JESSICA’s POV Napasandal ako sa may cabinet sa loob ng kuwarto. Grabe ang kaba ko kanina. Abot-abot ang pagtibok ng dibdib ko. Akala ko hindi ko kayang pigilan si Luiz. Pakiramdam ko anumang sandali ay magsisiklab ang nararamdaman kong init. Iba ngayon sa mga nakalipas na araw. May nararamdaman ako kay Luiz pero wala naman siyang sinasabi sa akin kaya ang alam ko lang ay ako lang ang may feelings para sa kaniya. Ngayon walang duda na mahal namin ang isa’t isa. Umamin na kami sa aming nararamdaman kaya hindi maiwasan ang mga nangyari katulad kanina. Pasalamat na lang ako kay Luiz dahil nagpapapigil pa siya. Ang sabi ko may kukunin lang ako. Inayos ko na rin muna ang buhok ko. Hindi pa ako nakakapagsuklay, nagawa ko na ang makipaghalikan. Ako na lang ang puwedeng magpaalala sa aking

