Nang magising ako kinabukasan ay bahagya pa akong nagulat nang mapagtanto kong wala ako sa apartment ko. Color blue kasi ang kulay ng dingding ng apartment ko samantalang off-white naman ang dominant color ng kwartong kinaroroonan ko ngayon. At sa halip na manipis na foam ay isang super lambot na kama ang hinihigaan ko ngayon. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. Natampal ko ang sarili kong noo nang maalalang sumama nga pala ako kay Zach matapos kong malasing kagabi. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala namang nagbago sa katawan ko. Hindi masakit ang ibabang bahagi ng katawan ko senyales na walang nangyari sa amin ni Zach nang dalhin niya ako rito. Suot ko pa rin ang underwear na suot ko kagabi pero ngayon ay napapatungan na iyon ng maluwag na t-shirt na

