Matapos ang nangyaring iyon ay balik normal na naman sa sariling buhay si Bella at Nicolai,pero nararamdaman nyang hindi na ito masungit sa kanya gaya ng dati.Nang araw na iyon ay wala siyang magawa kung kaya nagpaalam sya dito na bibisitahin nya ang kanyang mga magulang.
Nang makauwi siya ay nakita nyang nagwawalis ang kanyang ina sa labas.Nang makita sya ay kaagad itong pumasok sa bahay at di man lang sya pinansin.Kinakabahang tinawag nya ito,pero hindi ito lumabas man lang para salubungin sya.
Nasa may bungad pa lang sya ay sinalubong na sya ng kanyang kapatid ng yakap pati ang kanyang mga magulang.Umiiyak na gumanti sya ng yakap sa mga ito.Sobrang namiss nya ang pamilya nya.
"Ma,akala ko eh galit kayo sakin eh."Nagtatampong sabi nya sa ina.
"Sus alam mo ba anak,dali-dali kaming pinalabas ng nanay mo,tuwang-tuwa at nariyan ka nga daw."Pagbibida ng kanyang ama.
"Oo nga ate."Anang kanyang bunsong kapatid.Hinaplos nya ito sa ulo.
"Okay ka na ba ha?Pasensya ka na ha,hindi ka na napuntahan ng ate nung nakalabas ka."Aniyang sige pa rin sa pagtulo ang luha.
Lumapit ang kanyang ina at pinahid ang luhang pumapatak sa kanyang pisngi.
"Kami nga ang nagpapasalamat sayo anak,ang laki ng sinakripisyo mo anak,ngayon tuloy ikaw ang nahihirapang magtrabaho.Salamat anak ha,napakaswerte talaga namin sayo,napakabait mong anak."Anang kanyang ina,nakadama sya ng konsensya.Walang kamalay-malay ang kanyang mga magulang sa gulong pinasok nya.
Hapon na kaya nagpaalam na din sya sa kanyang mga magulang.
Nilakad na lang nya patungo sa may sakayan ng jeep ng huminto ang pamilyar na sasakyan.Ang asawa nya,este kuno pala.
Pero nakadama naman sya ng saya dahil sinundo sya nito.Ibig sabihin may pakialam ito sa kanya.
Baka naman dahil lang sa baby,sayang ang binayad nya sayo,anang munting tinig sa kanyang isipan.
Nakadama na naman sya ng lungkot.Bakit tila yata parang gusto na nyang magkatotoo ang lahat kahit imposible itong mangyari.
"Hop in."Anang gwapong Montenegro na nakasilip sa bintana ng kotse,nakangiti ito.Tila naman kinilig sya sa ginawi nito.
Tutungo na sana sya sa may bandang likuran para doon maupo pero binuksan ni Nicolai ang pinto sa katabing upuan nito para doon sya maupo.
Nahihiya namang sumunod na lang sya.Habang umaandar ang sasakyan ay wala syang maapuhap na sasabihin.Pero dahil sa mga nangyayari sa kanila ni Nicolai ay parang nabawasan na ang hiya nya dito.Alam na nito at nakita na ng buong katawan nya kung kaya't bakit pa sya mahihiya dito.
"How's your visit going?"Anito na naunang magbukas ng usapan.
"Ah,okay naman."Tipid niyang sagot.
"I see."Tipid din nitong sagot sa kanya.
"My mom wants to see you,pati na rin si grandma."Maya-maya'y sabi nito.
Kinabahan sya sa tinuran nito.Ang totoo'y hindi sya sana'y magsinungaling kaya kinakabahan sya,baka kung anong masabi nya mabisto pa sila,tiyak nyang magagalit ang mga ito hindi lang sa kanya kundi pati na rin kayna Nicolai at Natasha.
Bahagya pa syang nagulat ng hawakan ni Nicolai ang kanyang kamay.
"Relax,just go with the flow."
"P..pero baka magkamali ako."
"I'm here."Anito na nakabawas sa kanyang nararamdamang kaba.
Palakas ng palakas ang tambol sa kanyang dibdib ng papasok na sila sa mansyon ng asawa.
Tinalunton nila ang patungong dining area.
Napatda siya ng makitang kumpleto ang mga ito,at sila na lang ni Nicolai ang hinihintay.
Nakangiti ng lola at ina nito sa kanya habang ang ama naman nito ay seryosong nkatingin sa kanila bago ipinagpatuloy ang pagkain,ganundin ang lolo nito
"So iha, how's your honeymoon,ok lang ba kayo sa inyong bahay?"Nakangiting sabi nito sa kanila.Katabi nya si Nicolai.Pinisil nito ang kamay nya na nasa ilalim ng mesa.Pakiramdam nya ay nakakuha sya ng lakas sa kamay ni Nicolai,mahigpit ang hawak nya dito.Hindi naman nakaligtas sa kanya ang lihim na pagtawa ni Nicolai.
"Ah..ahm,ayos naman po ang g...ganda-ganda nga po ng bahay ni---namin doon nakakarelax."Pautal-utal niyang sabi habang mahigpit paring hawak ang kamay ni Nicolai.
"Si Nicolai talaga ang nagpundar nun,para sa kanila ni...,ahm sorry iha,di'ko sinasadyang mabanggit iyon."Hinging paumanhin ng ginang.
Si natasha ang tinutukoy nito,nakaramdam sya ng kirot at kusa na nyang binitiwan ang kamay ng asawa.
"Welcome ka lagi dito iha."Nakangiting sabi ng lola ni Nicolai.
"Salamat po mam."Aniya.
"Anong mam,ayoko ng tinatawag mo kaming ganyan,lola,lola at mama ang itatawag mo sa'min ha."Nagagalit-galitang sabi ng lola ni Nicolai.
"O..opo l..lola m..mama."Nahihiyng sabi niya.Napakabait ng mga ito,tiyak na wala na syang mukhang ihaharap kapag nalaman pa ng mga ito ng totoo.
Matapos ang dinner ay hinatid sya ng mama ni Nicolai sa kuwarto.
"Iha,hindi ko sinasadyang mabanggit ang tungkol sa ex ni Nic."Anang ina ni Nicolai sa kanya.Ginagap pa nito ang kanyang kamay.
"N..naku wala po yun,magkaibigan po kami ni..Natasha "Aniyang pilit pinapasigla ang tinig.
"Ah ganun ba,matagal na nga sila magkasintahan kaya kilalang kilala na namin si Natasha,kaya nagulat kami sa biglaang pagpapakilala sayo ni Nico na asawa,halos di kami makapaniwala"
Nahihiyang napalunok na lang sya.Baka mabisto pa sya kung magsasalita pa sya.
"Anyway,alam kong may nakita sayong especial si Nic.Sana ay ikaw na ang bahalang magpapasensya sa kanya ha kapag umiinit ang ulo nya,masyado kasing hot temper yan,alam kong mahal ka ng anak ko,nakikita ko sa mga kilos at tingin nya sayo."
Sa sinabi ng ina ni Nico ay nasamid sya.
"Okay ka lang ba?Mukhang pagod ka na,sige iha,magpahinga ka na,may mga damit na dyan na binili namin para sayo,siguro naman ay kasya sa iyo iyon."Anito sabay hagod sa likod nya.
Nang maisara nya ang pinto ay nakahinga sya ng maluwag.Sayang at napakabait ng ina ni Nicolai.Iginala nya ang paningin sa kuwarto hindi ito ang kuwarto ni Nicolai.Napakaluwang niyon,kahit ilang pamilya ay kasya dito.Napakaswerte naman ni Natasha.
Napahinto sya sa naisip, teka,bakit ako nakakaramdam ng ganito,hindi ito dapat aniya sa isip.
Napagdesisyunan niyang maligo.
Nang matapos ay nagtapis na sya ng tuwalya,at paglabas ay kumuha sya ng nighties sa drawer ang gaganda,nakaagaw sa kanyang pansin ang isang puting nighties,agad niyang isinuot iyon at namangha sya ng mapagmasdan ang sarili sa malaking salamin doon.Hakab na hakab ang hubog ng kanyang katawan sa suot niya,nakikita ang malulusog niyang dibdib dahil sa cut nito sa harap.Wala siyang suot na bra kaya kitang kita ang mga ito at tindig na tindig niyang mga ubod.Nagsuot na lang sya ng panty,wala naman sigurong papasok doon dahil sinigurado niyang nakalock ang kwarto.Si Nicolai naman ay siguradong sa kwarto nito iyon tutulog kapag tulog na ang mga magulang nito.
Tinuyo na nya ang kanyang buhok at nagpasya ng sumampa sa kama.
Mahimbing ang kanyang pagtulog dahil na rin sa pagod sa biyahe ng nakaramdam syang may tumabi sa kanya.Mumukat-mukat niyang iminulat ang namimigat niyang talukap.
Nang mapagsino ay bigla siyang napabangon.
"N..nicolai,anong ginagawa mo dito!!?"Gulat niyang sabi sa asawa.
"Matutulog,what do you think?"Nakangising sabi nito sa kanya.Nakatingin ito sa kanyang dibdib.
Bigla siyang napatakip sa sarili,wala nga pala syang suot na bra!Natawa ito sa ginawi nya.Para bang sinasabing nakita ko na yan,bagay na ikipinamula ng kanyang pisngi.
"Akala ko kasi sa kuwarto mo ikaw---"
"Ayaw mo bang katabi ang asawa mo?"Nanunudyong sabi nito na lihim nyang ikinapakilig.Pero hindi sya nagpahalata.
"Isa pa,inalis na nila ang gamit ko doon,ililipat na daw dito."Dagdag pa ni Nicolai.
"M..madami namang kuwarto ang mansyon diba?"Utal-utal nyang sabi.
Lumapit ito sa kanya.Napaatras naman sya pero pinigilan sya nito
"I missed you."Anitong binulungan sya sa tenga,tila may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan.
"N..nicolai--"May sasabihin pa sana sya ng sakupin na ni Nicolai ang kanyang mga labi.Para naman syang sinindihan.Naramdaman nyang hinihimas nito ang kanyang bundok at nilaro-laro ang dunggot doon.
"Hindi mo ba alam na inaakit mo ako sa suot mo."Anas nito sa tenga nya.
"Nic---."
"Sssshhh..I know you want this too."Anito ng muli'y inangkin nito ang kanyang mga labi.
Napaigtad siya ng sumuot ang kamay ni Nicolai sa kanyang mga hita,dinama ang nasa pagitan niyon,hindi nya napigilan ng may lumabas na ungol sa kanyang bibig..
Maya-maya'y tumigil ito sa ginagawa at walang ano-ano'y iniwan na lang sya.
Napanganga sya.Maya-maya'y may tumulong luha sa kanyang mga mata.
Wala akong pinagkaiba sa babaeng parausan at bayaran,aniya sa isip habang umiiyak.
I hate you,i hate you Nicolai..Bakit ba ako nagpadala sayo.
Pasubsob siyang umiyak sa kama.Hanggang sa siya'y makatulog.