Nang sumunod na mga araw ay naging abala ako sa paghahanda para sa isang party na dadaluhan ko mamayang gabi. It‘s a party hosted by the Ortega family. Piling-pili lang ang imbitado at karamihan ay mga kabilang sa mga pinakamayayamang pamilya sa buong Region Eight. Fortunately ay kabilang ang pamilya Advincula sa mga naimbitahan para sa naturang party. Kaya mamaya ay ako ang magsisilbing date ni Yuan para maka-penetrate ako sa pamilyang balak kong paghigantihan. Bandang alas-sais pa lang ng gabi ay nakabihis na ako at natapos na rin sa paglalagay ng makeup. When I was still at Colorado, I’ve learned that makeups can actually enhance one’s beauty. That’s why I decided to undergo a personality development class. And after few months of intensive training, here I am now; the classy and so

