Pagpasok namin sa loob ng marangyang bahay ng mga Ortega ay agad na nabaling sa amin ang atensyon ng mga tao. May nakita akong nagbulungan at ang iba ay piniling magpatay-malisya. Halos sakto lang ang dating namin ni Yuan. Ngayon ay nasa pinakagitna ng malawak na sala-grande ang isang lalaki na hinding-hindi ko makakalimutan ang itsura. Ang lalaking minsan ay nagdamot sa amin ng nanay ko na patuluyin kami rito sa bahay nila. "Ladies and gentlemen, nagagalak ako dahil pinaunlakan niyo ang paanyayang ito ng pamilya namin," sabi ni Samuel habang nasa tabi niya ang mga magulang na tila proud na proud sa kanya. "Dahil nalalapit na naman ang paggunita natin sa araw kung kailan naganap ang pangyayaring nagpabago sa buhay ng karamihan sa mga kababayan natin, ang pamilya namin ay nagkasundong i

