"Marry him "Inulit nito ang sinabi.
Gulantang sya sa sinabi nito.
"Are you kidding me?!"Aniya na di makapaniwala.Ayaw nya na nga makita ang taong iyon pero gusto nitong magpakasal sya sa kasintahan nito!Nababaliw na ata ito.
"We will pay you triple,millions..please."Anitong nakikiusap.Tinitigan nya ito sa mga mata,kitang kita nya ang sakit doon.
Pero bakit gusto nitong makasal sya sa bf nito,ibang klase!
"Aalis na'ko,kalokohan ang pumunta pa'ko dito."Aniya bago tumayo na.Ngunit pinigilan sya nito.
"Pag isipan mong mabuti."Pahabol pang sabi ni Natasha sa kanya.
Tinbig niya ang kamay nito.
"Ayokong mging bastos sayo miss Villafuerte pero masyado mo nang tinatapakan ang aming pagkatao,yan ang mahirap sa inyong mayayaman,akala nyo lahat madadaan sa pera,excuse me."Aniya bago tuluyang umalis.Ngunit bago sya makalabas ay may pahabol itong sabi.
"Do you know how it hurts me so much,ang basta magpakasal ang boyfriend ko sa iba!"Anito sa garalgal na boses.
Napahinto sya ng ilang saglit bago tuluyang nilisan ng may pagtataka ang lugar na iyon.
Iiling-iling na inihakbang na niya ang kanyang mga paa paalis sa lugar na iyon.Mali ang desisyon niyang pumunta pa sa lugar na iyon.
Nakahanap sya ng trabaho bilang isang cashier sa supermarket malapit sa kanila.Kahit kokonti ang sweldo,atleast pinaghirapan nya at di sya mamamalimos ng awa sa iba.
Pag uwi niya'y nagtaka siya kung bakit napakatahimik ng bahay.Dati rati'y tuwing dadating sya ay lagi nyang nadadatnan ang kanyang ina na nagluluto na ng hapunan,maging ang kanyang kapatid.Kaya naman nagtaka sya.Maya pa'y bumungad sa kanilang pintuan si aling Laura.Bakas sa mukha nito na naaawa ito sa kanila at pag aalaa.
"Mabuti't andito ka na Bella,nagbilin ang mama mo,isinugod kase sa ospital ang kapatid mo."
Nagulat sya sa narinig,kinakabahang nakatingin sya dito.
"B...bakit po anong nangyari sa kapatid ko,asan sila ngayon?!"Nag aalalang sabi niya.Di pa tapos ang problema at ito na naman,meron na namang panibago.Para na siyang mauubusan ng bait sa nangyayari.Kailangan ba talaga nilang danasin lahat ng ito.Isang bugsuan lang.Napasabunot siya sa sarili,hindi na nya alam ang kanyang gagawin.Nakausal siya ng panalangin sa taas.Sana naman ay matapos na ang lahat ng ito sa kanilang pamilya.
Agad niyang natunton ang ospital na sinabi ni aling Laura.
Pagpasok niya'y nakita niyang nakaabang ang kanyang ama sa pinto.
Nang makita siya'y nanlulumong niyakap sya nito,tila pigil ang luha.Bago sila pumunta sa kuwatrong inilaan sa kapatid nya.
"Ma,pa,anong nangyari,..bakit ..paano?"Kandabuhol niyang sabi.
"A..anak ang kapatid mo may sakit,kailangan syang operahan sa puso,kanina bigla na lang sya nahimatay.Malaki daw ang magagastos sa pagpapaopera ng kapatid mo.Kailangan daw maoperahan agad dahil baka lumala at maging huli ang lahat."Humahagulgol na sabi ng kanyang ina.
Napatda siya sa narinig.Umiiyak na niyakap niya ang natutulog na kapatid.
"Magpalakas ka ha,andito lang kami.Andito lang ang ate,gagawa ng paraan ang ate."Aniya,sa pagitan ng pagluha.Napaisip siya at biglang nagbalik sa kanyang ala-ala ang sinabi ni Natasha.Sa panahon ngayon ay wala na silang makukunan pa ng malaking halaga,ayaw nyang mapahamak ang kapatid,lulunukin na lang nya ang kanyang pride alang alang sa kanyang kapatid.Bahala na!
Kahit ayaw at labag sa loob nya ay nagtungo sya sa kumpanya ng mga Montenegro.Mabigat ang mga paang tinalunton nya ang pasilyo kung saan naroroon ang opisinang pinuntahan nya dati.Isang nakaunipormeng empleyada ang lumapit sa kanya.
"Mam doon po tayo sa top floor,kabilin-bilinan po ni mam Natasha na tanggapin namin kayo anytime na magpunta kayo dito."
Nasorpresa sya sa narinig.Kung ganoon ay inaasahan na pala ni Natasha na gagawin nya ito.Pero kung hindi dahil sa kanyang kapatid.Napakuyom ang kanyang kamao.
Nang makarating sila sa pagkataas-taas na floor ng building ay gusto niyang malula,totoo palang napakayaman ng mga Montenegro,hindi lang ito ang building ng mga ito.At ngayon nga ay nasa 30th floor sila!
Maya-maya'y nakarating sila sa isang pinto.
"Mam,iwan ko na po kayo,pumasok na po kayo,alam na nina Mam at Sir na andito kayo"
Kinabahan sya sa narinig.Hanggat maaari ay ayaw na sana nyang makita pa ang lalaking iyon.Napapikit siya,dahil sa kanyang kapatid.
Nasa ganoon syang sitwasyon ng bumukas ang pinto.
"Hi"magiliw na sabi ni Natasha.Habang inangkla ang braso nito sa kanya.Sweet at mabait talaga ito.
Napayuko ang ulo nya ng makita ang lalaking nakaupo sa harap ng isang table.Nakasulat doon na mr.President.Nanliit siya.Pero hindi pa rin nya nakakalimutan ang ginawa nito sa kanila.
Nakabukas ang suot nitong longsleeve,habang nakahalukipkip.Nakakunot ang noo nito na lalong nagpahubog sa makakapal nitong kilay.
Tahimik lang ito habang nakatingin sa kanila.
"So i guess you accept our offer."
Napatingin siya dito."A...ang kapatid ko kasi..k...kailangang operahan agad sa puso,kung hindi'y..."Pinigilan nya ang sariling maiyak.
"I'm sorry.ahm..hindi ko inaasahang mangyayari iyan.Hayaan mo sasama ko para dalawin sya."
Ani Natasha.Napakabait talaga nito.
"Okay cheer up.This is all about.Ikaw ang magpapanggap na asawa ni Nic,and pag nagkaanak kayo,after mo manganak,magdidivorce na kayo"Ani Natasha.Alam nyang masakit para dito iyon.
"P..pero bakit hindi ikaw ang-"Naputol ang kanyang tanong ng magsalita si Nicolai.
"Its none of your business."Anito pero agad naman itong sinaway ni Natasha.
Napakuyom naman ang kanyang kamay.Ngayon pa lang ay gusto na nya magback out,kung hindi lang dahil sa kapatid nya.Handa syang ipagsapalaran ang sarili nya 'wag lang mawala ang pinakamamahal nyang kapatid.
"Tama na nga yan umuusbong pa lang ang career ko,mahalaga sakin iyon,matagal ko nang pinanagarap na maging isang sikat na modelo.Nic's dad wants him to marry at magkaroon ng isang apo na susunod na tagapagmana,at kay Nicolai para maipamana sa kanya ang kumpanya,kung hindi,mapupunta sa charity lahat,and Nicolai dont want that to happen.Lahat ng pinaghirapan nila ay mawawala ng ganun na lang."Ani Natasha bago tinapunan ng tingin ang binata.Magkahawak ang kamay ng mga ito,para bang ipinapakitang siya ay upahan lamang.Tama,isang upahan.Nalungkot sya sa naisip.
"This is the agreement paper na kailangan nyong pirmahan."Ani Natasha.Agad namang pinirmahan iyon ni Nicolai.
"Nakasaad diyan ang lahat ng sinabi ko sayo,lahat ng pangangailangan mo,malaking bayad at may sarili kang bank card."
Natigilan sya.Kapag pinirmahan nya ito ay wala nang atrasan pa.
"What are you waiting for,you want money for your sister right?"Nakaismid na sabi ni Nicolai.
Napabuntong hininga siya.Ngayon pa lang ay di na sila magkasundo.
Walang nagawang pinirmahan na nya ang kontrata.Para to sa kapatid ko.Usal niya sa isipan.