Chapter 26 You Nakauwi ako ng bahay nang hindi inaabutan ni Cupid. Iyon naman talaga ang gusto ko kaya ko nga kinalat iyong mga gamit niya. Hindi na ako nakabati kay Mama na nasa sala dahil dirediretso ako sa kwarto ko. Hinagis ko iyong bag ko sa kama saka naupo doon. Huminga ako ng malalim saka hinawi iyong bangs ko. I need to calm down and think more clearly. At habang ganoon, doon ko unti unting napagtanto kung gaano ko niloloko ang sarili ko. Katulad ng iba, hindi ko naman talaga kaya. Hindi ko kayang ituring siyang parang kaibigan lang. Na umakto sa harap niya, magsungit at itrato siya na katulad ng iba dahil iyong nararamdaman ko, hindi naman ng katulad ng nararamdaman ko para sa iba. Bumuga ako ng hangin at pilit kinalma ang sarili. Hindi ko kailangan mag over react, di’ba?

