Nanlulumong napahilamos sa mukha si Nicolai ng makarating sa bahay nila ni Bella.Umalis daw ito sabi ni manang Loida kaya umalis na din sya.Sinabi nitong may nagsundo ditong sasakyan,hindi na nya nakita kung sino dahil paalis na din sya.
Tinungo nya ang kuwarto ni Bella,ng asawa nya.Malinis na ito,wala na din ang mga damit nito doon.
Bakit hindi mo ako hinayaang magpaliwanag Bella,bakit hindi ka nagtiwala sa akin?Tanong ni Nicolai sa isip.Kunsabaga'y ay hindi nya masisisi ito dahil sa una pa lang ay puro sakit na ang ibinigay nya dito.
May napansin syang sulat sa ibabaw ng maliit na table doon.
Sir Nicolai...my husband ..
Thankyou for everything..so this is the end.Let's forgot each other,kalimutan mo na ding may nakilala kang gaya ko,isang mababang uri ng babae.Maging masaya sana kayo ni Natasha,masaya ako para sa inyo.
..... Bella.
Ikinuyom ni Nicolai ang mga kamay.Hindi puwede ito,hahanapin kita kahit saan ka pa magpunta Bella,pangako,aayusin ko muna ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko.
"What?!Are you out of your mind Nicolai!"Galit na sabi ni Don Lauro matapos isiwalat ni Nicolai ang lahat.
"Paano mo nagawa ito Nicolai?!"Segunda naman ng kanyang lolo.
"Ayoko ng makita pa ang babaeng iyon sa pamamahay ko!Ang mga kagaya nya ay walang puwang sa bahay na ito,mababang uri!!"Anang kanyang ama.
"Kahit ano ang sabihin nyo sakin matatanggap ko,'wag lang kay Bella,hindi sya kagaya ng iniisip nyo!Disente syang babae!"Ani Nicolai sa mga ito.
"Paano mo kami nagawang lokohin ha Nicolai."Matigas na sabi ng kanyang ama habang ang kanyang ina ay pilit na umaawat sa kanila.
"Dahil sa inyo Dad!Dahil sa inyo!Kayo ang may gusto na ipakasal ako at magkaanak para mahawakan ko ang kumpanya.Dad, I'm not a toy na kailangan nyong kontrolin,im your son! I have feelings too.!Anyway I'm not confessing this para malaman nyo, I'm doing this for Bella Dad,para maging legal ang lahat dahil papakasalan ko sya whatever status is her,with or without your consent!"Ani Nicolai bago tinalikuran ang mga ito.
"Aba't talagang..sumusobra ka nang bata ka!"Narinig nyang sabi ng ama habang naglalakad sya palayo.
Habang nagtutupi si Bella ng mga nilabhang damit ay may naramdaman syang bumusina.Dalawang buwan na rin ng umalis sya sa bahay nina Nicolai.Lumalaki na din ang tiyan nya,halata na.
Si Paulo lang ang nakakaalam ng kinaroroonan nya maliban kay Natasha.Tinawagan nya ito kanina.Nung una ay nagulat si Paulo ng makita ang kanyang tiyan,nasaktan ito at mga ilang araw din itong di nagparamdam.
"Bella,i..i can be the father of your baby."Biglang sabi nito habang sumisimsim ito ng kape at sya naman ay kinakain ang dala nitong pansit.Muntik na syang mabulunan sa narinig.
"Naku Pau,kung ano-ano ang pumapasok sa isip mo."Natatawa niyang sabi dito.
"Im serious."Anito.Napatingin naman sya sa kaibigan,mukha ngang seryoso ito sa sinabi.
"Pau,alam mo nagpapasalamat ako kasi i have a friend like you,kung ikaw lang sana ang naging ama ng anak ko,siguradong magiging napakaswerteng bata ng anak ko."Aniya.Napansin nyang bigla itong lumungkot.
.
"Ayokong ipaako ang anak ko sa iba,lalo na sayo,hindi mo kami responsibilidad Pau,you deserve much better than me."Pang-aalo niya sa kaibigan.
"But Bella, I'm willing,gusto mo bang lumaki ang anak mong walang ama, darating ang panahon na hahanapin nya kung sino ang tatay nya."Ani Pau sa kanya.
Napabuntong hininga siya.May punto ito,pero hindi maaaring iasa nya sa iba ang bunga ng ginawa nya,nila ni Nicolai.
"Alam ko na nag-aalala ka lang para sa'kin Pau,pero gagawin ko ang lahat para mapuno sya ng pagmamahal at di na nya kailangan pa ng isang ama."Aniya.Ngunit sa sulok ng kanyang puso'y may pangamba siyang nadarama.Tama si Pau,alam nyang darating ang panahong hahanapin nito kung sino ang ama Pinagbilinan nya si Paulo na hindi puwedeng malaman ni Nicolai ang tungkol sa bata para na rin sa kapakanan nilang mag ina.Hindi nya gagamitin ang kanyang anak para sa mga plano nina Nicolai.
"When will you decided na sabihin sa parents mo ang lahat?"
Hindi nya inaasahan ang tanong na iyon ni Paulo sa kanya.
Saglit siyang nag-isip bago nagsalita.
"Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob."Aniya.
Nagbunga na din ang paghahanap ni Nicolai kay Bella,naghire siya ng isang private detective para mahanap ito.Ibinigay ng detective sa kanya ang isang brown envelope na naglalaman ng mga litrato.
Napakunot ang kanyang noo ng makita ang picture ni Bella na inaalalayan ni Paulo,lalo pa syang nagulat ng makita ang umbok sa tiyan nito.
Hindi siya makapaniwala kaya nagdesisyon syang kusang makita ito ng harapan.
"May naisip ka na bang ipapangalan sa baby natin?"Ani Paulo,ganito nito ipoint out ang baby sa tiyan nya.
"Hmm..di ko pa alam ano kaya..pagbabae.."
"Bella?"Mula sa likuran isang boses ng lalaki na pamilyar sa kanila.
"Nicolai!"Gulat na sabi niya dito.
"What are you doing here!"Galit na sabi ni Paulo kay Nicolai.
Ngunit hindi sumagot si Nicolai,bakas sa mukha nito ang sakit at malaking panghihinayang..
"A..are you pregnant?"Maang na tanong nito.Nakakatuwang gumalaw ang baby sa tyan nya.
Walang maapuhap na sasabihin si Bella.Bumalik ang sakit na nadama nya bago sya umalis ng bahay nito.Naramdaman ni Paulo na hindi nya kayang magsalita.
"Yes she is,and im the father..are you happy now?"Anito.
Napansin nyang kumuyom ang kamao nito.
"Madami sana ako gustong sabihin,but i think what i saw is enough.Congrats,you deserve her."Ani Nicolai na tumapik pa sa balikat ni Paulo.
Bagsak ang mga balikat nito ng lumisan sa lugar na iyon.Naramdaman nya kung gaano nya ito namiss,how she longing again for him,na makulong sa mga bisig nito.
You deserve her,yan ang mga salitang paulit-ulit na sumiksik sa isip ni Bella.
Hindi nya napigilang umiyak sa harapan ni Paulo.Masakit pa rin pala.Ano kaya ang gusto sana nitong sabihin sa kanya.Bakit kahit matagal na ay naroroon pa rin ang sakit Parang sinasaksak ang knya g puso ng madaming kutsilyo.Bakut ba ng hirap-hirap makalimot kahit anong sabihin niya at isipin na kalimutan na lang ang lalaking ama ng knyang anak ay hindi pa rin niya magawa Nanghihinang napalupasay na lamang siya.
"Sshh..stop crying,makakasama sa baby yan."Pang-aalo ni Paulo sa kanya.
Pero kahit anong salita pa ang sabihin nito ay parang wala ni isang tumalab at sumiksik sa kanyang isip.Nagpahinuhod na lamang siya.Hiling niya ay makalimot na siya.