ZACH’S P.O.V. Meeting Micah’s parents wasn’t easy. Pakiramdam ko ay haharap ako nang mag-isa sa isang batalyon ng mga sundalo not knowing if I could still leave the place dead or alive. Sa isang mamahaling restaurant somewhere in BGC kami nakatakdang magkita-kita. Habang lulan ako ng isang taxi papunta sa naturang restaurant ay lihim kong mine-memorize sa isip ko ang mga dapat kong sabihin sa kanila. Aminado akong may munti akong kaba na nararamdaman pero mas nangingibabaw sa puso ko ang kagustuhang matapos na ang lahat nang ito upang makasama ko na ulit si Amber. Pagkapasok ko sa restaurant ay agad kong namataan ang pamilya Gonzaga na nakaupo sa pinakasulok na mesa na medyo malayo sa karamihan. With them is my parents na sinadya pa talagang lumuwas para lang sa importanteng bagay

