JESSICA’s POV Nagkahiwalay rin kami ni Luiz. Kung hindi pa kami aalis, hindi ako makakaalis sa kandungan niya. Pati sa pagkain, nakaupo pa rin ako sa kaniya. Mabuti sa lahat ng kaniyang ginagawa ay nagpapaalam siya. Hindi katulad ng iniisip ko na kung maging kami ay mawalan siya ng pagpipigil. Makalimot kami at gawin namin ang mga bagay na hindi pa namin dapat gawin. Hindi ko naman makitang masama na umamin na rin ako sa nararamdaman ko. Mahal ko siya at gusto ko rin maiparamdam sa kaniya iyon. Nagselos siya kay Tony, hindi niya alam ang tunay na katauhan ni Tony. Gwapo kasi si Tony at maputi. Marami ang puwedeng magkagusto sa kaibigan kong iyon. Mauunang maligo si Luiz. Mamaya pa ako pagkatapos niya. Tama bang pumayag akong magpakasal sa kaniya? Ang bilis naman. Pero hindi ako n

