EPISODE SEVENTEEN

1021 Words
Kinabukasan ay magkasabay umalis sina Nicolai,Natasha at Paulo ,siya na naman ang naiwan kasama ni manang Loida.Namimiss na agad nya si Nicolai.Nakaramdam sya ng pangangasim ng sikmura agad syang tumakbo papuntang lababo at doon sumuka. "Mam,buntis kayo?"Ani manang Loida ng madatnan syang nagsusuka. Napatulala sya sa matanda.Kaya pala lagi syang gutom at sensetive. Abang na abang nya ang pagtunog ng kanyang cellphone baka kasi tumawag o magtext si Nicolai sa kanya.May maganda syang balita dito na tiyak na ikakatuwa nito. Pero magtatanghali na ay wala pa ring text man lang ni Nicolai.Hindi sya mapakali.Nagdesisyon syang sorpresahin na lang ito sa kumpanya.Nagcommute na lang sya para hindi ito makahalata,nagpaluto sya kay manang Loida ng sugpo at alimasag,favorite ito ni Nicolai at sya kaya madalas silang magkasundo nito sa pagkain. Pagdating niya sa kumpanya ay agad syang dumiretso patungong opisina ni Nicolai,tiyak siyang matutuwa ito.Pinapasok naman agad sya ng mga security guard dahil kilala sya ng mga ito pero mga nag-aalalang tingin ang nabakas niya sa mga iyon,winalang bahala na lang nya iyon. Kakatok sana sya ng may marinig itong kausap,medyo nakakaawang ang pinto ng opisina nito.Alam nyang masama manubok pero sumilip sya sa siwang ng pinto. Laking gulat nya ng makita si Natasha na nakakandong sa kanyang asawa! "Haharapin ko na si Dad,tatapusin ko na ang kontrata namin,hindi na dapat pang magpatuloy ito."Narinig nyang sabi ng asawa. "Really?!So napagod ka na sa pagpapanggap.We should start planning our wedding."Natutuwang boses ni Natasha.Gumuhit ang sakit sa kanyang puso,at kusang nalaglag ang mga luhang nasa kanyang mga mata.Agad syang umalis ng lugar na iyon. So ito pala ang plano ni Nicolai,paano na ang mga binitiwan nitong salita,nangako itong aayusin nito lahat basta't magtiwala sya. Bakit nga ba sya naniwala sa mga panloloko nito,alam naman niyang mahal nito si Natasha.Hindi nya naisip na pinapasakay lang sya nito para sa huli'y masaktan sya,na ipamukha na isa lang syang hamak na babae na kaylanma'y hindi magugustuhan ng kagaya nito. "No..Natasha,you don't understand."Ani Nicolai.Bago tumayo.Naglakad ito patungo sa wall glass kung saan kita ang paroo't parito ng mga sasakyan. "Anong hindi ko naget's c'mon babe,you know i realized na hindi ko pala dapat kinunsinte kang planuhin ito,i realized na i will choose you over my carreer,hindi ka ba masaya sa narinig mo?I said,pinipili kita babe,diba iyon ang pinakahihintay natin,so let's plan our wedding right away after your divorce." "Natasha.....I..need to become real,I mean,itatama ko ang lahat." "Wait.. wait,,I dont understand...ano bang pinupunto mo?" "I will marry Bella again."Ani Nicolai. "Wait..what?!!Are you kidding me!"Histerikal na sabi ni Natasha. "I will tell to my family the whole truth...and I will marry Bella para maging legal ko na syang asawa.Im so sorry Ash,but I love her,narealize ko na hindi mo talaga ako mahal." Lumapit ito kay Nicolai at humawak sa braso nito. "Nic,you know I love you,please don't do this to me."Nagmamakaawang sabi nito. "No you choosed your career over me,now na may kakumpetensya ka na,saka mo narealize na mahalaga pala ako, but Bella,mas pinipili nya ang mga taong mahal nya kesa sa sarili nyang kaligayahan,and i admired her for that."Ani Nicolai. Yumakap si Natasha sa likuran ni Nicolai na umiiyak. "Please tell me,na nagbibiro ka lang.Ang babaeng iyon ay kasama lang sa plano natin, she's nothing but a slut na ibebenta ang sarili para sa pera.Malay ba natin na madami na palang gumalaw sa babaeng iyon!?"Ani Natasha. Umismid si Nicolai. "You dont know my wife,at hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya.And..please huwag na huwag kang magsasalita ng masama sa kanya."Matigas na sabi ni Nicolai. Naputol iyon ng biglang may kumatok sa pinto. Si Natasha naman ay dali-daling lumabas papunta sa ladies room. "Ahm,sorry sir did I interrupt you?"Anang sekretarya ni Nicolai.May edad na ito dahil matagal na itong nagtatrabaho sa kanila,yung time na ang lolo pa nya ang nagmamanage ng company.Minsan nga tinatanong nila kung bkit di ito nainlove sa lolo nya.Lagi naman nitong sinasabing magkaibigan lang sila.Isa ito sa pinagkakatiwalaan ng kumpanya. "No..come in." "Sir you have a meeting to Sir De Leon after lunch."Anang sekretarya. "Okay,noted." "Ah sir,mukhang masarap ang lunch nyo ngayon,ang asawa nyo eh may dala kanina." Kumunot ang noo ni Nicolai. "Asawa?Nagpunta sya dito kanina?"Nagtatakang tanong ni Nicolai. "Opo,pero nagmamadali din umalis." Nagmamadaling inayos ni Nicolai ang mga papeles sa ibabaw ng lamesa nito. "Please tell Mr.De Leon na cancelled ang meeting."Ani Nicolai bago lumabas ng pinto. Napakamot lang sa ulo nito ang matanda. Samantala ay panay ang tulo ng luha ni Bella habang nag eempake.Sinabi na lang nya kay manang Loida na bibisitahin lang nya ang mga magulang,hindi pa ito nagtanong pa.Nang papalabas na sya ay nakita nya si Natasha sa baba. "Anong ginagawa mo dito Natasha?" "Please Bella,alam kong narinig mo na lahat,,gusto ni Nicolai na ako ang magsabi sayo nito dahil ayaw nyang masaktan ka."Ani Natasha,narinig nitong nag uusap ang mga empleyado ng papunta sya sa ladies room. Napatungo na lang si Bella.Masakit lalo na't magkakaanak na sila ni Nicolai,naaawa sya para sa kanyang magiging anak,walang kagigisnang ama at hindi kikilalanin nito. "Im so sorry Bella,hindi ko ginustong mangyari ito,narealized lang ni Nicolai na...harapin ang katotohanan."Ani Natasha. "Dont worry Ash,sorry din ha nakagulo pa ako sa inyo."Ani Bella. "So where did you go?" "Ahm bahala na,hindi muna ako uuwi sa amin,mag iipon muna ako ng lakas ng loob bago harapin sila." "May kilala ako na makakatulong sayo,mayroong bakasyunan yung friend ko,pero hindi na sila umuuwi dito eh,nag istay na sila sa France,bale care taker na lang ang nag aayos nun,dont worry ipapaalam ko sa kanila,safe ka dun,private place yun."Kunwa'y nag aalalang sabi ni Natasha.Inunahan na niya si Nicolai.Hindi maaaring ganoon na lang iyon lahat. Niyakap nya si Natasha,mabait talaga ito, yun nga lang pag inagaw mo ang pag aari nito'y nagiging tigre ito. "Salamat Ash-"Ani Bella. Nagvolunteer si Natasha na ihahatid na sya sa bakasyunan ng kaibigan nito.Napag alaman nyang sa Quezon province pala ang sinasabi nitong bakasyunan,malayo ito sa bahay ni Nicolai. Maganda ang atmosphere sa paligid,sariwa ang hangin at matatanaw mo ang mga bulubundukin at mga berdeng puno sa paligid.Ilang sagli't lang at nagpaalam na si Natasha,pinagbilinan nya itong huwag ipaalam kahit kanino ang kinaroroonan nya at sumang-ayon naman ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD