Chapter 1-Friends at Caldereta
Characters:
Kathalina Leusse Montervedad
Josephina Yesi Le everera
Alberto Verzi Gericarde
Elias Martin Fernan
Alfonso Gericarde
--------
Kathalina's POV
Ako si Kathalina Leusse Montervedad. 20 years old. Anak ni Don Ricardo at Merian Monteverdad. Gobernadorcillo ang aking ama. Mahilig siyang tumulong sa mahihirap kung kaya' t proud ako dito. ^_^
Andito ako ngayon sa bahay ng aking kaibigan na si Josephina Yesi Le everera.
Anak din siya ng isang makapanyarihang pamilya na may halong espanyol sapagkat ang ama nito ay purong Espanol.
Mula pagkabata ay magkaibigan na kami. Parehas ang estilo ng aming pananamit sapagkat bata pa lamang ay parehas na kami ng mga gusto .Kung kaya't hindi nakapagtatakang magkasundo kami.
"Kathalina. Nais mo bang magluto ng Caldereta? Darating si Alberto ngayon" sabi ni josephina sa mahinhin na pananalita. Si alberto ang isa din sa aming kababata. Na siyang aking lihim na iniibig.
*Caldereta-isa sa sikat na pagkain sa pilipinas sa panahon ng espanyol (google)
" Magandang ideya iyan Josephina. Tiyak na ikakatuwa ni alberto na ang kanyang paborito ang iyong ihahain" pagsang ayon ko sa kanyang binanggit na ideya.
Kung kaya't hindi na kami nagatubili pa at sabay naming tinungo ang kanilang kusina upang umpisahan nang ihanda ang mga sangkap ng itong lutuin na.
Ito ang paraan na kung saan kami ay nagkakaroon ng libangan. Sa aming panahon ay pagluluto at pananahi ang madalas naming gawin sa aming libreng oras. Bawal din ang pagala gala na siyang laging habilin kay Josephina ng ama nito. Kung ang aking magulang ang tatanungin ay madalas rin nila akong isama sa kabukidan kung saan aming tinutulungan at tinitignan ang kalagayan ng mga magsasaka roon.
Subalit nga may pagkakataon rin na ako na ang kusang pumupunta kay Josephina dahil sa kalagayan nito. Nais ko sana itong isama ngunit hindi pinapayagan ng ama nito.
----
Makalipas ang ilang minuto ng aming kasiyahan dahil sa aking pagkwekwento rito ng mga pangyayari nung nakaraang araw kung saan ay nakasalammuha ko ang mga bata sa kabukidan.
Sinilip ko ang aming niluluto na siyang malapit ng matapos. Sinabihan ko si Josephina tungkol rito.
Si josephina kasi ang bihasa sa pagluluto at ang madalas magtimpla sapagkat aminin ko man o hindi ako'y hindi lubos marunong sa pagluluto partikular na sa pagtitimpla
-----
Sakto namang pagkatapos ng pagluto ng kaldereta ay ang Maya't mayang pagdating naman ni alberto.
Napatingin ako sa makisig nitong mukha. Tindig ng isang mandirigma, Tamang pangangatawan, kutis kayumanggi, mapupulang labi, matangos na ilong, at higit sa lahat ang itim na mata nitong kakaiba ang hatid sa aking sistema.
"Magandang umaga binibining Josephina" sabi ni alberto na siyang nilagay sa dibdib ang kanyang sumbrero at bahagyang yumuko tanda ng paggalang.
Hindi na rin ako magtataka na hindi man lamang ako nito napansin sapagkat noon pa man ay alam ko ng na kay Josephina ang buong atensyon nito.
"Magandang umaga alberto" sambit ko na siya lamang dahilan upang ako'y mapansin nito at bahagyang nagulat.
Mapait lamang ako napangiti na alam ko namang walang makakahalata.
" Pagpasensya binibining Kathalina. Hindi ko kayo napansin. Magandang umaga bininibini" Yumuko din ito gaya kanina bilang paggalang na siyang nginitian ko lang.
" O sya Alberto. Dito kana magtanghalian sapagkat umalis ang aking ama patungo sa siyudad at ang sabi' y hintayin mo na lamang siya" ani ni Josephina. Madalas kasi ang paguusap ni Alberto sa senyor. Hindi na rin ako magtataka kung ang dahilan nito ay ang paghingi ng pahintulot upang ikasal ito kay Josephina.
" Aking lubos na pasasalamat binibini" Iniwas ko nalang ang aking tingin at sinawalang bahala ang naninikip na dibdib.
Dumating ang tanghalian. Sabay na kaming kumakain subalit tila'y sila lamang ang taonh naroroon at paminsan minsan lang akong naisasama sa usapin.
Batid ko na maging si Josephina ay may natatangi rin kay Alberto kung kaya't hindi ko rin maipaalam ang aking damdamin. Tanggap ko na na ako'y isang kaibigan lamang sakanilang istorya. Kaya't nasanay na akong lihim na tumitingin sa kanya.
"Binibining Kathalina. Pinapasabi pala ng aking kapatid na si Alfonso. Kung maari ka niyang maging kapareha sa sayaw na gaganapin sa aming bahay sa kaarawan ng aking ama. " Sabi ni Alberto na siyang nagpabalik sakin sa malalim na pag iisip.
Si alfonso ay matagal ng may pagsinta sakin subalit dahil iba ang aking napupusuan ay hindi ko to masuklian
" Anong sayawan iyon ginoong alberto?" Kuryusong tanong ko rito
"Ito ay ang carinosa. Si alfonso ay nasa ibang siyudad dahil may inutos si ama kung kaya't hindi ka niya pormal na inimbitahan." Paliwanag nito at nabatid ko naman na ang sayaw na kanyang sinasabi.
*Cariñosa is a Philippine dance of colonial era origin from the Maria Clara suite of Philippine folk dances, where the fan or handkerchief plays an instrumental role as it places the couple in romance scenario. Wikipedia
"Siya nalamang ang walang kapareha" habol nitong sabi kung kaya't napaisip ako kung sino ang kanyang kapareha
" Si josephina ba ang iyong kapareha ginoo" sabi ko ng tila nangaasar para hindi nila mahalata ang aking nararamdaman
" Oo binibini. Hindi ba't kakatanong ko lang din sakanya kaninang naguusap tayong tatlo" sabi nito at pilit kung inaalala. Siguro nasabi nito nung malalim akong nagiisip. Hindi ko na rin nabigyang pansin ang kanilang pag uusap sa pagkakaalam na wala naman akong kinalaman rito.
" Tama ginoo. Pagpaumanhin sapagkat ako lamay nagbibiro. Pasabi pala kay ginoong alfonso na pumapayag na akong kanyang makapareha" pagiwas ko nalang rito.
" Sige binibini. Aking ipaparating. Bukas pala magsisimula ang pagsasanay" aniya at sabay tingin ulit kay josephina
Lumipas ang oras ay dumating na si Don Amado Le everera. Kung kaya't umalis na din si alberto upang makausap ito.
Hindi na ako nagatubili pa at Nagpaalam na rin ako kay Josephina na ako'y uuwi sapagkat bilin ni ama na huwag ng magpagabi.
To be continued
Hiiii. Segway lang. I created this as a story in historical setting para lang din po magencourage na we should love our culture and history po. Parang K drama lang yan hehe I love po kasi yung historical setting na mga Korean drama and make me curious about their culture. Gusto ko ganun din dito pero mukhang wa epek hahahha. Kaya yun lang geh lovelotsss ❤️ stay safe.