"Isang kiss naman dyan."Anang emcee,nagkalansingan naman ang mga kubyertos.Nakaramdam siya ng hiya sa mga tao doon.Pagtingin nya sa kinaroroonan ni Natasha ay nakita niyang tumayo ito at naglakad palayo.
Hindi nya alam ang gagawin,naiipit sya sa sitwasyong hindi naman nya ginusto.
Nasa kalagitnaan sya ng pag iisip ng bigla syang kinabig ng halik ni Nicolai at dahil doon kayo lalong nagkaingay sa paligid.Matapos ng halik na iyon ay hindi agad sya nakahuma nakita niyang nakasmirk ito sa kanya bagay na ikinainis nya,naisahan na naman sya nito.
"And so be it,nakita naman natin kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.For now,we let you dance with your partner pero pangungunahan ito ng ating newly wed."Anang emcee .
Nagpatangay na lang sa agos si Bella.Naramdaman nyang iginiya sya ni Nicolai sa may bulwagan.Biglang tumugtog ang awiting YOUR LOVE at FALL FOR YOU by secondhand serenade.Tila may kung anong magnet na kapwa sila nakatitig sa isat-isa.Hindi naman napigilan ni Bella ang kiligin, pero hindi nya iyon ipinahalata,galit pa rin sya dito dahil sa mga sinabi nito sa kanya.
"Nag eenjoy ka ba asawa ko?"Ani Nocolai na sinasadyang asarin sya.Pero may kung anong kilig ang hatid niyon sa kanya.
"Bakit naman ako mag eenjoy,matapos ang mga sinabi mo sakin?"Aniya sabay irap sa kasayaw.
Napatawa naman ito sa ginawa nya.
"You know what,you look like a teenager,so young..so..."
"'wag mo nang ituloy ang sasabihin mo."Palatak niya.
"See,you look like a teenager because your blushing."Nang aasar pa ring sabi ni Nicolai sa kanya.
"Hoy mister for your information,its not because of you,dahil to sa inis ko sayo!!"Inis niyang sagot dito.
"Really."Ani Nicolai bago biglang sumeryoso.Nakatitig ito sa kanya at naiilang sya dito.
"May problema ba at ganyan ka makatingin?" Aniya.
"Did you like Paulo?"Nakakunot noo at seryosong tanong nito sa kanya.
"Kung gusto ko man sya,wala ka na dun."
"I'm your husband for now anyway."
"Yeah..sa--."Bago nya matapos ang sasabihin ay hinalikan sya nito bagay na ikinagulat nya.
Sa gilid ng mata nya'y nakita nyang papalapit si Paulo kasama si Natasha!Agad niyang itinulak si Nicolai pero hindi bumitaw ang mga braso nito sa kanyang bewang,ngunit ng makita sina Natasha ay kaagad itong bumitaw sa kanya.
"Can i borrow your husband?"May diin sa mga salita ni Natasha,hindi pa sya nakakatango ay hinila na nito si Nicolai at sila naman ang nagsayaw.
"Can i have this dance?"Ani Paulo sa kanya.Tinaggap niya iyon.
"Married ka na pala,bakit hindi ko alam,namin ni Summer."Anito na may bahid ng sakit at hinampo sa tinig.
"I..im s..so sorry Pau."Aniya.Bestfriend nya ito pero hindi nya puwedeng sabihin ang lahat.
"No need to explain,let's just enjoy the night."Anito sabay hawak sa bewang nya.
Napatingin naman sya kay Nicolai,kitang-kita niya ang pagdilim ng mukha nito.Ano yun selos?Imposible naman.Pinalis niya ang nasa isip.Imposibleng magselos ito lalo na't kasama nito si Natasha,ang totoong nagmamay-ari dito.
"Hey are you okay?"Ani Paulo sa kanya.
Nagbalik ang paningin nya kay Paulo.
"O..oo naman."
"Dont worry babalik naman sayo si Nicolai."Anito.
"Bella in case you need a person to talk to,just call me okay."Ani Paulo sa kanya.
Ngumiti na lang sya pagkatapos ay isinandal ang ulo sa balikat ni Paulo.Sanay na sila ng ganoon,sila ni summer,silang tatlo.Kapag may problema umiiyak sya sa mga ito at inaalo sya,niyayakap,kahit alam nyang may pagtangi sa kanya si Paulo,para sa kanya ay walang malisya iyon..Hindi niya alam ang nagbabagang tingin sa kanila ni Nicolai.
"Salamat Pau,maaasahan ka talaga palagi."
"Just for you Bella,just for you.."
"What is your problem ha Nic?!"galit na sabi ni Nicolai na noo'y tumutungga ng alak.Nasa personal bar sila sa loob ng mansyon.Walang ibang nakakapasok doon maliban sa pamilya ng mga Montenegro.
Ngunit hindi ito sumagot,tuloy lang ito sa pag inom.
"Akala mo ba hindi ko napansin ha Nicolai!!Ang tinginan nyo ng Bella na iyon!Ang galit mo ng makita mo syang kasayaw ni Paulo!Histerikal na sabi nito.
Para namang nahimasmasan si Nicolai.Lumapit at sinubukang aluin ang kasintahan.
"Sabihin mo nga sa'kin Nic,did you fall in love with that s**t!!"Anito nanlilisik ang mga mata.
"Dont call her like that,you know na hindi sya ganoong uri ng babae."
"So..tama ako,look at you,pinagtatanggol mo na sya!!Nic, you'd promise me,diba?"Anito sabay upo sa sofa doon.
Lumapit si Nicolai at niyakap ang kasintahan.
"Diba tayo ang may pangarap,diba?We just planned it."Anito sabay subsob ng yakap kay Natasha.
"Im sorry,magulo lang ang isip ko,im sorry babe."Ani Nicolai sabay yakap din sa kasintahan.Nakaramdam sya ng awa sa kasintahan,pero hindi na nya kaya pang iwan si Bella,mahal na nya ito.Ngayon lang nya naramdaman ang ganitong klaseng pakiramdam,pero itatama nya muna ang lahat bago nya harapin ang nararamdaman nya.Sa ngayon ay mas mabuti munang sya lang ang makaalam nito.Alam nyang magkakagulo,hindi sya papakawalan basta-basta ni Natasha.Para na rin sa seguridad ni Bella.
"Mabuti pa samahan mo na lang ako uminom, celebration for your wedding."Ani Paulo.
Sumang ayon na lang sya.Ladies wine lang ang iinumin nya.
"Doon tayo sa loob,may bar doon para sa pamilya.Personal bar.Masyado na kasing madaming tao dito."Ani Paulo sa kanya.
Pareho silang nagulat sa nasaksihan.
"What is the meaning of this!!?"Galit na sabi ni Paulo kay Nicolai.
Napabitaw ang yakap ng dalawa ng makita si Paulo.
Hindi napigilan ni Bella ang mga luhang kusang pumatak sa kanyang pisngi.Nagmamadaling tumakbo ito papalayo.Na hindi nya din alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya.
"Bella."Ani Nicolai na akmang hahabulin si Bella pero isang suntok ang dumapo sa mukha nito.
"Paulo..you dont understand.."Ani Natasha na pumagitna sa dalawa.
"Really?At ano ang nakita ko?!Niloloko nyo lang si Bella?!"Galit nitong sabi
Isang suntok pa ang pinadapo nito sa mukha ni Nicolai.
Napasubsob naman ang huli sa isa sa table doon.Dumugo ang labi ni Nicolai sa lakas ng suntok ni Paulo.
"Para yan kay Bella,sinamantala mo ang kahinaan nya!"Ani Paulo
"Anong pinagsasabi mo!?"Ani Natasha habang si Nicolai ay tumayo na.
"Narinig ko...narinig ko kayo ni Bella na nag uusap.Ginawa nya ito para sa pamilya nya..Kung alam ko lang na kailangan ni Bella sana ako na lang..I love Bella and i will do anything para mabawi sya sayo."
Ani Paulo bago ito lumabas at sinundan si Bella.
"Are you okay babe?"Nag-aalalang tanong ni Natasha habang inaalalayan sya.
"What's wrong with that woman, she's acting weird,dont she dare."Ani Natasha sa mahinang boses pero hindi iyon nakaligtas kay Nicolai.
"Dont mind her, she's just nobody.Ihahatid na kita sa kuwarto mo."Ani Nicolai.
Napangiti naman si Natasha sa tinuran ni Nicolai.
Samantala ay umiiyak na nagtungo si Bella sa may pool,walang tao dito sapagkat hindi pinapayagan ang sinumang outsider na pumunta doon.Doon nya ibinuhos ang sama ng loob.Kahit alam nyang si Natasha at si Nicolai talaga ay di pa rin nya maiwasang masaktan.Ang sakit-sakit,parang dinudurog ang puso nya.
"Bella.."
Napatingin sya sa tumawag sa kanya, si Paulo.
Kaagad nyang pinahid ang luha at inayos ang sarili.
"Ikaw pala Pau,anong ginagawa mo dito?"Aniya,pilit pinapasigla ang boses.
"Dont deny it,I know you're not okay."
"Hindi ah ayos lang----"
"I heard everything,no need to deny it,please Bella."ani Paulo sa kanya.
"P..paulo...i..im so sorry for not telling you."Ani Bella na hindi na pinigilan pa ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin,sana humanap ako ng paraan para tulungan ka,hindi na kailangan pa ang ganito."Nag aalala at deretsang sabi nito sa kanya.
Isinandal sya nito sa dibdib nito,doon naramdaman nyang may karamay sya.
"Whatever happens,im here for you no matter what."Anito bago hinimas ang kanyang ulo.Napayakap na lang sya kay Paulo,ito lang ang makakaramay nya sa mga sandaling ito.