LUIZ’s POV May naririnig akong ingay mula sa kusina. Gising na si Jessica. Handa na ba akong harapin siya? Ano kaya ang sasabihin niya? Inayos ko muna ang aking sarili, bago ako tuluyan pumunta sa kusina. “Morning,” bati ko sa kaniya. Halos hindi ako makatingin nang humarap siya. Nakayuko ako at sa mga paa niya ako nakatingin. “Ipagtitimpla na kita ng kape,” sambit niya sa akin. Hindi niya ako binati ng good morning. “Ako na,” wika ko sa kaniya. “Baka nahihilo ka pa. Maupo ka na lang at ako na ang gagawa. Hanguin ko lang ito at baka masunog.” Hindi na ako nakipagtalo pa. Sumunod ako sa sinabi niya na maupo ako. Baka ‘yung galit niya mas madagdagan kapag nagmatigas pa ako. “Ito ang kape mo. Maghahain na rin ako.” “Salamat, Jessica.” Nakita kong tumango lang siya kahit naka

