
"Ang demonyo ay totoo..."
Si Calcifer ay isang kalahating demonyo at kalahating mortal. Buong buhay niya ay naghahasik na siya ng kasamaan at ang tanging nais niya lamang ngayon ay ang mamatay na dahil nagsasawa na ito sa kaniyang buhay. Ngunit malakas ang dugong dumadaloy sakanya na nagmula sakaniyang ama kaya siya ay naging isang immortal. Ang tanging makakapatay lamang sa kanya ay ang kanyang tiyuhin at lolo, na si Hesus at ang Diyos Ama. Dahil sa kasamaan nito siya ay nakatanggap ng isang matinding parusa na nagpahirap sa kanyang buhay bilang isang demonyong walang sinasamba at ito ay ang magmahal sa isang babaeng kaniyang kinaaayawan. Bukod sa sumpang ipinatong sakanya ay ang pagnanais niyang matalo at makuha ang trono ng kaniyang ama na si Lucifer. Ano nga ba ang mangyayari sa takbo ng buhay ng ating masamang bida?

