Nagulat si Bella nang mamukhaan kung sino ang bumaba sa magarang sasakyan.Si Nicolai!Ngunit napukaw ang paningin nya sa babaeng kasama nito na agad umangkla sa braso nito.Napakasopistikada ng babae,half-half ito.Malasutla ang kutis at animo'y manika.Nakaramdam sya ng kaunting kurot sa kanyang puso.Pero agad niyang pianlis iyon.Sa pagkakataong ito'y hindi dapat ganoon ang kanyang maramdaman.Sinaktan nito ang kanyang mga pinakamamahal na mga magulang na hindi naman nila kaano-ano.Pero parang umurong naman ang kanyang dila at walang lakas ng loob na gawin ang kaninang naisip niya.Kinurot niya ang sarili.Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang silbi,ni hindi man lang niya nagawang ipagtanggol ang kanyang mga magulang.Napabuntong-hininga na lamang siya.Hindi na lang niya titingnan ang mga pagmumukha ng mga ito,iyon ang mas mabuti niyang gawin.
Nang malapit na ang mga ito'y nagyuko sya ng ulo.Bahala na ang kanyang mga magulang makipag usap sa mga ito.Nahihiya syang tingnan ang simpatiko at gwapong binata.Inasikaso na lang nya ang ina na noo'y nagkamalay na.Awang awa siya dito.Dobleng sakit ang nararamdaman niya ngayong sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya ang ganitong kalalagayan ng kanyang ina.
Si Natasha nama'y napasulyap sa kanya ng ilang sandali bago binawi ang paningin.Hindi naman niya mabasa sa mga mata nito kung nao ang iniisip nito ng mga sandaling iyon.
"Sir,maawa kayo,wala na kami mapupuntahan,bigyan nyo pa kami ng kahit isang buwang palugit. "Nagmamakaawang sabi ng kanyang ama.
Napaismid naman ang binata.
"Nung nangutang kayo,nakiusap din kayo na babayaran nyo kami at may palugit akong binigay pero oo lang kayo ng oo,then what now?"Mawtoridad at sarkastikong sabi ni Nicolai sa kanyang ama.
Inis na sabi ni Nicolai.Pinigil naman ng babaeng kasama nito ang binata,tila pinapakalma.
Naptingin si Bella sa binata.Tila yata tumataas na ang boses nito.
"Sir please,nakikiusap ako."Ani mang Eddie.
"Mang Eddie right?...First of all our company is not a pawnshop.Maayos ang usapan natin,kaya wala akong magagawa.Pinili nyo yan."Iiling-iling na sabi nito.
Sabay talikod.Nagulat sila ng nakita nilang mabilis na pagsunod ng kanilang ama at lumuhod habang yakap ang binti ni Nicolai.Nanlalaki ang kanyang mga matang nanuod sa ginawa ng kanyang ama.Hindi dapat ganoon.Hindi deserve ng kanyang ama ang ganoon.
"Sir maawa kayo,sir,kawawa ang pamilya ko."Anang kanyang ama habang nakaluhod pa rin at yakap ang binti ng binata.Umiiyak na nilapitan nila ang kanyang ama.
"Pa,please tama na."Ani Bella
"Hindi mga anak,kasalanan ko ito."
Sa isip nya'y awang awa na sya sa kanyang ama.Napakasakit na makita ang kanyang ama sa ganitong kalagayan.
Inutusan naman ni Nicolai ang mga tauhan na alisin ang matanda.
Ngunit nang papalayo na ang binata muling sumunod si mang Eddie at ganoon ulit ang ginawa kaya si Nicolai ay nawalan ng panimbang kung kayat na out of balance ito at nabuwal.Lahat sila'y nabigla..Nagkataong maputik pa naman kaya putikan ang suot nitong puting poloshirt.
"All of you!Mga mahihirap tinutulungan na kayo pero hindi pa kayo makontento,gusto nyo pa'y malaki ang itutulong sa inyo kaya hindi kayo umaasenso!"Bulyaw ng binata sa ama,tinabig ni Nicolai si mang Eddie kaya napatimbuwang itong tuluyan sa putikan.Habang ang binata ay agad dinaluhan ng mga tao pati ng babaeng kasama nito.
Ni hindi sila halos makahuma sa bilis ng mga pangyayari.Awang awa sila sa kanilang ama.Umiiyak na nilapitan ni aling Celia ang asawa at ng kanyang kapatid si mang Eddie,ngunit sya'y kuyom ang palad na nakatingin sa binata.Wala itong karapatang insultuhin ang kanilang pagkatao.Walang karapatan si Nicolai na insultuhin ang kanyang ama!
Mabilis na tumalikod ang binata.
Ngunit bago pa ito makalayo...mabilis ding nakalapit si Bella
"Mr.Montenegro!"Galit na sigaw ni Bella.
At saktong pagharap ng binatang Montenegro ay isang malutong na sampal ang pinadapo nya sa pisngi nito.
"What the...."Anang binata habang sapo ang pisnging nanlalaki ang mata.Maging ang kasama din nito ay napahumindig sa nasaksihan.
Wala pang nakakagawa nito,lalo na ang isang babae.Kadalasan ay patay na patay sa kanya.
"Wala kang karapatang insultuhin ang pamilya ko,hindi ko alam na ganyan ka pala ka ganid!"
"Who are you?!How dare you to slap me!?"Naniningkit ang mga matang sabi nito sa kanya
"Ako lang naman ang isa sa mahihirap na sinasabi mo,makakaalis na kayo!"
"Yeah absolutely,but you know,i dont have to waste my time to a woman like you,isa ka lang marahil sa mga babaeng gustong maagaw ang atensyon ko."Ismid na sabi ni Nicolai.
"Ang kapal m--"Aktong sasampalin na naman nya ito ng hawakan nito ang braso niya.
Ngingisi-ngising tumingin ito sa kanya mula ulo hanggang paa.
"But you know, pwede na din siguro ipambayad ang katawan mo,mapapagtiyagaan ko na."
Anito bago sya binitiwan.Namumula sa inis na napaatras sya.Ang babae namang kasama nito ay nakamata lang sa kanila.Tila may iniisip.
Bago pa si Bella makapagsalita ay nakasakay na ito ng sasakyan."Hoy bumalik ka dito antipatikong mayabang!Akala mo kung sino ka,ang sama sama pala ng ugali mo!!!"Pahabol niyang sigaw bago mabilis na pinuntahan ang ama at nangingilid ang luhang niyakap nya ito.
"Hayaan nyo na pa..umuwi na lang tayo sa probinsya."Pang aalo niya dito
"Bakit ka nakangiti?"Ang kunot noong sabi ni Nicolai sa kanyang kasintahan ng nasa loob na sila ng sasakyan.
"Wala..its not because pinagtatawanan ko ang nangyari sayo but its just that...nakakatuwa to know na may isang babae palang kaya kang ganyanin."Nakangising sabi ni Natasha sa kanya.
"That girl,i will make her pay for what she did to me."
"Ang isang Nicolai Montenegro ay nakaranas masampal ng isang babae na hindi pa nya nararanasan of his entire life."Dugtong pa ni Natasha bagay na ikinainis nya.
Sabagay tama naman ito.This is the first time na may babaeng nanakit sa kanya.
"Sino bang boyfriend mo dito ha?"Himig tampong sabi nya sa kasintahan.
"Asus ito naman.Haha.But you know may point ka."Nag iisip nitong sabi.
"What point ang ibig mo sabihin?"Muli'y kumunot ang noo ni Nicolai.
"Yung sinabi mong pagbebenta ng katawan sayo,i think pwede nga."
"Oh my goodness Ash,cut that crap.Ano bang pinagsasabi mo,you want me to get to be with that violent woman!Nakita mo bang ginawa sakin."Naiinis na sabi ni Nicolai.
Natawa si Natasha sa reaksyon nya.
"Look i am being practical here.Nic kung sya ang gagamitin mo,i am assure you na hindi ako magwo-worry,you know what?Aside for may pangangailangan sila,eh hindi rin sya attracted sayo.What do you think?"
Baling ni Natasha sa binata.
Napalingon naman ang binata kay Natasha.