LLEAMA'S POV Kahit hindi pa siya natapos sa kanyang pagsasalita ay umalis ako sa pwesto ko at agad na nagtungo sa maliit na bar. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay agad na akong kinawayan ng bartender, dahil magkakilala lang kami. "Saan ang kiss ko?" Tanong niya habang nakanguso. Inirapan ko lang siya at umupo sa mataas na silyang nasa harapan niya. "Siguraduhin mo lang talaga na wala kang ihahalo sa iinomin ko," pagbabanta ko sa kanya. Tumawa lang siya at agad na inilapag sa harapan ko ang maliit na baso at nang inamoy ko iyon ay napapikit ako dahil alam na alam ko kung anong klaseng alak iyon. "Ang hilig-hilig mo talaga sa Whiskey, ano?" Sarkastikong tanong niya pa. Ngumisi lang ako sa kanya at inisang inom ang alak. Pagkatapos kong gawin iyon ay napabuga ako nang isa

