JESSICA’s POV “Baby, maliligo na ako,” paalam niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya at tumango. Narinig ko na naman ang pagsipol niya. Isa pala sa mannerism niya kapag masaya siya. Sumisipol na parang may awitin siyang sinasambit. Niligpit ko ang aming pinagkainan. Gusto niya rin tumulong pero itinaboy ko na siya. Kayang-kaya ko naman ito. Pagkatapos kong maghugas, dumiretso ako sa kuwarto ko. Nagpalit ako ng pambahay. Maglalaba pa ako. Hindi ko na ito magagawa bukas dahil may pinagre-report ako bukas. Ang sabi, kapag natanggap na, diretsong orientation at puwedeng magsimula na rin para maturuan kami. Dala ko ang pinagbihisan ko at diretso ako sa labahan. Nagsimula na akong maglaba. Nandito na rin ang mga damit ni Luiz, maliban ang suot niya kanina. “Baby, anong ginagawa mo?” Na

