JESSICA’s POV “Flower for you,” sabi ni Luiz at iniabot sa akin ang isang puting rosas. First time kong makatanggap ng bulaklak. Nakakakilig pala pero hindi ko puwedeng ipakita sa kaniya. Baka mamaya isipin niya na easy to get ako. Isang bulaklak lang ang katapat ko. “Chocolates for you,” nakangiti niyang sambit. Akala ko ‘yon lang ‘yon. Pero may karugtong pa pala. Tatlong Cloud Nine na chooey choco ang iniabot niya sa akin. Nakalahad lang ang kamay niya, ako ang dadampot sa kamay niya. Kung hindi ko kukunin baka isipin niya na maarte ako. Saka paborito kong bilhin sa tindahan ang tsokolate kaya hindi na ako dapat pang umarte. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko. Tiningnan ko pa siya bago ko tuluyang abutin. “Salamat, Luiz.” Huli na ang isang tsokolate na kukunin ko ng hawakan

