EPISODE EIGHT

1005 Words
Ang plano ay ipapakilala sya ni Nicolai sa mga magulang nito kasama ang marriage contract nila sa huwes.At ito na ang bahalang magpaliwanag ng lahat.Kung kaya't maagang maaga'y umalis na siya ng kanilang bahay. Nakita nyang nag-iintay ang kotse ni Nicolai sa may di kalayuan.Mag isa lang ito,dahil si Natasha ay umalis na,may aayusin pa daw ito sa trabaho.Alam niyang nasasaktan ito,marahil ay ayaw nitong makita na ikakasal si Nicolai sa iba kahit na peke lang ito. Nang makalapit sya ay narinig nyang nagsalita si Nicolai. "Get in."Anito. Ang antipatikong ito ni hindi man lang ako pinagbuksan.Aniyang bubulong-bulong. "What?Ano pang iniintay mo,pagbuksan kita?Kaya mo na ang sarili mo."Buska ng binata sa kanya. Natigagal naman sya.Nagngingitngit na binuksan ang gilid nito ngunit napatigil sya ng sumenyas itong sa likod sya umupo. Napahiyang tinungo nya ang back seat.Gusto na nyang magback out pero hindi puwede,kailangan sya ng kanyang kapatid. Habang nakaupo sa back seat ay pinagmasdan nya ito sa maliit na salamin sa harapan.Di maitatangging napakaguwapo nito.Makakapal ang kilay na binagayn ng malalantik nitong pilik mata,matangos na ilong at hugis pusong labi.Ipinilig nya ang kanyang ulo.Ang lalaking ito ang humamak sa kanila. "Tapos ka na ba?"Nakaismid na sabi ng binata. "H..ha??"Maang niya,hindi sya agad nakahagilap ng isasagot. "H..hindi ah,hindi kita pinagmamasdan noh"i Ismid din nyang sabi,nang marealize ay natutop nya ang bibig. "The criminal caught on her own mouth."Anitong nakaismid pa rin. Oo nga pala wala itong sinabing iba,parang umamin syang pinagmamasdan nya nga ito.Nakakainis.Bulong niya sa isip,naisahan na naman sya ng mokong na to. "Anyway prepare yourself after the wedding."Anitong tinitigan sya mula sa salamin. Kinabahan sya.Isusuko nya ng sarili sa taong hindi naman nya kaano-ano,oo nga kasal pala sila,legal,pero may pinagkasunduan sila.Napalunok sya.Pinangarap nyang ang makakauna sa kanya'y taong mahal nya,at mahal sya. Bumalatay ang lungkot sa kanyang mukha.Nakita ito ni Nicolai. "Are you sad,dahil hindi ang boyfriend mo ang kasama mo sa paggawa ng bata?"Straightforward nitong sabi. Tumingin sya dito.Nag init ang kanyang pisngi sa sinabi nito. "Dont worry we're the same,si Natasha lang din ang gusto ko,so maging professional tayo,ginagawa ko ito for my parents at ikaw for money."Sarkastikong sabi nito.Nag-igting ang mga bagang nya. "Mr.Montenegro pareho lang tayong may benefits dito kaya puwede ba wag mong ipamukha sakin na ako ang mas may kailangan sayo."Hindi nakatiis na sabi nya. Nakita nyang nagtagis ang bagang nito at matalim ang tinging ipinukol sa kanya Bahala na ito kung anong isipin nito sa kanya.Marahil ay tingin nito sa kanya'y babaeng bayaran.Nanliit siya.Gagawin nya to para sa pamilya nya.Kumbinsi nya sa sarili.Ayaw niyang sabihing ito ang magiging una nya dahil baka lalong lumaki ang ulo nito .Wala syang dapat ipaliwanag dito. Maya-maya'y huminto sila.Napag alaman nyang dito na gaganapin ang kanilang pag iisang dibdib kuno. Nalulungkot sya dahil una syang ikakasal sa lalaking kinamumuhian nya. Pilit na ngiti ang itinugon nya sa Mayor na magkakasal sa kanila.Nandoon din ang kaibigan nitong si Andrew na magiging witness din sa kasal pati ang ilang kaibigan nito. Nagpatiubaya na lang sya,tango lang sya ng tango at narinig nyang pag i do ni Nicolai na walang kaemo-emosyon. Isasakripisyo nya ang sarili para sa pamilya nya.Matatapos din lahat ng ito. Nagbalik ang kamalayan nya sa mahigpit na pisil ni Nicolai sa kanyang kamay.Narinig nyang inulit ng mayor ang tanong, kaya't nag i do na rin sya. "Okay you may now kiss your bride." Sumilid ang kaba sa kanyang dibdib,hinila sya ni Nicolai ng marahan kabilang pa rin sa pagpapanggap nito.Bago itinaas ang kanyang baba at masuyong dampi ang naramdaman nya,nag init ang kanyang buong katawan,nanginginig ang kanyang labi at kamay.Hindi nya maipaliwanag ang mararamdaman. Agad silang dumiretso sa mansyon ng mga Montenegro.Namangha si Bella sa nakitang tanawin.Mala palsyong bahay na kahit kelan ay di nya akalaing makikita at makakapasok sya. "Imemeet na natin ang parents ko,they're waiting.Naiparating ko na sa kanila ang balitang ikinasal ako." Ani Nicolai bago inakbayan sya.Napapitlag naman sya. Kunot noo namang tiningnan sya ni Nicolai. "O,here he is."Anang mama ni Nicolai. "Mom,Dad,Lo,I want you to meet my wife,Princess Bella."Pagsisimula ni Nicolai. Dagling katahimikan ang dumaan.Ramdam ni Bella na pinagmamasdan sya ng mga ito. "H..hello po."Aniyang nauutal,pinisil ni Nicolai ang kanyang bewang na noo'y naroon na ang kamay nitong nakapulupot sa kanya,kasama ng pagpapanggap nito. "Anong kalokohan ito Nicolai,magtapat ka?!"galit na sabi ng kanyang ama. "You heard it right dad,kasal na kami ni Bella,asawa ko na sya."Matigas na sabi ni Nicolai. "Pa...paano,iho si Natasha ang girlfriend mo diba?"Naguguluhang sabi ng kanyang ina. "We're broke up, matagal ng sira ang relationship namin, because i'm inlove with someone,with Bella."Anito bago niyakap sya, animo'y totoo ang pinapakita nito Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.Pag nahuli sila,hindi lang sya ang mapapahamak pati na rin si Nicolai. "But .who is she?!"Anang kanyang lolo. "Maybe she's not a class girl that met your standards,but i love who she is."Ani Nicolai. Kung totoo lang na mahal nga sya nito'y baka kinilig na sya sa mga sinabi nito.Pero malayo at malabong mangyari iyon. "Ano na lang ang sasabihin ng mga competitors natin."Anang kanyang lolo. "All i know is i love her at wala silang pakialam sa kung sino ang gusto kong pakasalan,so if you'll excuse me,magpapahinga na kami ng asawa ko."Ani Nicolai bago siya iginiya papasok ng mansyon. "Napaka aroganteng bata!"Narinig niyang sabi ng ama nito.. Kailangang mapagtakpan natin ang estado ng babaeng iyon."Dagdag pa ng lolo nito. Napabuntong hiningang nagpatianod na lang sya kay Nicolai papasok ng mansyon.Mahirap pala talagang mapabilang sa mga kilalang taong gaya ng mga ito.Gusto na nyang magback out pero huli na,wala ng atrasan pa.Bahala na.Pag ayos na ang lahat maghihiwaly na din naman sila ni Nicolai at makakasama na nito ang babaeng tunay na minamahal nito,hindi sya na simpleng babae lang at walang sinabi sa buhay.Ngayon pa lang ay parang kay sikip na ng mundo nya,parang gusto na nya agad kumawala kung hindi lang dahil sa kanyang mahal na kapatid ay malabo syang pumayag sa kontratang ito.Hayy..magsisimula pa lang ang kanyang kalbaryo,sa piling ng isang estranghero, na si Nicolai Montenegro,ang lalaking kinaiinisan at kinamumuhian nya,ang lalaking minsan nyang pinantasya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD