Chapter 24 Dance “Ilang taon ka na? Eighteen? Mas matanda ako sa’yo!” Nag-smirk siya sa akin. “I’m nineteen.” Napa-nguso naman ako. He’s one year older. Sabagay, ako naman iyong pinakabata sa amin. Zeus will turn nineteen in three months. Si Priam at Ares, uh… in six months? “Pa’no mo nalaman na birthday ko?” kalaunan niyang tanong. Napakurap naman ako at napatitig sa kaniya. Kasi ni-stalk ko siya? “Basta.” Kumunot ng bahagya iyong noo niya at parang inaaral iyong reaksyon ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Kahit sila Ares hindi alam.” “Oo nga.” I hissed. “Basta nga. Tsaka, bakit ba hindi mo sinabi?” He tilted his head and shrugged. “Wala naman nagtatanong.” Umirap ako sa kaniya. Namasyal pa kami ni Cupid pagkatapos dahil request niya iyon. Hindi ko tinanggihan kas

