Pumasok si don Lauro sa kuwarto ni Nicolai pero wala ito doon.Ilang oras na lang at ikakasal na ito.Hindi puwedeng basta na lang ito magback out.
"Mananagot sa'kin ang batang iyon!!"Galit na sabi ni Don Lauro ng makauwi na sila sa mansyon.Abot-abot ang paghingi nila ng pasensya sa pamilya ni Natasha.
"Maybe, it's time na huwag na natin pangunahan ang desisyon ng anak mo,kanyang buhay ito.Ayokong magaya sya sa atin Lauro.Nasa edad na sya para piliin kung anong gusto nya,ayokong dumating ang araw na hindi na nya tayo kilalaning pamilya."
Nadatnan ni Nicolai si Bella na nakaupo sa lilim ng isang punong mangga.Di kalayuan sa bahay nila.Nakapikit ito ngunit hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mga luhang nalaglag sa pisngi nito.Naramdaman ata nito ang presensya nya kaya nagmulat ito ng mata.
"Anak,nakikita-kita ko na naman ang ama mo,masaya na sya ngayon,alam kong magiging masaya na sya."Ani Bella na hinaplos ang tiyan.
Niyakap nya ang kanyang mag-ina at naramdaman nyang ikinagulat ito ni Bella.
"Nicolai!"Sambit ni Bella ng maramdaman nyang totoo nga ang lalaking nasa kanyang harapan.Napatayo ito sa gulat,pero dahil sa malaki na ang tiyan nito ay nahihirapan na ito.Agad na inalalayan ni Nicolai si Bella.
Ngunit tinabig ito ng huli.
"Ano pa bang ginagawa mo dito ha..lumayo na nga kami eh.
"
"Kung ganoon,ilalayo mo talaga ang anak ko sa akin?Kung hindi pa sinabi ni Paulo ang lahat ay hindi ko malalaman."Himutok na sabi nito sa kanya.
"Sinabi ni Paulo sayo?..paanong..bakit?..."
"Dont blame him,inisip nya lang ang kapakanan ng ating magiging anak,can we talk?"Mahinahong sabi ni Nicolai.Ngunit agad niyang ibinalik ang kaninang inis kunwari niya dito.Ikakasal na ito at si Natasha.Ayaw niyang makagulo pa sa mga ito dahil naging mabait sa kanya si Natasha.Napakawalang-utang na loob naman niya kapag inagaw niya dito ang lalaking pag-aari naman talaga nito.Umeksena lang naman talaga siya sa mga ito,bagay na ikinalungkot niya.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Nicolai,tapos na tayo,wala na tayong kaugnayan pa sa isat-isa,p..pinirmahan ko na ang annulment paper natin diba,malaya ka na."
"Its easy for you to sign that..Bakit hindi mo sinabi sa akin,bakit inilihim mo ang tungkol sa anak natin?"Sunod-sunod na tanong ni Nicolai sa kanya.Mababakas ang hapdi at sakit sa mga mata nito.Dismayado ito sa ginawa niya.Wala siyang magagawa.Kahit na mahal niya ito ay hindi naman talaga ito para sa kanya.Sobrang laki ng agwat nilang dalawa.
"Inisip ko lang ang kapakanan ng anak ko."
"Natin Bella,anak natin.Nasasaktan ako Bella,akala ko may tiwala ka sakin?Diba ,i told you to trust me?"Patuloy ni Nicolai.
"How dare you to say that to me,heto nga at magpapakasal na kayo ni Natasha, narinig ko ang usapan nyo ng pumunta ako sa company nyo para sana--."Di na niya naituloy ang sasabihin ng pinutol iyon ni Nicolai.
"Maghatid ng pagkain sakin?Yeah I know,pero mali ang narinig mo sa pinag-usapan namin."
"Anong mali,narinig ko na puputulin mo na ang koneksyon mo sakin,puputulin mo na ang pagpapanggap."Galit na sabi ni Bella.Malinaw pa sa sinag ng araw ang kanyang narinig mula mismo sa mga labi nito.Hindi naman siya tanga para mag-imbento pa.Tyaka hindi naman niya gawain ang mag-imbento.
"You did not gave me the chance to explain..basta ka na lang nagjump sa conclusion sa isip mo."
"Pano mo masasabing mali ako ha,ayan nga at ikakasal ka na,at pinuntahan ako ni Natasha and she said na nagpaplano na kayo ikasal,so anong mali doon ha Nico!!? Umiiyak na sabi ni Bella.Muling nilapitan sya ni Nicolai at akmang hahawakan pero pinalis ni Bella ang kamay nito.
"Mas naniwala ka kay Natasha kesa sakin?"Dismayadong sabi ni Nicolai sa kanya.
"Oo,dahil una pa lang..una pa lang kya mo nang manloko ng tao,pati nga mg magulang mo niloko mo!!"Ani Bella.Ayaw man niyang sabihin ang mga katagang iyon pero pinilit niya ang dila para sabihin iyon.
Nakita nyang nasaktan si Nicolai.
Iyon ang gusto nya pero bakit mas nasasaktan sya ng makita itong nasasaktan.
"Umalis ka na Nicolai,magpakasal ka na kay Natasha,patahimikin mo na ako,kami ng..ng..anak mo,kung m..may pagmamahal ka sa anak mo hindi mo na kami guguluhin pa."Garalgal at labag sa loob na sabi niya.
Hindi nya nakitang umiiyak si Nicolai pero nakita nyang namumula ang mg mata at ilong nito.
"Iyan ba ang gusto mo Bella?One more thing Bella,just answer me,and I swear,hindi na ..hindi ko na kayo guguluhin pa."Anito na titig na titig sa kanya.Bakas niya ang lungkot at sakit sa mga mata nito.
"Bella...do you ..atleast love me?"
Napatulala sya sa sinabi nito..Pero maya-maya'y nakahuma na din.
"N..no..h..hindi kita minahal Nicolai..alam mo naman diba, kontrata lang ang lahat..ginawa ko lang iyon para sa..sa ...sa pera."Aniya na hindi makatingin sa asawa.
Ilang saglit na nakatitig sa kanya si Nicolai.
"Right..just right..so..this is..goodbye.But dont worry pananagutan ko ang bata."Ani Nicolai bago nagmamadaling umalis.
Naiwan syang umiiyak.Iyak sya ng iyak,ang sakit sakit palang itaboy ang taong mahal mo.Sobra syang umiyak ng mga oras na iyon.
"Anong nangyari sayo anak?"Tanong ni aling Celia ng makitang wala sa sarili si Bella na naglalakad.
"Bakit nagmamadaling umalis si Nicolai?"Nagtatakang sabi nito.
"Ma.."Hindi na napigilang umiyak ni Bella sa ina."Bakit ang sakit-sakit ng nararamdaman ko,diba dapat masaya na ako dahil hindi na kami guguluhin pa ni Nicolai."
"Tinanggihan mo sya anak?Paano na ang baby nyo?Anak ano man ang maging desisyon mo,nakasuporta lang kami sayo.Tinanggap na namin si Nicolai dahil nangako syang hindi ka na nya uli sasaktan,at ikaw ang gusto nya kayo panagutan."Anang kanyang ina.Sakto namang lapit ni mang Eddie.
"Alam kong marami akong maling desisyon,pero anak..Naniniwala akong mahal kayo ni Nicolai,magpapakapagod ba yong puntahan ka ng ganto kalayo sa araw ng kasal nya kung hindi kayo importante sa kanya?Anak,isipin mo kung anong tama,sundin mo kung anong nasa puso mo para hindi mo pagsisihan pagdating ng araw."
"Pa?.mahal ko po si Nicolai pero..baka hindi ako matanggap ng magulang nya,hindi ako bagay sa kanya,sila ni Natasha ang bagay."
"Walang magkaiba pagdating sa pag ibig anak.Kung sya nga,hindi nya inisip ang sasabihin ng mga tao sa kanya,ikaw pa anak,na ordinaryong tao lang?"Sabi naman ng kanyang ina.
Naliwanagan sya sa narinig.Handa na syang harapin ang lahat.Handa na nyang mahalin ng buo si Nicolai.
Dali-daling nagpahatid sya sa ama.Hindi nya mapapatawad ang kanyang sarili kapag nalaman nyang nagpakasal na ang lalaking mahal nya sa iba.Bakit pa nya kasi itinaboy si Nicolai.Tiyak niyang nasaktan nya ito ng labis.