JESSICA’s POV Hindi talaga ako makakatapos kung nasa tabi ko si Luiz. Huling-huli ko pa siya na ako ang kaniyang tinititigan. Sa pangalawang pagkakataon, muli niya akong hinarap para sabihin sa akin ang nararamdaman niya. Para rin siyang bata na katulad kong makulit. Makakapaghintay raw pero sa kaniyang mga ikinikilos, gusto na niya yatang sagutin ko siya. Wala pa ang sign na hinihingi ko para sagutin ko siya. Gusto ko rin naman siya pero hindi lang naman ganoon iyon. Kahit na wala pa akong naging karelasyon mayroon akong mga basehan para sa sarili ko. May mga ipinayo rin ang Kuya ko na siyang aking ginagamit ngayon. Para maging palagay ako sa sitwasyon namin ni Luiz, biniro ko siya. “Parang hindi naman ako naniniwala na kahit gaano katagal ay maghihintay ka,” mahina kong sambit na

