sa inis. Ilang ulit ko nang idiniin kay Yaelo ngunit paulit-ulit din niyang ipinupunto na wala raw siyang magagawa. Masyado raw superior si Rael upang kalabanin niya, isang bagay na naiintindihan ko naman ngunit kung gugustuhin, may mahahahanap namang paraan. Nakakalungkot lang isipin kung papalya sila. Hindi lang sila basta-basta mahuhuli, mapaparusahan pa dahil hindi lang ito ang unang beses na makagawa sila ng krimen. Oo, it’s safe to say na malakas ang koneksyon ni Rael lalo na sa Mexico kung saan siya nagmula’t nakagawa ng kung ano-anong masama. Pero nasa

