LLEAMA'S POV
"Bakit ba ako nag-aayos nang sobra? Eh alak naman ang pupuntahan ko sa alumni celebration, at hindi lalaki." pakikipag-usap ko sa sarili ko.
Kung may makakakita sa 'kin ngayon, malamang sasabihin nilang nabab*liw na ako.
"Tch," asik ko at ibinato ang hawak kong blouse.
Bakit ba kasi ako pumayag na sumama sa mga lokaret na iyon, kahit alam kong madadamay ako sa kahihiyan dahil nawawala sila sa katinuan kapag lasing.
Nagpagulong-gulong ako sa aking kama at maya-maya ay napahinto ako nang maalala ko ang maliit na bagay na nasa ceiling ng kwarto ko. Nag-angat ako nang tingin roon, at nang makita kong nandoon pa din iyon ay kaagad akong tumayo at walang kahirap-hirap iyong tinanggal.
"Tama nga ako," mahinang usal ko mang mapagtanto kong isang maliit na monitoring device iyon.
Hindi ako gano'n ka t*nga para hindi malaman kung para saan ang bagay na ito. At mas lalo pang nagsalubong ang kilay ko nang lumitaw ang kulay pula'ng ilaw sa loob nito.
"Sino naman kaya ang sir*ulong naglagay nito dito." Inis kong saad at tumitingin-tingin sa paligid.
Nang may makita akong isang makapal na libro ay agad akong bumaba sa aking kama at nilapitan ito. At walang sabi-sabing sinira ang maliit na device na iyon gamit ang libro.
"Bili ka nalang ng bago," nakangiwing saad ko at agad na nagtungo sa loob nang aking banyo para maligo.
PAGKALIPAS NANG MAHIGIT ISANG ORAS ay natapos na rin ako.
Muli akong humarap sa human size mirror at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Hindi man gano'n ka pormal ang suot ko ay masasabi kong disente pa rin naman ako tingnan.
"Hindi naman ako magiging host ng event, kaya bakit ako magsusuot ng pormal attire," pangungimbinsi ko sa sarili.
At nang makuntento na ako sa ayos ko ay agad akong lumabas sa aking kwarto para puntahan Ang nanay kong nakikipag-kwentuhan na naman sa best friend niyang, walang kasing marites.
"May lakad ka?" agad niyang bungad sa akin pagkapasok ko sa loob ng kusina.
Tipid akong tumango at lumapit sa maliit naming refrigerator para kumuha ng maiinom roon.
"Ayan! Inom ka nang inom ng sting! Hindi ka pa kumakain, Lleah!" malakas nitong bulyaw sa akin.
Nang makita kong naglalakad ito papalapit sa akin ay dali-dali akong tumakbo palabas ng kusina habang bitbit ang plastic bottle na sting.
"WAG KANG MAGREKLAMO SA AKIN KAPAG SUMASAKIT ANG BEWANG MO, LLEAH!!!" pahabol niya.
Mahina akong natawa at kinawayan na lamang si mama. Alam ko naman na nag-aalala lang siya sa 'kin at naiintindihan ko iyon. Sadyang matigas lang talaga ang ulo ko at paborito ko talagang inomin itong sting.
Alas singko na nang hapon, ang oa din kasi nang school principal. Mag s-start ang event nang alas-syete, pero dapat ay alas-sais pa lang nasa school na ang mga alumni.
"Tsk, itong principal talaga, akala mo makapal pa ang buhok." sa isip ko at padabog na nagsimulang maglakad.
Kina Lory, na ako dadaan dahil alam kong meron pagkain sila doon.
....
"Walangya, dito ka pa talaga naghapunan? Wala bang pagkain sa inyo?!" Sermon ni Lory sa 'kin.
Kahit kailan talaga ang sama ng ugali sa akin, wala man lang munang good evening.
"Pwede bang, hayaan mo muna akong kumain nang matiwasay?" angal ko.
Ngumiwi lang siya at agad na umalis sa harapan ko. Maya-maya lang ay biglang sumulpot sa harapan ko si Tito Kiroah, papa ni Lory at sumunod naman sa kanya ay ang Asawa niyang si Tita Levian.
"Good evening po," magiliw kong bati sa dalawa.
Gano'n na lang ang gulat ko nang biglang lumapit si Tito Kiroah sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Tito naman eh, alam niyong mahirap mag-ayos ng buhok." Nakangusong reklamo ko.
Pero imbes na tumigil siya ay mas lalo lang siyang natawa, habang si Tita Levian naman ay tawang-tawa habang pinapanood akong pag-tripan ng kanyang asawa.
"Gusto mo pa ba ng pagkain? May dalaga akong kakanin, galing sa Lola ester mo." Tanong ni Tita Levian.
Tumango ako na parang isang bata at agad nga niyang inilapag sa harapan ko ang mga kakaning dala niya.
"Kaya kumakapal ang mukha n'yan ma, kasi inii-spoiled niyo." Pagsingit naman ni Lory.
Pinandilatan ko lang siya ng mata at itinuon na lamang ang aking atensyon sa pagkaing nasa harapan ko.
"A-attend ka ba ng alumni, Lleah?" mahinhing tanong ni Tita Levian.
Ito talaga ang hindi ko maintindihan tungkol kay Lory. Sobrang hinhin ng nanay niya, tapos ang papa naman ay maloko, pero sa malambing na paraan. Habang siya? Nevermind na lang.
"Opo, dumaan lang ako rito para sabay na kami ni Lory." Sagot ko naman.
"Ang sabihin mo, dumaan ka rito para makikain!" Pagdadabog ni Lory.
Tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin. Mabait naman siya, pero hindi ko lang gusto itong paraan ng paglalambing niya.
Kung gaano ka mahinahon at kukulit ang mga magulang niya, ay siya ring ikinasama at ikinabaho ng ugali niya.
"Ang lambing ho talaga nitong anak niyo, Tita." mapaklang saad ko.
Natawa lang ulit si Tita at dali-dali nitong hinila ang asawa niya para makakain na ako nang maayos.
"Bilisan mo na d'yan, para makaalis na tayo." Pagsusungit ni Lory.
Nginusuan ko lang siya at muling nagsimulang kumain. Makalipas nga ang mahigit kalahating oras ay natapos na ako at nilinisan ko muna ang pinagkainan ko, pagkatapos ay sabay na kaming lumabas sa kanilang bahay..
"Taray... Parang magbibigay lang ng speech sa event--- mamaya ah." Usal ko nang makita ko ang suot ni Lory.
Pilit siyang ngumiti sa akin at umikot-ikot pa habang iminuwestro ang kabuuan niya sa harapan ko.
"Tigilan mo ako, Lleama." Aniya at muling sumeryoso ang kanyang mukha.
"Pinupuri ka na nga, nagmamaldita ka pa," asik ko at inirapan siya.
Nagulat ako nang bigla niyang hinila ang balikat ko, kaya agad ko naman siyang nilingon.
"Ayon sina Cory at Alexa. Punta tayo doon." Aniya at nagsimula siyang hilahin ako papalapit kina Alexa.
Nagpatianod lang din ako at hindi na kumontra. Hindi pa man kami tuluyang nakakalapit sa kanila ay sumalubong na sa akin ang mapang-husgang mga mata ni Alexa.
"Kokontrahin na naman ang suot ko," naaasar na usal sa isip ko.
"Ano ba yang suot mo Lleama?!" Bungad sa akin ni Alexa.
At gaya ng ginawa ni Lory, ay pilit akong ngumiti sa kanya at iminuwestro ang ayos ko at umikot-ikot pa.
"Hindi naman ako magbibigay ng speech, at nasunod ko naman kung anong kulay ang dapat suotin ng batch natin. Walang sinabi sa invitation na dapat mag dress o ano, ang sabi kang ay WEAR SOMETHING DECENT." Dipensa ko.
"Grrr... Ewan ko talaga sa 'yo, Lleama." Pagdadabog niya at agad na umalis.
"Tara na! Alak lang naman ang ipinunta ko rito, hindi ako magbibigay ng speech!" saad ko at hinila sina Lory at Cory.
Nang makapasok kami sa loob ng unibersidad ay agad na sumalubong sa amin ang iba't-ibang uri at amoy ng pagkain. At sa sobrang ingay ng mga musika at pakiramdam mong nasa loob ka lang ng bar.
"T*ngina. Parang nag bar lang tayo eh," bulalas ko.
"Palibhasa kasi mukha kang alak." Asik ni Lory sa tabi ko at inunahan niya akong maglakad at sumunod naman sa kanya si Cory, dahil upang maiwan ako.
"Teka lan---
Natigilan ako nang may maramdaman akong kakaibang presensya sa likuran ko. At sa hindi malamang dahilan ay sunod-sunod akong napalunok at halos mahirapan na akong huminga dahil sa lakas nang t***k ng puso ko.
"Lleama?" mahinang pagtawag nito sa aking pangalan.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan, at sa sobrang kaba ko ay gusto ko na lamang mailibing sa mismong kinatatayuan ko.
Kumuyom ang kamao ko at sinubukang humakbang papalayo sa kanya, pero mabilis niyang hinawakan ang balikat ko at hinatak niya ako paharap sa kanya.
"Running away again?" nakangising tanong niya sa 'kin.
Dahil matangkad siya ay nakatingala ako sa kanya. At ni isang segundo ay hindi niya inalis ang kanyang mga mata sa akin.
"W-why would I do that?" pilit kong pinapatigas ang boses ko para hindi niya mahalata na kinakabahan ako sa presensya niya.
Mas lalo siyang ngumisi, habang ang kamay niya ay unti-unting bumababa patungo sa aking kamay.
"You already did. Three years ago," mahinang tugon niya.
Nakaramdam ako ng pagkailang sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Kaya lakas-loob kong tinabig ang kanyang kamay sabay hakbang nang dalawang beses para makalayo ako sa kanya.
"Stop playing around." usal ko at mabilis siyang tinalikuran.
....
"Saan ka na naman galing?" Agarang tanong ni Lory.
Ngumiwi ako at inagaw ang basong hawak niya at inisang inom iyon. "May nakita akong asong b*liw, pinaalis ko lang," pagsisinungaling ko.
Ilang sandali lang ay sabay-sabay kaming napatingin sa harapan nang marinig naming magsalita ang host ng event.
"Good evening everyone. Welcome to 25th alumni celebration. It's good to see all of you, tonight." panimula nito.
Pumalakpak ang iilang tao sa sinabi niya iyon, at maya-maya kung kailan muling tumahimik ang mga tao ay muli itong nagsalita.
"The principal wants to show his gratitude to all of you, for attending this event tonight. I'm sure all of you, waited so long to meet the school principal, personally, and now, the long wait is over..."
"Let's welcome, our kind and gorgeous school principal. No other than, Mr Eleazar Gustavo!!!!!"
Umaalingawngaw ang malakas na hiyawan ng mga tao, lalong-lalo na ang mga babae. Habang ako naman...
Ay nakatayo lamang roon at tulala habang tinitingnan kung sino ang lalaking pinakilala ng host.
"Paanong nangyari ito?" sa isip ko at hindi maalis ang tingin ko sa lalaking nasa harapan.
"Good evening everyone." saad nito sa mikropono gamit ang baritonong boses.
Humigpit ang hawak ko sa baso, habang ang mga kamay ko ay hindi tumitigil sa pagnginig. At halos ma-estatwa ako sa aking kinatatayuan nang magtama ang mga mata naming dalawa.
Hindi ako assuming, alam kong sa akin siya nakatingin, dahil biglang lumitaw ang ngisi sa labi niya nang makita niya ang reaksyon ko.
"It feels good, to see you tonight."
TO BE CONTINUE