EPUSODE SIX

1004 Words
"Bakit ka nakangiti?"Kunot noong sabi ni Nicolai sa kanyang kasintahan ng nasa loob na sila ng sasakyan. "Wala..its not because pinagtatawanan ko ang nangyari sayo but its just that...nakakatuwa to know na may isang babae palang kaya kang ganyanin."Nakangising sabi ni Natasha sa kanya. "That girl,i will make her pay for what she did to me."Pikong sabi ni Nicolai kay Natasha na para bang ang kanyang girlfriend ay nag eenjoy apng makita sya sa ganoon.Iiling-iling na ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang pagmamaneho. "Ang isang Nicolai Montenegro ay nakaranas masampal ng isang babae na hindi pa nya nararanasan of his entire life."Dugtong pa ni Natasha bagay na ikinainis nya.Sabi na nga ba at aalaskahin lamang siya nito. Sabagay tama naman ito.This is the first time na may babaeng nanakit sa kanya.At isipin pa ha,anak ng mahirap na lalaking nagbenta ng bahay at lupa sa kanila.Kasalanan pa nila na nademolish iyon?Samantalang kung tuttuusin ay kanila ng pag aari iyon?Mga tao nga naman. "Sino bang boyfriend mo dito ha?"himig tampong sabi nya sa kasintahan. "Asus ito naman.Haha.But you know you may point ka."Nag iisip nitong sabi. "What point did you mean?"Muli'y kumunot ang noo ni Nicolai. "Yung sinabi mong pagbebenta ng katawan sayo,i think pwede nga." "Oh my goodness Natasha,cut that crap.Ano bang pinagsasabi mo,you want me to be with that violent woman!Nakita mo bang ginawa sakin?"Naiinis na sabi ni Nicolai. Natawa si Natasha sa reaksyon nya. "Look i am being practical here.Nic kung sya ang gagamitin mo,i am assure na hindi ako magwoworry,you know what?Aside for may pangangailangan sila,eh hindi rin sya attracted sayo.What do you think?" Baling ni Natasha sa binata. Napalingon naman ang binata kay Natasha. "Ano pong sinabi nyo?Nagbigay ng palugit ang mayabang na Montenegro na yun?"Gulat na sabi nya.Nagtataka sya kung bakit biglang bigla'y nagbigay ang mga ito ng extend kung kaya't di na matutuloy muna ang demolisyon.Imposibleng bigla na lamang ng mga itong iurong ang demolisyon na sinimulan ng mga ito kahapon "Oo anak kaya kumain ka na dyan ng maayos,hay makakahinga hinga na din ako ng maluwag.Gagawa kami ng paraan para makapaghanap ng paraan para hindi na makuha pa itong ating bahay at lupa.Pati na rin ang ating sakahan."Halatang masayang sabi ng kanyang ama.Nakadama siya ng habag dito.Hindi pa rin nya mapapatawad ang lalaking iyon sa pangbabastos at pang mamaliit sa kanila.Mahirap nga sila at ni walang halos yaman at sa kakarampot lang na kita umaasa. "Himala yata at biglang nagbago ang desisyon ng mga yun."Inis na sabi nya.Kung sya ang papipiliin hindi na nya tatanggapin ang extension ng palugit ng mga ito dahil sa ginawang pamamaliit ng mga ito.Siguro iniisip ng ama ang kapakanan nila.Kung likipat naman kase sila sa probinsya ay maninibago tiyqk ang kanyang kapatid.Malaking pag aadjust muna bago nito maabsorb ang lahat ng nangyayari sa paligid nito at ayaw naman din niyang mangyari iyun. "Hayaan mo na anak,maswerte pa rin tayo."Anang kanyang ama.Tahimik lang na kumakain ang kanyang kapatid.Maswerte?Maswerte na iyong minaliit sila ng aroganteng lalakng iyon?Hindi niya pinahalata sa ama ang habag na kanyang nararamdaman.Naaawa din sya dito,siguradong kung natuloy ang pagdemolish at lumipat na sila ay mahihirapan itong mag adjust. "Hayaan nyo pa,maghahanap ako ng trabaho para makatulong din sa inyo."Singit niya. "Salamat anak,pasensya ka na sakin ha?"Anang kanyang ama,dama niya ang bigat ng kalooban nito.Ngiti at paggagap sa kamay nito ang isinukli nya.Wala din siya sa mood magsalita pa.Wala din namang sense kung sisisihin pa nila ito sa ginawa.Nangyari na ang nangyari.Ang kailangan nila ngayon ay pagtutulungan at pagdadamayan,hindi ang pagsusumbatan. "Anak,may iaalok daw sayong trabaho ang girlfriend ni mr.Montenegro,malaki daw ang kita." Kunot noong bumaling sya sa ina.Paanong nangyari iyon.Ano ba talagang nangyayari?Gulong-gulo na siya. "Paano nyo nakausap?"Nagtatakang tanong niya."Pumunta ba sila dito?" "Hindi anak,ipinasabi lang sa tauhan,pero halata namang mabait ang kasintahan ni mr.Montenegro." Dagdag pa ng kanyang ina. "Ma,alam ko,pero may kaugnayan pa rin sya sa mga Montenegrong iyan."Inis na sabi nya. "Anak sa panahon ngayon mahirap maghanap ng trabaho,lalo na't undergraduate ka." Buntong hininga na lang ang naisukli nya.Batid nyang mahirap talaga maghanap ng trabaho sa panahon ngayon.Pero hanggat maaari ay ayaw nyang magkaroon pa ng kaugnayan sa mga taong iyon.Para na rin nilang pinayagan ang pang-aapi ng mga ito at panghahamak sa kanilang pamilya. "Kabilin bilinan nyang labas si mr Montenegro." Napaisip sya.Nakapagtataka naman na bigla bigla itong nag-alok ng trabaho na hindi alam ni Nicolai. Kinabukasan ay napag isip-isip nyang pumunta sa address na nakasaad sa calling card nito.Para magpasalamat at itanong kung bakit ito biglang nag-alok ng trabaho,ngunit hindi nya matatanggap ang alok nito.Ayaw nyang muli'y maalipusta at ibaba ang kanilang dignidad.Sabihin ng mapride sya. Iginiya sya ng isang tauhan sa tapat ng isang pinto.Marahang katok at mahinang come in ang narinig nya. Pagpasok nya'y bumungad sa kanya ang magandang babae, girlfriend ni Nicolai. "Hi,i'm natasha Villafuerte,but you can call me Ash"malambing na sabi nito .Inilahad nito ang kamay na tinanggap naman nya at inalalayan syang makaupo.Kahit na nag aalangan sya. Hindi nya agad masabi ang gustong sabihin sa kabaitang pinapakita nito. "Alam ko,hindi naging maganda ang unang paghaharap natin.Im sorry for that."Hinging paumanhin nito. "Hindi mo naman kasalanan yun."Nahihiyang sabi nya. "But Nic is my boyfriend,i feel na kasangkot din ako dun, I'm really sorry.Anyway,thank you for accepting my invitation to you."Mabait na litanya nito.Ang kaninang amasonang nasa dib-dib niya ay parang binuhusan ng malamig na tubig. "Hindi ako pumunta dito para--."Naputol ang sasabihin nya ng nagsalita ulit ito. "Hindi na'ko magpapaligoy-ligoy pa,if you accept the job naiooffer ko sayo,i will assure you na malaki ang magiging kabayaran,and ang bahay nyo,hindi na itutuloy ng pagdedemolish." Kumunot ang noo nya,hindi nya maintindihan ang sinasabi nito.Di yata at may alam si Nicolai? Pero bago sya muling magsalita'y nagpatuloy ito. "Hindi na itutuloy ang demolisyon plus papayagang maging hulugan na lang hanggang sa makabayad kayo.O kung gusto mo nama'y kakalimutan na namin ang utang nyo,pumayag ka lang,we will provide all your need,you and your family."Mahabang sabi nito. "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,paanong....anong trabaho,at sino kayo?"Gulong-gulo na sabi nya. "Me and Nicolai,marry him."gulantang sya sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD