EPISODE THIRTEEN

1186 Words
Napahilamos sa mukha si Nicolai ng lumabas sa mansyon,nagpahangin muna sya sa veranda. Bakit ganito ang kanyang nararamdaman,parang hinahanap-hanap na nya ang init ng yakap at halik ni Bella na maling-mali.Alam nyang na disappoint nya si Bella,tumigil sya ng biglang sumagi sa isip nya si Natasha.Mahal nya ang kasintahan,hinding-hindi nya magagawang lokohin ito.Magkasama sila sa pagbuo ng planong iyon. Hindi ito maaari,ngayon pa lang ay dapat na nyang supilin ang sarili.Aniya sa sarili sabay hugot ng malalim na paghinga. Kinaumagahan ay walang kibuang bumalik na sila ni Nicolai sa Batangas.Sya na ang nagpasyang umupo sa likuran.Nakatingin lang sya sa labas habang umaandar ang sasakyan. Pagdating sa bahay ay pasalampak syang naupo sa kama.Bumalik na naman sila sa dati.Walang kibuan at parang mga estranghero.Pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay ayaw nyang ganito sila,hindi nya maiwasan pero may nararamdaman syang kirot sa kanyang dibdib.Hindi sya masaya sa nangyayaring ito,pero napag isip-isip nyang okay na din siguro iyon para mawala ang nararamdaman nya kay Nicolai Umaalis itong walang pasabi at dumadating na parang wala din lang.Nahihirapan sya pero mas mabuti na iyon para sa kanila. Ilang linggo ang dumaan na ganuon lagi ang kanilang set up.Nasanay na din sya.Masaya na lang sya kapag nakikita nya itong umuuwi pa rin sa kanya,pero nalungkot sya ng maalalang gusto nga pala nitong magkaanak. Umaga ng martes ay walang Nicolai na sumulpot.Kahapon pa ito wala,mabuti na lang at kasama nya si aling Loida.Nagtataka may hindi nya nagawang tawagan ito.May lungkot na nakapa sya sa sarili.Para bang ang layo-layo ni Nicolai samantalang malapit lang at abot kamay ito. Maya-maya'y may pumaradang limousine sa tapat ng kanilang bahay.Hindi pamilyar na lalaki.Narinig nyang tumatawag si aling Loida. "Mam,magbihis daw po kayo,pinapasundo kayo ni sir Nic,may event daw po sa mansyon."Pagpapaliwanag ng matanda. Tumango na lang sya at pagdaka ay naghanda na sya.Matapos maligo ay pumili sya ng maisusuot.Napakaraming mga damit ang ipinamili sa kanya ng mama ni Nicolai at sobrang magaganda ito,mga mamahalin.Napili nya ang isang long black gown na hapit sa kanyang katawan.May kaunti itong slit na sapat na para makita ang mapuputi nyang hita.Sa may dibdib naman ay makikita ang kanyang cleavage.May gold belt ito at kapartner na gold bracelet din,pati necklace.Namangha sya sa sarili ng makita sa salamin.Ibang-iba ang nakikita nya ngayon.Nag ayos kasi sya ng mukha,natuto syang mag ayos dahil lagi syang ginagawang muse sa kanilang school. "Mam,ang ganda nyo po,tiyak akong lalong maiinlove sa inyo nyan si sir."Palatak ni aling Loida. Nginitian lamang nya ito.Sana nga'y magustuhan ni Nicolai ang kanyang ayos.Talagang pinaghandaan nya din ito para hindi naman ito mapahiya sa mga tao doon. Nang makarating sa mansyon ay walang Nicolai na sumalubong sa kanya.Sa bungad pa lang ng pintuan ay nakita sya sa mga mata ng tao roon ang paghanga.Napangiti sya ng lihim.Binati nya ang mga iyon kahit hindi nya kilala.Sinuklian nya ng ngiti ang mga ngumingiti sa kanya. Ngunit may isang pares doon na nakapagpabawi niyon,si Nicolai at Natasha! Biglang may rumagasang kirot sa kanyang dibdib.Pinilit nyang ngumiti pero sa loob-loob ay gusto na nyang tumakbo at umiyak papalayo doon. Naramdaman nyang may mga kamay na humawak sa kanya.Bahagya syang nagulat ng mapagsino iyon.Si Paulo!Si Paulo ay kaklase nya,ano't narito sya ngayon? "Why are you staring me na oarang nakakita ka ng multo?"Natatawang sabi nito. "Paulo,bakit andito ka?Paanong---?"Nagtatakang sabi niya. "Actually,they are my relatives."Anitong nakangiti sa kanya.Habang naglalakad sila'y nakita niyang may mga babaeng kinikilig at nakatingin dito. Guwapo si Paulo,madami ngang nagkakacrush dito.Kamukha ito nung bida sa captain America,hindi na nya matandaan ang pangalan nito.Kaya pala may resemblance ito kay Nicolai,ngayon lang nya napansin.Ipinaliwanag nito na pinsan nito si Nicolai dahil ang ama nito at ama ni Paulo ay magpinsan. "So anong ginagawa mo dito?"Anito sa kanya.Bago pa nya nasagot ang tanong ay may mga kamay na na humablot sa kanya.Si Nicolai. "Oh hi,Paulo magkasama pala kayo ng asawa ko."Anito. Hindi nya alam pero parang may diin sa sinabi nitong asawa ko at matalim ang tingin sa kanila? Naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin ni Paulo sa kanila. "A...asawa..what the..are you joking?"Bakas sa mukha ni Paulo ang pagkabigla at sakit. "Pau is not what you think,i mean---"Naputol ang sasabihin nya ng hinila na sya papalayo ni Nicolai at dinala sya sa may sulok na di gaanong mapapansin ng mga tao,may kadiliman kasi sa parteng iyon. "What are you thinking?Telling him the truth!?"Galit na bulyaw sa kanya ni Nicolai. "H..hind---." "Alam kong may something sa inyo ni Paulo,I know that,pero isantabi mo muna ang paglalandian nyo habang nasa pamamhay namin kayo,and look at what you're wearing right now,halos makita na ang kaluluwa mo,hindi mo ba alam na halos hubaran ka na ng tingin ng mga lalaki dyan ha!Mahiya ka naman!May kontrata pa tayo,hindi ka na ba makapaghintay na makipagflirt sa iba ha!"Ani Nicolai. Nakaramdam sya ng galit dito.Ano bang tingin nito sa kanya mababang uri ng babae?Dahil doon napaiyak sya at isang malutong na sampal ang pinadapo nya sa pisngi ni Nicolai. "Akala ko,iba ka,i thought hindi ka gaya ng ibang lalaki na ang baba ng tingin sa mga babae,for your information,ikaw lang...ikaw lang ang nakauna sakin Nicolai,alam mo yan!Kahit kailan,hindi ko ginusto na mapunta ako sa sitwasyong ito."Aniya bago ito iniwan. Hindi nila alam na may isang bulto na di sinasadyang nakarinig sa kanila. Habang si Nicolai ay natahimik. Isa-isa nang pinaupo ang mga bisita sa lamesang naroroon.Ang pamilya nina Nicolai ay sa iisang table.Siya naman ay piniling maupo sa ibang lamesa doon.Nagkukunwaring ayos lang.Naupo sa tabi nya si Natasha. "K..kailan ka pa dumating Natasha."Pilit na ngiting sabi niya. "Kahapon pa,oh,Im so sorry hiniram ko muna ang boyfriend ko,hindi nainform sayo."Anito sa mahinang boses. Hindi nya alam kung pang aasar iyon o hindi. "Hi Bella,you look stunningly beautiful..So how's the plan going?Nagkasundo na ba kayo ng babe ko?"Anito sa kanya. "Ahm..o..okay lang naman."Tipid niyang sagot.Hindi nya gugustuhing malaman ni Natasha na may nararamdaman na sya para kay Nicolai. "Pagpasensyahan mo na sya ha..ahm...M..may progress na ba..I..i mean---"Anito,alam nyang ayaw nitong banggitin ang salitang iyon dahil nasasaktan ito. "W. Wala pa..Natasha.. kahit m..may nangyaya..yari man samin n..ni Nicolai,w..wala lang yun..p..parte lang ng plano yun."Aniya dito kahit na kabaligtaran ang sinasabi ng kanyang puso. Biglang umaliwalas ang mukha nito,hindi nila namalayang nakalapit na pala si Nicolai at sigurado siyang narinig sila nito. Matalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya. "Prepare yourself,tatawagin tayo mamaya."Hindi tumitinging sabi nito sa kanya.Hindi din naman nya ito papansinin. "Oh well alam mo ba,sobrang tinanong kami ni tita,mama ni Nic if bakit kami nagbreak so sinabi ko na lang na we're good friends now,so far naniwala naman sila,kaya hangga't maaari gawin mo ang napagkasunduan natin."Ani Natasha sa pilit pinapasiglang boses.Dama niyang labag sa loob nito iyon.Dati ay buo ang plano nila pero ngayon,parang may iba na.Nararamdaman nya. "Okay,so the reason of this event is for Nicolai and Bella?..."Napatingin sya sa stage ng tawagin ang pangalan nila ni Nicolai. " Ooh,maybe nasurprise kayo,so ladies and gentlemen, I'd like you to meet our newly wed-mr.Nicolai Montenegro and mrs.Bella Montenegro."Patuloy ng emcee.Nagpalakpakan ang lahat,paglingon niya kay Natasha ay nakayuko ito,bakas ang sakit sa mukha nito.Nakaramdam sya ng awa.Ngunit hinawakan na ni Nicolai ang kanyang kamay patungo sa stage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD