JESSICA’s POV Nami-miss ko si Kuya Marlon, pero kailangan kong mag-move on. Hindi sa pagkamatay niya matatapos ang buhay ko. Iyon din naman ang lagi niyang sinasabi. Nagpasiya akong maging masaya. Kung mamumuhay ako sa kalungkutan, maaapektuhan ang mga mangyayari. Isa pa, malaya na si Kuya at tingin ko masaya na rin siya. Makakasama niya na sina Mama at Papa. Bata pa ako at maraming pangarap. Hindi ko sasayangin ang pagod ni Kuya noon para maitaguyod kami. Mag-aaral akong mabuti. Medyo kinakabahan lang ako dahil lilipat na ako ng matutuluyan. Mabait si Kuya Luiz, iyon ang sabi sa akin noon ni Kuya. Kaya wala siyang ibang maisip na puwede niyang pagbilinan. Puwede rin naman kay Boss Mike, kaya lang, may edad na rin at kung mawala si Boss Mike, kanino na ako maiiwan? Kaya si Kuya Lui

