JESSICA’s POV Ang masaya naming araw ni Luiz ay naging seryoso. Hindi ko alam na sobrang bigat ng kaniyang dinadala pero nagagawa pa rin niyang lumaban sa buhay. Hindi lang siya basta pinagkaitan na makilala ang kaniyang ama, naging biktima pa siya ng kasamaan ng kaniyang stepfather. Wala siyang kakampi at ngayon kailangan niyang magsipag para mapadalhan ang kaniyang kapatid sa ina. Anak sa lalaking naging dahilan para maging miserable ang kabataan ni Luiz. “Gutom ka na ba?” tanong niya sa akin. Kahit gutom ako parang ayaw kong kumain. Gusto ko lang siyang yakapin at kulungin sa aking mga braso kung makakatulong ito para pawiin ko ang sakit na matagal nang nakatago sa kaniyang puso. “Sa bahay na lang tayo kumain,” sagot ko sa kaniya. “Sige, ikaw ang bahala.” “Kuya, uuwi na po kami

