ZACH’S P.O.V. Habang pabalik na kami ni Amber sa XYZ hotel ay napansin ko ang biglang pananahimik niya. Habang nagda-drive ako ay hindi ko mapigilang sulyapan siya kahit saglit lang. Sa nakalipas na mga taon ay malaki na rin ang ipinagbago niya. Ngayon ay mas lalo siyang gumanda at halata sa kilos niyang naging mabuti ang kapalaran sa kanya. And I’m thankful for that. Amber deserves a good life after all. Nasa tapat na kami ng room ni Amber nang lumingon siya sa akin. I saw weariness in her beautiful eyes. “I can’t sleep alone tonight, Zach,” she said in what appeared to me a weak voice. Siguro ay naroon pa ang takot niya dahil sa mga nangyari ngayong gabi. Hinawakan ko ang kamay niya and gently pressed it against mine. “You can sleep in my room if you want,” alok ko sa kanya.

