Prologue
Prologue
Nakaka mangha kung paano gumalaw ang oras kapag hindi natin ito sinusundan. Hindi mo akalain na parehas ang bawat ikot, sa iba ibang panahon. Kung tititigan at babantayan, sobrang bagal. Kung hindi papansinin at makakaligtaan, ang bilis.
Nakakainis minsan. Gaya ngayon, sinigurado ko naman na matatapos ako on-time para sa klase ko pero hinihingal pa din ako habang tinatakbo ang daan patungo sa classroom. I looked at my wrist watched again, only to find out how many minutes have already passed in my course of running.
“Ay hudas!” I hissed when someone bumped me. Muntik pa akong matumba sa lakas noon.
Matalim ko namang tiningnan kung sino mang hudas barabas ang bumangga sa akin. Kung hindi ba naman talagang malas ang Monday.
“Bulag ka ba?” naiinis kong tanong.
Mukha naman siyang nabigla. Kahit ganoon, ngumiti siya ng nakakaloko sa akin ‘pagkatapos akong hagurin ng tingin.
“Makikita ba kita ngayon kung bulag ako?” his tone is annoying.
“Ah, so tanga ka lang,” sagot ko at pinulot ang nalaglag kong gamit.
I flipped my hair and blew out air from my lungs, making my bangs wave with it. Late naman na ako kahit ano pang gawin ko.
“Sungit. May dalaw siguro,” rinig kong sabi noong lalaking bumangga sa akin.
My breathing hitched, and my eyes squint for that ridiculous comment. Hinarap ko muli siya at humakbang palapit. Mukha naman siyang nagulat pero pinakita niya pa rin ang nakakaloko niyang ngisi.
“Bastos!” I shouted, making some of the students turned our way. Hinampas ko din sa dibdib niya iyong payong na hawak ko.
His hand immediately flew to his chest. Arte. Hindi ko na siya pinansin at tumakbo na papuntang classroom.
“Sakit ha! Madapa ka sana!”
I groaned inwardly. Siraulong lalaki. Hindi iyon pamilyar sa akin kahit naka pang senior highschool siya na uniform. Transferee siguro, kahit two weeks na namin sa second semester.
Kumatok ako ng bahagya ng makarating sa room. Pinagmasdan ko pa iyong pinto at pinag dasal na hindi mainit ang ulo ni Ma’am. Dahan dahan ko iyong pinihit at tumingin sa adviser namin.
“Sorry po for being late,” I said slowly.
Tumango naman ito at sinabihan na akong maupo. Mabait naman iyong adviser namin, lalo na sa akin dahil ako lagi ang pinag susulat niya ng lecture sa board. Hindi ko alam kung kailan ako g’graduate sa pagiging secretary. Balita ko wala naman nang lecture sa college. I can’t wait.
Naupo ako sa tabi ni Ares, isa sa mga kulugo kong kaibigan, mga sakit ko sa ulo. Bata palang kami, puro perwisyo na ang inabot ko sa kanila pero kahit ganoon, sila pa rin naman ang sinasamahan ko.
“Bagal mo talagang kumilos,” bulong nito sa akin pag ka upo ko.
Sinamaan ko naman kaagad siya ng tingin.
“Mabilis lang iyong oras.”
“Walang gano’n.”
“Ingay mo.”
Humarap naman sa amin si Priam na naka upo sa harapan namin. Isa siya sa mga kulugo ko sa buhay. Magkatabi sila ni Zeus sa harap namin, iyon ang huling kokompleto sa mga kulugo.
“Hindi mo naabutan iyong g**o ni Ares kanina,” mahinang sabi ni Priam.
“Anong g**o?”
“May babae na namang nag hahabol, umiiyak pa nga. Para kayang teleserye,” sagot ni Zeus.
Kumunot naman ang noo ko at lumingon sa katabi. Awkward naman siyang nakangiti sa akin na parang alam nang hindi maganda ang magiging reaksyon ko.
“Hindi ko naman girlfriend iyon…” mahina niyang sabi.
I tried to calm down and looked at him.
“Iyan naman ang lagi mong dahilan sa akin,” medyo naiinis na sabi ko. Medyo palang. “Sa akin na naman mag hahabol iyon! Sawa na akong mag reply sa mga babae mo.”
Halos lahat kasi ng magagandang babae dito sa campus dinedate nitong walang hiyang ito. Tapos ay hindi naman sineseryoso at dahil close ako sa kanila, sa akin tumatakbo iyong mga babae. Half of those ay kinakausap ko naman pero hindi ako mabait. Naiinis na talaga ako minsan.
Hindi dapat nag hahabol kapag iniwan na. Hindi worth it! Lalo na itong si Ares.
“Class,” tawag pansin ng aming adviser.
Inirapan ko si Ares at siniko na muntik na niyang ikahulog sa upuan. Nag pout na naman siya sa akin na isa sa mga maraming dahilan ng pag kairita ko sa kaniya.
“I would like you to meet Mr. Cariño. He’ll be your classmate starting this second semester.” Our adviser motioned him to speak.
Kung hindi nga ba naman masamang senyales ito. Ito iyong bumangga sa akin kanina, na hindi bulag pero tanga. Bastos pa.
“My name is Cloud Cupid Cariño. I’ll go by Cupid. Nice to meet you all. Sana maging friends tayong lahat.” He flashes his smile and roamed his eyes.
Nagbulungan naman kaagad iyong iba kong classmates na babae. Dagdag ito sa tatlong populasyon ng lalaki sa room namin. Lima lang ang lalaki sa room at iyong dalawa ay binabae. Tumaas ang kilay niya ng matagpuan ang mata ko. Pinakita ko naman na hindi ako interesado. Hindi ko alam kung bakit masama talaga ang dugo ko sa pagmumukha niya.
“Para namang papatayin mo iyan sa tingin,” rinig kong bulong ni Ares.
Hindi ko na pinansin pa dahil bwisit din ako sa kaniya. Kung hindi ako late ngayon at hindi masama ang bumungad sa akin kanina, baka medyo good mood pa ako.
“I would like to ask Miss Aragon to show you around…”
Napadiretso ako ng upo at tumaas ang kilay ng marinig ang surname ko. Ayaw ko nga Ma’am?! Narinig ko ang hagikgik ni Ares at ang pag lingon ni Priam sa akin.
Our adviser smiled at me while her hand is pointing in my direction. Hindi ko maiwasang sumama ang tingin pero ni-try ko talagang ngumiti.
“Iyong may bangs Ma’am?” tanong nitong Cupid.
Tumango naman si Mrs. Torres.
“Yes, siya nga.”
Ngumisi si Cupid kaya huminga ako ng malalim. Ang aga aga talagang sakit sa ulo nito.
“You can sit at the vacant seat beside her,” dugtong pa ni Ma’am.
Nasa dulo na kasi kami nakapwesto at ang upuan sa kaliwa ko, ay walang nakaupo. Buti nalang at may space sa pagitan namin kahit papaano. Two person na magkatabi kasi ang table namin dito sa classroom.
Cupid cheerfully made his way to me. Nang makaupo sa tabi ko ay kaagad kong napansin ang pagharap niya sa akin. Hindi ko naman nilingon.
“Hi, Miss Aragon!” he greeted.
Hindi ko pa din pinansin.
“Uy hi, Cupid! Pogi mo ah? Parang bagay ka sa squad namin!” rinig kong sabi ni Ares.
Napaka kapal talaga ng mukha ng barubas na ‘to. Natawa si Cupid.
“Sino ba ang squad niyo?” rinig kong tanong nito.
“Ako, itong si Priam at si Zeus. Saka syempre itong si Psyche!” sagot ng gunggong.
Tumingin ako ng may matatalim na mata sa kaniya. Natawa kaagad si Ares at ginulo iyong bangs ko.
“Kaya lang, hindi talaga maganda itong ugali ni Psyche. Hindi ko alam kanino nag mana pero tolerable naman.”
Hinampas ko siya sa dibdib na ikinatawa ng nanonood na si Priam. Hindi na nasundan pa iyon dahil pinatahimik kami ni Ma’am. Habang nag d’disscuss siya ay inisip ko kung paano ko sasamahan si Cupid sa buong campus.
Pwede ko naman hindi gawin pero baka mamaya ay mag sumbong pa ito. Iyong pag mumukha pa naman niya mukhang sipsip at ewan ko, hindi maganda ang dating.
Nang matapos ang morning subjects ay mabilis akong nag ligpit ng gamit at tumayo na doon. I’m sure una unahan na naman ang mga students sa cafeteria. Pahirapan na naman makahanap ng table doon.
Napatigil ako sa labas ng pinto ng may humawak sa akin sa braso. Mabilis ko iyong tinanggal ng makita si Cupid sa harap ko.
“Sabi ni Ma’am i-tour mo daw ako.”
“Alam ko,” masungit kong sagot. “Narinig ko tsaka bakit mo ako hinawakan? Hindi tayo close! Mahawa pa ko sa’yo.”
“Nang ano? Kagandahan ng lahi. Ayos ‘yon, para gumanda ka rin.”
Mabilis nag init ang aking ulo at halos sabunutan ko na siya doon.
“Kapal ng mukha nitong siraulong ‘to?” hindi napipigilan kong sabi.
Natawa naman siya kahit walang nakakatawa doon. I pursed my lips and tried so hard not to be affected by his irritating laugh.
“Pinag lihi ka ba sa sama ng loob?” he cleared his throat, “O baka allergic ka sa gwapong lalaki?” I rolled my eyes and walked away.
“Kung allergic ako sa gwapo e’di sana close tayo.”
“So sinasabi mong pangit ako?” habol niya sa kain.
“Oo,” mabilis kong sagot.
Tama nga ako, halos mag unahan iyong mga students sa cafeteria, mga nagtutulakan pa nga. Napabuntong hininga nalang ako. Nagugutom na ‘ko!
“Tingnan mo! Ang dami na tuloy tao!” pagalit na sabi ko sa kaniya.
“Oh bakit parang kasalanan ko?”
I stomped my feet, “Kasalanan mo talaga! Kung hindi mo ako hinarang hindi ako mahuhuli!”
Hindi ko alam kung may nakakatawa ba sa mga sinasabi ko pero natatawa siya. Lalo naman akong naiinis.
“I-tour mo muna ako. ‘Pag natapos tayo, wala nang tao no’n.”
Ano pa bang magagawa ko? Sinamaan ko muli siya ng tingin bago lumakad na paalis doon. My tummy is rumbling already! Ang konti lang kasi ng nakain ko kaninang breakfast kasi nga nagmamadali ako.
“Bakit nauuna ka pang maglakad? Akala ko ba nag papa tour ka?” naiinis kong sigaw.
Ang bilis lumakad! Ang galaw galaw pa parang kabute. Saan saan sumusuot. Kung hindi ko ito nakabangga kanina at nagpasama ng araw ko, hindi rin kami magiging close. Mukhang may something. Hindi ko lang talaga ma-point out pero hindi maganda.
I trust my instinct so much pa naman.
“Ang bagal mo kasi. Nasa park ka ba?”
Isa pa iyan, sagot siya ng sagot sa akin. I mean, okay medyo may talent siya sa pakikipag inisan pero hindi naman nakakatuwa. Sa mga kulugo kong friends, saglit lang ay hindi na ako papatulan dahil siguro, nawawalan na din sila ng gana. Hindi talaga kasi ako titigil kapag ako ang iniinis nila.
“Oh e’di bahala ka diyan mag-isa.”
Akmang tatalikod na ako ng hinila niya iyong sleeve nang uniform ko. Napatingin naman ako doon bago inangat ang tingin sa kaniya.
“Joke lang ito naman!” he smiled sheepishly. “Oh hindi kita hinawakan ah? Bubugahan mo na naman ako ng laway!”
Bahagyang nanlaki ang mata pero bago pa ako makapagsalita ay nauna na siya.
“Ng apoy! Bubugahan mo na naman ako ng apoy!”
Ako na ata ang hindi nalang papatol ngayon. Ang dami niya ring nasasabi. Naririndi ang tenga ko.
“Madalas dito si Ares kaya kung magiging kaibigan mo iyon, tatagan mo,” dugtong ko nang makalipat kami ng building.
“Guidance office? Si Ares? Iyon iyong chinito kanina na katabi mo ‘diba?”
“Hindi ka nagkakamali,” I answered while looking at the other students going into the guidance office.
“Bakit?”
“Maloko iyon. Well hindi naman nakikipag sapakan dahil takot mayupi ang mukha pero madalas pinapa guidance ng mga babae.”
“Wow.” His reaction made my eyes squint.
“Anong wow ka diyan? Nakaka wow ba ‘yon?”
“Wow. Sinagot mo ‘ko nang maayos,” he chuckled in the end.
I made face and walked again. Ako talaga, nagugutom na. Kaya medyo nawawalan na ako ng gana makipag away sa isang ‘to. Ilang minutes palang kaming mag kasama parang napapagtanto ko na na sasakit ang ulo ko sa kaniya kung kakaibiganin ito nila Priam. Kahulmang kahulma nila.
“Dito madalas ang P.E pero kapag pabibo iyong teacher, sa quadrangle.” Turo ko sa kaniya nang makarating kami sa gymnasium.
“Bad mo,” he whispered.
“Truth iyon.” I looked at him.
Hindi ko siya ni-tour sa buong campus dahil gutom na talaga ako at pagod. Napagod ako maglakad at napagod din akong makipag-usap sa kaniya. Ang daming satsat.
I went to the restroom matapos ko siyang i-tour at dumiretso na sa canteen ‘pagkatapos. Marami pa din estudyante pero may mga bakanteng upuan naman na. Nakita ko doon sila Zeus dahil sa lakas ng tawag nila sa akin.
“Nasaan date mo?” bungad ni Priam.
“Tigilan mo ‘ko, uupakan kita,” sabi ko at umupo sa tabi ni Ares.
“Oh tubig, pampalamig ng ulo.” Inabot nito sa akin ang isang bottled water na tinanggap ko naman.
We are friends since I knew the meaning of the word friend was. Magkakaibigan kasi ang mga magulang namin. Sa iisang village lang din kami nakatira kaya talaga magkakasama na kaming lumaki. Ours Moms are all friends since they were high school, kaya ngayon, kami din ay ganoon.
What choice do we have? Kami naman ang magkakasama simula pagkabata. Though noong junior high ay lumipat kami sa ibang lugar dahil kailangan sa trabaho ni Papa, two years lang naman iyon, at bumalik din kami ng mag grade 11 ako.
“Anong sa’yo Psyche? Ako na ang pipila,” sabi ni Zeus habang nakatingin ako sa counter.
Hindi naman ako tumanggi at nag bigay na ng pera sa kaniya at sinabi ang gusto ko. Nang makabalik sila ay mabilis akong kumain dahil nga gutom ako.
“May assignment ka na sa business finance?” singit ni Zeus nang makitang umiinom na ako ng tubig.
Pinanliitan ko naman siya ng mata.
“Kaya ka mabait ngayon, huh?”
He smiled widely, “Pa kopya…”
“Ako din!” singit ni Ares.
Hindi ko maiwasang mapa face palm sa mga ito!
“Wala ka na naman Ares? Kung anu ano kasi inaatupag mo!” bulyaw ko sa kaniya.
“Oh ingatan. Ang bangs kumukulot,” nakangising sabi sa akin ni Priam.
Hinampas ko naman siya ng panyo na hawak ko na tinawanan niya lang bago ihagis ulit sa mukha ko.
“Bakit sa’kin nagagalit ka? Kay Zeus hindi?” madamdaming sagot ni Ares na may pag nguso pa.
Minsan, gusto ko nalang tapyasin iyon.
“Ikaw kasi lagi kang walang assignment! Kung hindi mo ako co’cornerin dito, tatadtarin mo ako ng text kapag gabi. Itong si Zeus, minsan lang!”
“Hala, favoristism pa din ‘yan Psy!”
“Talaga! Hindi kita favorite.” I even crossed my arms while looking at him beside me.
Ang barubas nakanguso lang at mukhang nasasaktan kahit hindi naman.
“Sa akin ka nalang kumopya, Ares…” ngumiti pa si Priam na parang nagpaparaya na.
Hindi ko alam kung matatawa ako sa mukha niya pero hindi bagay! Natawa si Zeus kaya hindi ko mapigilang ngumiti.
“No thanks. Hula lang iyan panigurado.”
“Hala ‘tong si Ares nangongopya nalang choosy pa.” Tumingin si Priam sa’kin, “Marami na talagang makapal ang mukha ngayon.”
Natawa ako bago tumayo at hinampas si Ares sa balikat ng dalawang beses. Hindi naman malakas iyon.
“Ayusin mo. Kapag nainis talaga ako sa’yo isusumbong kita kay Tita.”
Napatayo ito kaagad, “Joke lang, ikaw naman Psy. Last na ‘to!”
Humabol pa siya sa akin dahil hindi ko na siya pinatapos at naglakad na. Sumunod silang tatlo sa akin dahil time na for afternoon classes. Hindi ko nalang pinansin si Cupid kahit kinukulit niya ako bago pa dumating ang teacher.
Nang dumating ang hapon ay nauna na akong lumabas sa kanila. Kailangan ko kasing pumunta kay Franch. GAS student iyon at kasama ko siya sa Heart Sparks, isang organization dito sa school.
Huminga pa ako ng malalim bago kumatok sa pinto nila. Dapat pala sinama ko si Ares para siya ang kakatok. Hindi pa sila tapos sa klase at nariringi ko pa ang nagsasalita nilang instructor. I knocked three times and silently opened the door.
“Sorry for interrupting, Ma’am. But can I excuse Franch for a while?”
Mabait naman iyong instructor at pumayag. Franch greeted me with a wide smile.
“Hi, girl! Anong atin?”
Natawa ako sa bati niya.
“Ito iyong flashdrive. Lahat ng mga concept at sayaw nandiyan na.” Inabot ko sa kaniya iyon.
Ngumisi naman siya, “So sipag talaga! Thank you! Bukas ha!”
I nodded and he immediately went in after. Para iyon sa Heart Sparks, it’s an organization here in school kung saan may tatlong factions. Dancing, singing, and acting. Every year may concert kami na ginaganap. May bayad iyon and all the proceeds ay dinodonate sa iba ibang charity per year.
Noong first year pa ako member nito, two years din akong nawala at nang bumalik ay nag audition ulit ako. I love singing and dancing, kaya ko rin naman umarte pero I’m not confident in that area.
Nang palabas na sa campus ay nakasalubong ko si Thalia. She’s my cousin and also a member of Heart Sparks. She greeted me and I smiled.
“Uwian niyo na?” she asked and I nodded.
“Oo. Ikaw?”
“Hindi pa dapat pero wala na iyong last subject.”
Sumabay siya sa akin sa paglakad. Hindi kami close. We talked and all but we don’t have a connection like friends have. We’re civil, I think. Hindi naman ako nahihiya sa kaniya pero… hindi siguro kami same vibes? Oo parang gano’n.
Nauna siyang umalis sa akin dahil bus iyong sasakyan niya. Hindi kasi malapit sa school iyong bahay nila. Ako naman, trike lang. Wala pa atang five minutes and layo ng village namin dito. Pero kahit ganoon madalas pa din akong late.
“Bye, ingat ka!” paalam ko kay Thalia.
Ngumiti naman siya at ganoon din ang sinabi sa akin. Nang lumiko sa kaliwa para sa terminal ng tricycle ay nakita ko si Cupid. Nang magtama ang paningin namin ay kaagad siyang ngumisi.
“Akala ko umuwi ka na?”
“Maraming namamatay sa akala.”
He groaned.
“Unang araw palang natin magkakilala, parang pagod na pagod na ako.”
Hindi ko alam kung matatawa ako doon pero pinili ko siyang sungitan.
“Same here. Mabuti pa ialis mo na iyang mukha mo sa harapan ko.” Hinawi ko siya para makaalis na doon.
Narinig ko naman ang tawa niya.
“Ingat, Psyche!”
Kinabukasan napansin ko na kaagad ang pagmamasid sa akin ni Cupid. Hindi iyon tulad ng kahapon na puno ng pang aasar. May iba. Hindi ko siya pinapansin kahit pa noong matapos ang morning classes.
Nauna sila Ares sa canteen kaya may pwesto kami. Napataas naman ang kilay ko nang makita si Cupid doon.
“Wala pa naman nawawalan na ako ng gana,” bulong ko nang maupo sa tabi ni Priam.
Pinakita ko naman na si Cupid iyong tinutukoy ko. Zeus chuckled and Ares put his hand on Cupid’s shoulders.
“Grabe ka Psyche! Nakahanap na ako ng may fovorite sa akin!” sabi ni Ares.
Maaga talaga akong mamamatay sa isip bata na ‘to. Hindi ko na siya sinagot at nag make face nalang. Nag pout na naman ang luko. Nang makaorder na kami at makakain ay nauna na akong tumayo sa kanila.
Kailangan ko pang kuhanin iyong papers na ipapasulat sa Practical Research, para iyon sa thesis na gagawin namin. Guidelines ata. Nang makalabas sa canteen ay nagulat ako ng sumunod si Cupid.
Lumingon ako pero nagpatuloy pa din sa lakad.
“Alam mo kanina pa iyang tingin mo ha. Alam kong maganda ako pero kung ikaw lang ang titingin, huwag na.”
“Ang sama mo talaga sa akin,” bulong niya, “Pogi naman ako?”
“Paki hanap kung anong connect.”
Mas binilisan ko ang lakad pero nang maalala na natural na mabilis ang lakad niya o malaki ang hakbang niya, tumigil na din ako. Papagurin ko lang ang sarili ko.
“Pero Psyche…” salita niya.
“Ano?”
“May sasabihin sana ko sa’yo.”
“Wala akong pake,” mabilis kong sagot.
He hissed. “Wala pa nga?”
Inirapan ko lang siya.
“Dali na,” he walked backward while looking at me. Sinasabayan ako at nakaharap sa akin. “Favor pala sana.”
Napataas ang kilay ko at huminto. Ngumisi naman siya.
I tilted my head, “Ah isa ka talagang kulugong makapal ang mukha.”
“Grabe na ‘yan.” He acted like he’s hurt, “Pero sige isasabuhay ko na ang kakapalan ng mukha.”
I raised my brows and looked intently at him.
“Patulong naman.”
Napakamot na ako sa ulo, “Hindi ako marunong tumulong.”
“Tuturuan kita!”
This time, I groaned.
He chuckled.
“Tulungan mo ‘ko manligaw.”