LUIZ’s POV Napakaganda ng araw na ito—para sa akin, at para sa amin ni Jessica. Totoo ang sinabi niya na mabilis ang lahat. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagmamadali? Pero isa lang ang sigurado ko, gusto ko siyang makasama hindi lang ngayon kundi sa mga susunod pang mga araw at hanggang sa pagtanda namin. Kung may nakaligtaan akong sabihin sa kaniya, iyon na lang ang mga detalyadong bagay tulad ng mga naganap sa amin ng mga babaeng nagpakita sa akin ng motibo. Inamin ko na kay Jessica ang tungkol kay Briannah at Flora. Pero wala talaga akong relasyon o ipinangako sa kanila. May nangyari man, iyon ay kagustuhan nila at ako bilang lalaki, natukso ako. Naging mahina ako dahil sa pangangailangan ko. Isa pa, wala pa siya sa buhay ko. Hindi ko pa alam ang salitang pag-ibig. Nauna na siya

