Pumasok si don Lauro sa kuwarto ni Nicolai pero wala ito doon.Ilang oras na lang at ikakasal na ito.Hindi puwedeng basta na lang ito magback out.Malaking kahihiyan ang kanilang kakaharapin pag nagkataon. "Mananagot sa'kin ang batang iyon!!"Galit na sabi ni Don Lauro ng makauwi na sila sa mansyon.Abot-abot ang paghingi nila ng pasensya sa pamilya ni Natasha.Isa pa naman ito sa malaking mag-invest.Ano na lang ang ihaharap nilang mukha sa mga ito. "Maybe, it's time na huwag na natin pangunahan ang desisyon ng anak mo,kanyang buhay ito.Ayokong magaya sya sa atin Lauro.Nasa edad na sya para piliin kung anong gusto nya,ayokong dumating ang araw na hindi na nya tayo kilalaning pamilya."Himig pakiusap ng ina ni Nicolai sa don.Tama na siguro ang pagkakasundo sa pagpapakasal sa kanilang pamilya pa

