CHAPTER 05

1101 Words
LLEAMA'S POV "Mahigit tatlong taon ko kayong hindi nakitang dalawa, pero hanggang ngayon ay pangit pa rin kayo." Iyon agad ang salubong ng pinsan kong walang kasing sir*ulo, kina Cory at Alexa. "Walang hiya ka pa rin, Lory. Kung ano ang ikinakulot ng buhok mo noon, ay siya ring ikinakulot ng mukha mo." Ganti ni Alexa. Natawa ako nang makita ko ang reaksyon ni Lory. Halos umusok na ang ilong niya habang si Alexa, naman ay ngitian ito nang nakakaasar. "Baka pwedeng kumain muna tayo, bago kayo mag lambingang dalawa." Pagsingit ko sa kanila. Sabay-sabay silang lumingon sa akin, pero pinandilatan ko lang sila ng mata at dali-daling lumapit kay Cory. "May pagkain ka dyan?" nakangiting tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at hindi inaasahan ay bigla niyang isinampal sa mukha ko ang hawak niyang bread rolls. "Yan, pat*y gutom ka pa rin hanggang ngayon," tumatawang usal niya. Hindi naman ako umangal sa ginawa niya, dahil sanay na ako sa love language niyang iyon. At imbes na umangal ay sinimulan ko na lang kainin ang ibinigay niya sa akin. "Tumangkad ka, Lleama." Maya-mayang usal ni Alexa sa likuran ko. Mayabang ko siyang nginitian at mas lalo ko pa itong nilapitan para sukatin ang agwat nang aming height. "Wala. Tanggapin mo na lang kasi na pandak ka talaga." Maangas kong saad at bahagyang itinulak ang kanyang noo. "Tch, yabang." Reklamo niya at tinalikuran ako. Ngiting-ngiti akong naglakad patungo sa sofa na nasa kanilang sala. Pabagsak akong umupo roon habang abala sa pagkain ko. "Inom tayo, mamaya?" excited na pagyaya sa amin ni Alexa. Umangat ang sulok ng labi ko at hinintay na may isang kina Cory at Lory na sumagot. "Lol, panay ka yayang uminom. Baka nakalimutan mo kung ano ang nangyari nang malasing ka nang sobra noon?" pagiging sarkastiko ni Lory. "Ghadddd, matagal na iyon Lory. Mag move on ka na!" Kontra nito. "Anong move on? Pasalamat ka nga at hindi kayo nakabuo! Ewan ko kasi sa 'yo, sa t'wing nalalasing ka ay nagiging malantod ka na! Kahit siguro si MULOY ang nakita mo nang gabing iyon ay papatulan mo!" dugtong ni Lory. Doon ko na hindi mapigilang mapahagalpak ng tawa. Maging si Cory at naibuga ang iniinom niya dahil sa kagag*hang sinabi ni Lory. "Kadiri ka!" pag-iinarte pa ni Alexa. "P*nyeta ka, Lory! Naisingit mo pa talaga iyong gaing walang ginagawa." tumatawa pa ring usal ni Cory. Sa sobrang tawa ko ay hindi ko na manguya nang maayos ang kinakain ko at nalaglag pa sa sahig ang iba. "PWEDE NAMAN SABIHIN NIYO NA LANG NA AYAW NIYO! HINDI YONG ISASAMA PA SI MULOY SA USAPAN!" Sigaw ni Alexa. Nang mapansin niyang wala kaming balak na tumigil mo Cory, sa pagtawa ay siya na ang kusang nag walk-out. "Bw*set ka talaga!" Saad ko kay Lory. Pinandilatan niya lang ako at ibinato sa akin ang hawak niyang mansanas. Mabuti na lang at nailagan ko iyon, dahil kung hindi ay tatama iyon sa noo ko at magkakaroon pa ako ng malaking bukol. "Ayaw niyo talaga?" Maya-mayang tanong naman ni Cory. Kalmado na ito at pinupunasan ang gilid ng kanyang mga mata. Naluha siguro dahil sa sobrang pagtawa niya. "Okay lang naman kung dito lang tayo sa bahay, pero kung gusto niya sa labas, aba'y siya na lang Ang uminom roon." sagot ni Lory. Naiintindihan ko naman ang punto niya, dahil maging ako ay sobrang natakot noon para kay Alexa. Kasi sino ba naman ang taong matino ang basta-basta na lang makikipag-s*x, sa taong hindi niya kilal--- Napahinto ako roon at hindi natapos ang sasabihin ko, dahil sa biglang pagdaan ng memorya sa isipan ko. "Nakipaghal*kan din pala ako nang gabing iyon," sa isip ko. Napamura na lamang ako at sunod-sunod na pinagtatapik ang noo ko para alisin ang bagay na iyon sa utak ko. "Sabihin mo sa kanya Cory, na dito lang tayo iinom. Baka kasi kapag sa labas ay makabuo na talaga siya. Ayaw ko pang maging ninang, dahil hindi pa ako--- successful." Ani Lory. Tumaas ang kaliwang kilay ko at tiningnan siya. "Lol, ninang mo mukha mo! Ayaw mo nga bantayan kapatid mo, tapos ang damot-damot mo pa. May ninang bang ganyan?" pang-aasar ko sa kanya. "Maghanap ka ng kausap mo, Lleama. Bal*w kayong tatlo," asik nito at nagmartsa palabas ng bahay. Nagkatinginan kaming dalawa ni Cory, at kitang-kita ko kung paanong kumunot ang noo niya at punong-puno ng pagtataka ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "T*ngina! Kumakain lang ako rito eh, nasabihan pa talagang b*liw." Reklamo niya. "Hayaan mo na, sira*lo talaga yan." Saad ko at sinenyasan siyang lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at inabutan ko siya ng isang hiwa ng mansanas. Walang pag-aalinlangan niya iyong tinanggap. "Tayong dalawa lang ata ang matino sa grupong 'to," mahinang bulalas niya. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. "Ikaw ba, wala kang planong uminom?" tanong ni Cory. "Pwede naman. Basta dito lang tayo sa loob ng bahay, wag na tayong magbalak na lumabas. Dahil baka masuntok tayo ng barangay chairman," tumatawang saad ko. Natawa din si Cory, siguro ay naalala niya iyong nangyari sa lalaking kaibigan namin. Sobrang lasing, tapos may pasok pa no'n. Nag cutting classes at nagwala dito sa lugar. Ayon, nasuntok ng barangay chairman. "Saan na kaya iyong si Samuel? Siguro ay hindi niya pa nakalimutan ang nangyari, kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik rito, dahil sa kahihiyan." Ani Cory. Kahit naman siguro ako, gano'n din ang gagawin ko. Umalis nga ako kinabukasan dahil lang hinalikan ako ni Eleazar. Paano pa kaya pag sinuntok ng barangay chairman sa harapan ng maraming tao. "Sandali lang ha? May kukunin muna ako," biglang paalam ni Cory. Sunod-sunod akong tumango at pagkatapos ay ibinalik ang aking tingin sa binabalatan kong mansanas. Maya-maya pa ay naramdaman ko na parang may nakatingin sa gawi ko, kaya agad akong humarap sa labas ng bahay at tingnan kung may tao roon. Nang hindi ako makuntento ay tumayo ako mula sa aking pagkaka-upo at naglakad palabas. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, nagbabaka-sakaling may makita akong kahina-hinalang tao, ngunit nadismaya lamang ako dahil wala akong nakita. "Ang weird lang," mahinang bulong ko. At nang mapagod ako sa kakahintay ay bumalik na lamang ako sa loob ng bahay at inalis ko na lamang sa isipan ko, ang pagiging weirdo ng paligid. Simula nang makauwi ako sa probinsya, ay palagi kong napapansin ang iilang kakaibang bagay na nangyayari sa paligid ko. Idagdag mo pa iyong nakita kong maliit na kulay itim sa ceiling ng aking kwarto. Alam kong hindi iyon normal na dumi lang. "Aalisin ko ang bagay na iyon mamaya." TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD