After the earth-shattering s*x, Zach took me home. Tahimik lang kami habang bumibiyahe. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kanya pero agad din akong nagbabawi ng tingin kapag siya naman ang sumusulyap sa 'kin. Para kaming mga timang. Hanggang sa ihinto ni Zach ang kotse niya sa blue apartment kung saan ako nakatira. Mabuti na lang at ang kinatitirikan ng apartment na 'to ay medyo looban at hindi gaanong lumalabas ang mga kapitbahay ko kaya hindi magiging problema ang pagbaba ko sa kotse. Huminga ako nang malalim at saka tumingin kay Zach. “Salamat sa paghatid,” tipid na sabi ko sa kanya at saka kinuha ang bag ko na nasa backseat. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang marinig kong magsalita si Zach. “Hindi mo man lang ba ako iimbitahang uminom ng juice or kahit tubig man lang?” tan

