JESSICA’s POV May choice akong lumabas para mag-computer pero gabi na. At saka nag-offer naman si Luiz, iyon nga lang nasa loob ng kuwarto niya. “Jessica, computer lang ang sadya mo sa loob. Huwag kang advance mag-isip.” Saway ko sa aking sarili. Palabas na ako ng aking silid nang muntikan ko pang mabunggo si Luiz na nandito na sa labas. “Jess, binuksan ko na ang computer sa kuwarto ko. Huwag kang mahiya. Maliligo lang muna ako.” “Ha?!” napatingin akong bigla sa kaniya. “Puwede ka na mag-computer. Maliligo lang ako.” Ulit niya. Napalunok akong bigla. Bakit naman ako biglang kinabahan? Ano naman ang connect ng gagawin niya sa gagawin ko? “O-okay, p-pasok na ako,” halos magkabulol-bulol pa ako. Nakita ko naman na may dala na siyang damit na pamalit. Lagpas isang buwan na ako rito

