EPISODE NINETEEN

1156 Words
Ilang linggo nang umuuwi lagi si Nicolai na nakainom.Masakit malaman na ang babaeng handa na nyang ipaglaban ay may iba na at sa pinsan pa nya!Kunsabagay ay kasalanan nya ang lahat.Kung nung una pa lang ay sinabi na nya lahat.Malaking panghihinayang ang nararamdaman nya ngayon. "Babe!I miss you."Narinig nyang sabi ni Natasha na sumalubong sa kanya sa mansyon.Nakabalik na pala ito. "O Nicolai,andito ka na pala,tamang-tama at magsisimula na tayo."Ani Don Lauro na ikinapagtaka nya,mas lalo pa itong nadagdagan ng makita ang mga magulang ni Natasha. "We will talk about your marriage."Anang Don ng tumalikod na. "What is the meaning of this?!"Galit niyang sabi sa ama. "Lower your voice,baka marinig nila tayo nakakahiya,fix yourself.Malaki din ang maitutulong nila sa ating kumpanya,kung kay Natasha ka magpapakasal."Pinal na sabi ng kanyang ama."Kalimutan mo na ang babaeng iyon Nicolai." "Yeah right,wala na din naman ang babaeng papakasalan ko."Mabigat sa dibdib na sabi nya. Matapos ang usapang iyon ay nailathala na agad ang tungkol sa kasal ni Nicolai at Natasha. Nang mga panahong iyon ay abala naman si Bella sa paglilinis ng bahay.Mabuti na lang at nandoon si Paulo,may dala itong mangga at alamang.Bubuksan sana nya ang tv ng awatin sya ni Paulo. "Huwag ka na muna manood at baka maistress ka lang sa mga balita."Ani Paulo na akmang kukuhain ang remote sa kanya. "Ano ka ba,may inaabangan akong serye dyan."Ani Bella na nabuksan na ang tv. Sakto namang ngflash report at narinig nya lahat ng sinabi ng reporter tungkol sa kasal nina Nicolai at Natasha. Nanlulumong napaupo sya.Akala nya ay okay na lahat.Pero mas masakit pala malaman na ikakasal na ang lalaking mahal nya sa iba.Agad naman syang inalalayan ni Paulo. "Alam mo 'to diba?"Tanong niya sa kaibigan. "Bella,ginawa ko lang yon para hindi ka maistress."Ani Paulo. "Ang sakit,ang sakit-sakit Pau."Naglandas ang masaganng luha sa kanyang mga mata. "Sabi na nga ba,..ma..mahal mo si Nicolai.."Ani Paulo sa kanya. "Oo Pau..pero..hanggang doon na lang iyon..d..dahil magkakaroon na sya ng sariling pamilya.M....mabuti na din iyon..mas bagay sila."Sabay haplos sa batang nasa sinapupunan nya. "Alam kong hindi iyan ang sinasabi ng puso mo....but don't worry..i'll help you to forget Nicolai."Ani Paulo ng niyakap sya. "M..magiging anak sa labas ang anak ko,pero hindi ko sasabihin kahit kanino na si Nicolai ang ama ng batang ito."Aniya.She's not trying na maging selfish,pinapangalagaan lang nya ang kapakanan ng kanyang anak. Nagdesisyon si Bella na ipaalam na sa magulang ang lahat.Sinamahan sya ni Paulo.Nang marinig ng kanyang mga magulang ang tungkol doon ay awang-awa ang mga ito sa kanya.Nagdesisyon pa si mang Eddie na panagutin si Nicolai sa nangyari.Pero sinabi nyang ang lahat ay isang kontrata lang at ginusto nya ang nangyari,walang ,kasalanan si Nicolai dahil ginawa nya iyon para sa kanyang kapatid. "Paano na ang..batang nasa sinapupunan mo anak?"Lumuluhang sabi ng kanyang ina. "Papalakihin ko po sya,at hindi nya malalamang si Nicolai ang ama nya."Aniya sa mga ito. "Kasalanan ko ito lahat anak.Dahil sa akin kung kaya't nangyari ito."Ani mang Eddie. "Pa,desisyon ko ang pumasok sa ganoon."Aniyang pilit pinapalubag ang loob ng kanyang mga magulang. Ilang linggo na rin ang lumipas at unti-unting natanggap na din ng kanyang pamilya ang lahat.Nakiusap sya sa mga magulang na huwag ipaalam sa kanyang kapatid ang nangyari dahil baka sisihin din nito ang sarili.Halos araw-araw namang nasa kanila si Paulo,parang ito ang ama ng batang pinagbubuntis nya.Lagi itong may dala ng mga pinaglilihian nya.Unti-unting bumalik sa normal ang lahat pero kahit kailan ay di naalis sa kanyang puso si Nicolai.Sa sulok ng kanyang puso ay umaasang babalik si Nicolai,pero sinasabi nya sa isip na mas mabuti na ang nangyari para matahimik na muli ang kanilang buhay. Walang emosyon si Nicolai habang nakikita si Natasha na nagsusukat ng gown.Nagpapadala na lang sya sa agos.Oo ng oo na lang sya sa mga pangyayari.Parang wala nang direksyon ang kanyang buhay.Alam nyang mahihirapan sya pa ngayon na kalimutan si Bella,pero darating din ang panahong mawawala ito sa kanyang puso.Time heals ika nga. "Did you like it babe?Naku excited na talaga ako sa wedding natin."Halatang masaya si Natasha. Pilit na ngiti naman ang isinukli nya dito. "Parang di ka naman masaya."Maktol ng dalaga sa kanya. "Wala lang ako sa mood."Aniya. "Lagi ka na lang wala sa mood lately.Anyway may ibibigay nga pala ako sayo." Kunot-noong inabot nya ang isang brown envelope kay Natasha. Nagulat sya sa laman ng envelope, divorce paper nila ni Bella! "Paano mong...."Ani Nicolai. "Ako na mismo ang nagpapirma sa kanya the second day ng dumating ako dito so bale mga one week na,dont worry,kaagad nya itong pinirmahan,ayaw na daw nya magkaroon pa ng kaugnayan sayo,and besides,magkakaanak na sila ni Paulo right?So wala na talagang makakapigil sa ating kasal,kopya na lang yan,pinapadali ko na ang pagprocess,next week daw ay approve na."Abot ang tengang ngiti ni Natasha. "Pero hindi ko sinabing ikaw ang magbigay nito sa kanya,bakit ka nakialam!"Galit na sabi ni Nicolai. Kuyom ang kamaong lumabas si Nicolai.Ayaw na pala talaga sya makita ni Bella. Bago iyon ay pumunta si Natasha sa bahay nina Bella. Nagulat si Bella ng makita kung sino ang bumaba ng sasakyan.Si Natasha. Nagsasampay sya ng damit ng mga sandaling iyon. "Bella.."Parang natulala si Natasha ng makita ang malaking umbok sa kanyang tiyan. "Natasha..nakabalik ka na pala."Ani Bella. Imbes na sumagot sa sinabi nya ay iba ang isinagot nito. "Buntis ka?I...ilang buwan na?"Namumutlang sabi ni Natasha. "Oo,magtatatlong buwan na."Aniya dito. "S..sinong ama ng pinagdadala mo..si..Nicolai ba?!"Nag-aalalang sabi nito sa kanya. Nilapitan ito ni Bella at hinawakan sa kamay ang namumutlang si Natasha. "Dont tell me na si..." Tumango si Bella pero nagmakaawa kay Natasha. "P.. pleasseee Natasha,wag mong sasabihin kay Nicolai nagmamakaawa ako sayo." Bumakas naman ang tuwa kay Natasha. "Oo pinapangako ko.."Anito bago may tinawagan.Maya-maya'y isang kotse pa ang dumating.Isa sa mga utusan nito at may iniabot ditong envelope. "Bella..sign this divorce paper,para wala na kayong anumang ugnayan pa ni Nicolai."Ani Natasha na inabot sa kanya ang envelope. "Ha?!"Gulat na sabi nya. "Sinabi mo saking huwag ko sabihin kay Nicolai ang tungkol sa..dyan sa batang iyan diba,kaya ako na lang ang magpapapirma sayo nito.I know na nakarating na sayo ang balitang ikakasal na kami." Nakadama siya ng habag sa batang nasa kanyang sinapupunan.Parang hindi nya kayang pirmahan ang papeles na iyon.Mapuputol na talaga ang ugnayan nila ni Nicolai. "Bella,this time,ako naman ang magmamakaawa sayo,palayain mo na si Nic,you know that he love me from the start.Alam nating pagpapanggap lang ang lahat." Napapikit si Bella,habang pinipigilan ang luhang kanina pa gustong pumatak sa kanyang mga mata. Buntong-hiningang pinirmahan nya iyon kahit labag sa kanyang kalooban. "Sana naman ay alisin mo na kami sa nakaraan mo Bella,just think na bahagi lang kami ng panaginip mo.Hindi ako mag-thathankyou sayo,dahil ako naman talaga ang tunay na nagmamay-ari kay Nicolai and we love each other,paalam Bella."Ani Natasha na umibis na ng sasakyan. Naiwan syang hinang-hina kaya kailangan nyang kumapit sa sampayan at baka matumba sya.Wala na..wala na talaga kaming kaugnayan.Nakaramdam sya pagkahilo at naramdaman nyang my mga bisig na sumalo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD