Nasundan pa nang nasundan ang pagkikita namin ni Samuel. Actually, sa ilang beses na paglabas-labas namin ay napagtanto kong wala akong definite plan kung paano maghihiganti sa kanya. Yes, he still has his family pero hindi ko naman kayang ipapatay ang alinman sa mga magulang niya. I’m not a murderer. Kaya ang naiisip ko na lang ay pasakayin siya na tutulungan ko talaga siya sa pangangampanya niya. At kapag oras na ng eleksyon ay bigla na lang akong magdi-disappearing act. I’ve learned from Yuan na hindi na maganda ang estado ng mga negosyo ng mga Ortega. Naibenta na ang halos kalahati ng lupaing pinagkukuhanan nila ng mga palay na ibinebenta naman sa merkado. Hindi rin daw maganda ang lagay ng coconut farm nina Samuel dahil hanggang ngayon ay hindi pa lubusang nakakabangon ang indus

