JESSICA’s POV Inalis ko ang pagkakasalampak ng ulo ni Luiz sa aking harapan. Medyo nailang ako sa ayos namin dahil ginawa niyang unan ang aking mga s**o. Mabuti na lang at nakatulog siya. Hindi ko siya kayang ilipat sa kuwarto niya kaya sa sofa ko na lang siya pinahiga. Kumuha muna ako ng tubig at towel para mapunasan siya. Tulog na tulog si Luiz. Sino kaya ang nakainuman niya? Pinigaan ko ang towel sa malamig na tubig. Pinunasan ko ang mukha niya. May damit pa siiya. Kailangan kong alisin. Sinimulan kong alisin ang pagkakabutones ng polo niya. Pero may suot pa siyang t-shirt at naka-tucked in iyon sa pants niya. Nagdadalawang isip ako kung aalisin ko ba o hindi? Sa huli, naisip kong hindi na lang. Mahirap na. Baka kung ano pa ang isipin niya kapag nabago ang suot niya. At h

