AMBER’S P.O.V. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang malaman kong buhay si Zeke. Pero syempre, mas nangibabaw ang tuwa sa puso ko ngayong nalaman kong hindi pala talaga siya namatay. Pero at the same time ay bigla na namang nagulo ang sistema ko. Bakit ba lagi na lang akong nasusuong sa ganitong sitwasyon? 'Yong tipong kailangan kong mamili sa kanilang dalawa—kay Zeke at Zach. Pero kung titimbangin ko ang nilalaman ng puso ko, alam ko kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin ko. Pero hindi iyon ganoon kadali lalo na ngayong alam kong may isa akong masasaktan oras na namili ako sa kanilang dalawa. At tila nananadya naman ang tadhana dahil nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang tumugtog ang isang pamilyar na awitin sa radyong iniwan ni Zeke na nakabukas. Hanggang ngayon ay s

