LLEAMA'S POV
"T*nginang weather ito Pilipinas. Summer sa umaga, summer pa rin sa gabi!" reklamo ni Lory pagkaratimg namin sa terminal sa probinsya.
"Tch, kahit saang lugar ka magpunta rito sa Pilipinas, ay mainit talaga! Isipin mo na lang na pre-trial ito para pagkarating mo sa impyerno ay hindi kana manibago." Banat ko.
Nang akmang ihahampas niya sa akin ang jacket niya at naunahan ko na siyang itulak ang mukha niya para makalayo siya sa 'kin.
Mas lalo akong natawa nang makita ko ang mukha niya. Para siyang impakta, dahil magulo ang buhok niya at itim pa talaga ang kulay ng lipstick.
"Alam mo, maniniwala na talaga ang mga tao sa sabi-sabi na may lahi tayong impakta," bulalas ko.
Bumakas ang matinding pagtataka sa mukha niya, kaya nang lumingon siya sa akin at binigyan ako nang naguguluhang tingin ay agad kong ibinigay sa kanya ang salamin na hawak ko.
"Kitams? Kung hindi ka ba naman siraulo ay hindi ka gagamit ng itim na lipstick, mas maganda pa kulay ng lipstick na ginagamit sa St Peter eh, manghiram ka na lang kaya sa kanila." Pang-aasar ko para mas lalo siyang inisin.
"Bw*set ka talaga, Lleama!" malakas niyang sigaw at nagsimulang tumakbo papalapit sa akin.
Ako naman na si g*ga ay tawang-tawa habang nagpapahabol sa kanya.
"Mag-exercise ka muna bago mo ako habulin!" sigaw ko habang tumatakbo para hindi niya maabutan.
"PAG TALAGA NAABUTAN KITA!" pagbabanta niya.
Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko, pero gano'n na lang ang pagbagal niyon ng may mahagip ang mga mata ko pagkatingin ko sa harap.
"Jerick," mahinang usal ko habang nakatingin rito.
Malaki ang ngiti niya habang nakatingin sa kabilang direksyon. Nang sinundan ko iyon ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. May isang babaeng naglalakad papalapit sa kanya at kumakaway pa ito na may matamis na ngiti sa labi.
Sumikit ang dibdib ko at unti-unting umikot para talikuran sila, dahil hindi ko makayanang panoorin iyon.
Nagsimula na akong humakbang para salubungin si Lory, ngunit tumigil ang mga paa ko sa paghakbang nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko.
Dahan-dahang akong umikot para humarap sa kanya at nawindag ako nang sumalubong sa akin ang magandang ngiti nito.
"IKAW NGA!!! KUMUSTA KA NA?" pasigaw niyang tanong sabay lapit sa akin.
Hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses na magkalapit kami nang ganito.
"I-I'm o-okay," sagot ko sa mahinang boses.
Mas lalo akong nagulat nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napatingin ako roon pagkatapos ay muling nag-angat nang tingin sa kanya.
"I-ikaw?" nahihirapang usal ko.
Pilit kong kinakalma ang aking sarili na huwag gumawa ng bagay na alam kong, pagsisihan ko rin. Nakatingala lang ako sa kanya at pinagmamasdan ang magandang ngiting nakapaskil sa kanyang mukha.
Maya-maya pa ay lumingon siya sa gawi kung nasaan nakatayo ang babaeng kasama niya kanina. Sinundan ko rin iyon ng tingin, nang magtama ang mata namin ng babae ay ngumiti siya at kinawayan ako. At bilang respeto ay marahan akong tumango sa kanya at muling ibinalik ang tingin ko kay Jerick.
"Ang laki-laki mo na, nang huling kita ko sayo ay hanggang rito pa lang kita," manghang usal niya at itinuro ang kili-kili niya, bilang pagtukoy sa sukat ng tangkad ko noon.
Mahina akong natawa at nagbaba nang tingin.
"Girlfriend mo?"
Halos pabulong ko na iyong sabihin. Nahihirapan akong bigkasin ang salitang iyon, pakiramdam ko ay matigas na bagay na bumabara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita nang maayos.
"Hmmp, nope." sagot niya.
May kung anong masayang bagay na dumaan sa sistema ko. Buong akala ko ay wala na siyang idudugtong doon, pero agad na bumagsak ang mundo ko nang marinig ko ang kasunod nitong sinabi.
"She's my fiancée. Ikakasal na kami--- this coming July. Sana ay makapunta ka." dugtong niya.
Sa kagustuhan kong hindi niya makita ang pagkadisgusto sa mukha ko ay pilit akong ngumiti at lakas loob na tiningala siya.
"C-congratulations." Bati ko.
Halos kutusan ko ang sarili ko dahil hindi ko mapigilang mautal. Akala ko ay kaya kong magpanggap sa harapan niya, pero lagi akong nabibigo.
"Padalhan mo na lang ako ng w-wedding invitation niyo, pupunta ako." pamimilit ko sa sarili ko.
Mas lalong lumaki ang ngiti niya at hindi ko inaasahan ang kasunod niyang ginawa.
Hinila niya ako papalapit sa kanya at mahigpit na niyakap.
"Thank you, Lleama." Aniya habang hinahaplos ang aking buhok.
Ipinikit ko ang mga mata ko para damhin ang yakap niyang iyon. Dahil alam kong ito na ang huling beses na maramdaman ko ang yakap niya.
"Sige, mauna na ako. Pupunta pa kami sa bahay nila." Aniya.
Sunod-sunod akong tumango at pinagmasdan siyang lapitan ang kanyang fiancée. Pinagmamasdan ko siyang alalayan ang babaeng papasok sa loob ng isang sasakyan. At ang laki-laki ng ngiti niya, habang ginagawa niya iyon.
Hindi ko mapigilang masaktan, noon pa man ay alam kung hindi niya ako makikita bilang isang babae na magiging importante sa puso niya. Oo, alam kung mahalaga ako sa kanya, and he takes a good care of me, but not as a woman.
He sees me as a little sister, and until now I can't change that fact.
"Si jerick ba yon?" Tanong ni Lory.
Tumango ako at pagkatapos ay naglakad na para maghanap ng masasakyan pauwi sa bahay.
"Uy... Girlfriend niya ba iyong kasama niya?" muling tanong ni Lory.
Tahimik akong isinukbit sa aking likuran ang backpack ko at walang buhay na naglakad.
"Fiancée niya, at ikakasal na raw sila, two months from now." mahinang sagot ko.
Mabuti na lang ay hindi na nagtanong pa si Lory, dahil baka sipain ko na siya kasi ayaw niya akong tigilan.
Jerick is my first love, and up to this day. I still have this special feelings for him. Even though, I got myself a boyfriend, hindi pa rin siya nawala sa isip ko. And I'm so stvpid for that.
THIRD PERSON'S POV
Tahimik na nakaupo sa isang swivel chair ang lalaki habang nakaharap sa kanyang monitor. At sa t'wing nakikita nito roon ang babaeng matagal na niyang pinapanood ay hindi maiwasang sumilay ng isang nakakalokong ngisi sa kanyang labi.
"You've grown, Beautiful." bigkas nito at hinaplos ang screen ng monitor.
Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang maalisas na mukha ng dalaga. Magiliw itong ngumiti at gano'n na lamang ang pasalubong ng kanyang kilay nang makita niya kung sino ang kausap nito.
His jaw clenched as his brow raised, when he saw Lleama were talking to a guy.
"This guy, must have a d*ath wish," mahinang usal nito habang ang kanyang nga mana ay nakapirme sa monitor.
A few seconds later, a small grin shows up on his lips, when he sees Lleama walk away, ngunit muling nandilim ang kanyang mukha nang makita niya kung paanong sinundan ng lalaki nang tingin ang dalaga.
"Annoying bastard." Eleazar muttered and turned his gaze into another monitor showing LLEAMA'S whereabouts.
Habang pinagmamasdan ang dalaga mula sa monitor ay hindi niya mapigilang mapangisi dahil sa pagkamanghang nararamdaman niya.
"You become taller, sexy and beautiful. Da*n it, Sweetheart!" Bulong nito sa sarili at napapailing pa.
Hindi nagtagal ay biglang tumunog ang kanyang teleponi. Inabot niya iyon na hindi inaalis ang tingin sa monitor.
"Yeah?" agarang usal niya pagkasagot niya ng tawag.
"Eleah, I want you to handle this one," ma-awtoridad na usal ni Diego sa kabilang linya.
Eleazar, smirked as he pokes his left cheek using his tongue. He's amused to hear those words coming from the man, na suntok sa buwan niya lang makita.
"Why? Marami kang tauhan, Diego." mapang-uyam pang sagot ni Eleazar.
Naging tahimik ang nasa kabilang linya, pero hindi niya iyon ibinaba dahil alam niyang naroon pa ang kanyang kausap.
"This is far better to do, than watching a woman on your monitor for fvcking! whole day, Eleah!" Banat ni Diego sa kanya.
Hindi makapaniwalang napabuntong hininga ang lalaki dahil sa sinabi ng kanyang kausap.
"And also, this person is one of your enemies. So I'm giving you this opportunity to eliminate him." Muling usal ni Diego at kaagad na ibinaba ang linya.
Mahinang natawa si Eleazar at padaskol na inilapag ang kanyang telepono.
"Fvcked you, Velasquez." nakangising usal niya pa at muling nag-angat nang tingin sa monitor para muling panoorin ang ginagawa ni Lleama.