Part 19

2070 Words
'Pak' Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay katty, hindi naman sya sobrang lakas tama lang para masaktan ako Masakit din yon ha Sinaktan nya ang maganda kong mukha, ganito ba sya kiligin nananampal "Bakit mo ako hinalikan ha?" Kung magalit sya parang hindi sya humalik pabalik "Gusto lang kita kaya ko yon ginawa tyaka hindi naman ito ang first na nag kiss tayo" "Hindi ibig sabihin na gusto mo ang isang tao pwede mo ng halikan, aksidente yong unang kiss na nangyari atsaka diba sabi mo kalimutan na natin" "Hindi iyon aksidente para sa akin special yon, its my first kiss kaya" pag-amin ko "hinding-hindi ko iyon makakalimutan, sinabi ko yun dahil nagsorry ka at nasaktan ako doon" At Ngayon ko lang nalaman na nagbablush din pala ang mga multo "Eh diba may mga past relationships ka, imposible na hindi ka nagkaroon ng kiss galing sa kanila" "Sa pisnge lang ako nagpapahalik" Ngumiti lang sya "I like you katty" sincere na sabi ko sa kanya "Why? Hindi ba't ang sabi mo magkakagusto ka kay shamie kesa sa akin" " Sinabi ko lang iyon dahil akala ko nagseselos ka at pinagsisihan ko na sinabi ko yon sayo" "So bakit mo ako nagustuhan?" "Hindi ko din alam, bakit sa dami ng pwede kong magustuhan ikaw ang pinili ng puso ko, at hinding-hindi ko iyon pagsisisihan, alam mo ba kapag nasa malapit ka hindi ko na mapigilan ang t***k ng puso ko sa sobrang bilis nito" "Pero multo ako tally" "Wala akong paki kahit ano ka pa, kahit sino ka pa, kahit ikaw pa pinaka masama, always ikaw Katty" "Gusto kitang ligawan, sana payagan mo akong manligaw sayo" Ngumiti sya sa akin, na syang ikinangiti ko na din, nadadala ako sa matamis nyang ngiti na gusto ko na yon na lang ang makikita ko sa araw-araw "Hindi ko napansin na ganyan na pala ang nararamdaman mo para sakin at Yes ang sagot ko, kaya dapat mo akong pagsumikapan bago makuha" "YESSS, salamat! Gagawin ko ang lahat para sayo kahit im not your perfect suitor dahil first time kong manligaw " hinawakan ko ang kamay nya "Ang mahalaga ako lang ang mahal mo dahil territorial ako" "Ikaw lang mamahalin ko at marami pa silang iba, promise yan" biro ko sa kanya "Busted ka na sa akin, wag kana umasa" Saka nya ako Inirapan "Joke lang, promise ko ikaw lang talaga" "Siguraduhin mo lang, mumultohin kita" "Opo, wag mo na akong multohin gapangin mo na lang" "Para kang Sira" " Haha, alam mo sobra mo akong pinasaya, salamat at dumating ka sa buhay ko" "akala ko nga si shamie ang gusto mo" "No, friend lang kami" "Tally hwag mo nang ituloy ang panliligaw mo" Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ng sabihin nya iyon, may nagawa ba akong hindi nya nagustuhan "Bakit? May nasabi ba akong mali o hindi mo nagustuhan, may nagawa ba akong ayaw mo?" Bakit naman ganon "Wala, napakabuti mong tao, may malasakit ka sa ibang tao at naexperience ko na ang kabutihan mo" "Eh bakit ayaw mo akong manligaw sayo?" "Dahil gusto ko official na akin kana, para saan pa ang panliligaw mo kung gusto ko na girlfriend na kita" Wait tama ba ang naririnig ko ayaw nya akong manligaw dahil gusto nya girlfriend agad "Tama ba yong rinig ko, gusto mo na maging girlfriend mo ko agad?" "Ayaw mo ba?" "Syempre gustong-gusto ko, nagulat lang ako dahil ang bilis" "Ang daya mo nga eh, ikaw Gusto mo lang ako, samantalang ako Mahal na kita" "Hindi ba pwedeng gusto kita kasi mahal kita, at patuloy na gugustuhin" "Simula ngayon girlfriend mo na ako" napaluha ako dahil sa sobrang saya ko "Wala ng bawian yan ha, sobra mo akong pinasaya, you're my official girlfriend" Hinawakan ko ang pinge nito, at dahan-dahan na inilapit ko ang muka ko sa kanya, marahan ko na hinalikan sya sa noo nya at saka sa tuktok ng ilong nya Napatingin ako sa labi nito na, nagaanyaya na halikan ko Dahan dahan ko na inilapit ang labi ko sa labi nya, wala ng atrasan to Pinikit ko na din ang mata ko Mabagal lang ang naging halikan namin, pine-feel ko ang bawat segundo na magkalapat ang mga labi namin Unti-unti ko nang inalis ang labi ko sa labi nya, kinakapos ako ng hininga "I love you Be" ngumiti ako dito pagkatapos ay umayos na ako ng pagka-upo ko, nangalay ako "I Love You Too" "Tara na" Pinaandar ko na ang kotse at tyaka minaneho Hindi muna kami umuwi, mamamasyal muna kami, gusto kong i-celebrate ang araw na ito Balak kong pumunta sa isang pasyalan na mageenjoy ka sa paligid dahil sa maganda nitong view dito, nakapunta na ako dati doon, may kalayuan man pero i know na worth it, Habang nasa daan palang kami napapansin ko na may mga tao sa labas at maliwanag sa lugar pero hindi lang iyon may mga tumutugtog din habang nakakasiyahan ang mga tao "May ano kaya dito? Mukang masaya dito, tingnan muna natin" "Sige, Magtatanong lang ako" Itinabi ko muna ang kotse ko saka ako lumabas "Sandali lang po manong, may itatanong lang po ako" tinawag ko si manong na naglalakad na dumaan siguro mga nasa 50's ang edaran nito "Ay naku may asawa't mga apo na ako, humanap ka nalang ng batabata diyan" nagpipigil ako ng tawa, iba ata tumatakbo sa utak ni manong "Iba po ata nasa isip nyo, itatanong ko lang po kung ano pong meron sa lugar na ito?" "Ah, akala ko kung ano na, may fiesta dito sa bayan namin" "Pwede po kayang maki-fiesta dito?" "Ay oo naman, pwedeng-pwede, tiyak na mageenjoy ka, madaming mapapanood na pagtatanghal dito, mayamaya lang maguumpisa na" "Saan po kaya ako pwede mag-park po ng sasakyan?" "Pagkaliko mo pa kanan dyan sa susunod na kalye didiretso kalang tapos kakaliwa ka, may makikita ka doon na malaking gate na nakabukas may nagbabantay doon na guard, magsasabi ka lang ng magpapark ka, may bayad ang pagpark doon pero hindi naman kamahalan" "Sige po salamat po Tay, baka po magselos na kasama ko" Pumasok na ako sa loob ng sasakyan, nagkatingin lang sa akin si katty na nagtatanong ang muka nito "May fiesta daw dito, kaya pala madaming tao at mailaw pa" "Pwede ba kaya maki-fiesta dito?" "Oo, tinanong ko na din si manong, kaya pupunta tayo doon sa parking area para makapagpark na" "Okey" Sinunod ko ang itinurong direksyon ni manong, madali ko naman itong nahanap, malapit lang naman pala Nang nasa tapat na ako ng isang malaking gate, lumapit ang guard na nagbabantay sa may gilid Ibinaba ko ang window ng sasakyan na malapit sa akin, dumungaw ako sa may bintana "Magpapark po kuya, may available pa po ba?" "Mayron pa po ma'am" "Magkano po?" "Sinkwenta lang" Kumuha ako ng 50 pesos sa wallet ko at inabot ko kay kuyang guard Pagkakuha nya ng 50 may inabot naman syang papel sa akin, at ticket ko pala Pagkakuha ko sa inaabot ni kuya ay sinara ko na din ang window ko at pinatakbo ko na papasok ang kotse Nang makahanap na ako ng mapagpupwestuhan ko ay dito ko na ipinark ang kotse ko Pinagbuksan ko muna ng pinto si katty pagkatapos saka ko naman inilock ang sasakyan "Matagal na akong hindi nakakanood ng fiesta, masayang manood ng mga palabas" "Iba nga yong balak mong puntahan pero nakita mo ito kaya bigla ka nalang nag change plan" "Oo, marami akong gustong puntahan na places at gusto ko kasama ka" Sobrang dami ng tao nang marating namin ang venue Hinawakan ko ang kamay ni katty at ngayon kami ay magkaholding hands, kakaiba nga lang dahil sa malamig ang kanyang kamay "Alam mo sa twing hahawak ka sa akin ang sarap sa pakiramdam dahil sa nararamdaman ko ang init ng kamay mo, feeling ko buhay pa ako" ang sarap sa feelings ng mga sinabi ni katty, parang ayaw ko nang bitawan sya para lang lagi nyang maramdaman ang warm na mayroon ako "Sige lagi kong hahawakan ang kamay mo" Mayamaya pa ay nag-umpisa na, syempre pinangunahan munang magspeech ang mayor at iba pang mga opisyales ng lugar na ito, pagkatapos ng speech may nagperform na mga kabataan na kung sumayaw ay wagas, magagaling sila napakalinis ng dance moves nila "Ang gagaling nila nu?" mahina lang ang pagkakasabi ko, tamang si katty lang ang nakakarinig "Oo, nakakamiss tuloy sumayaw" "Pwede ka naman sumayaw ah, pagdating sa apartment kahit pagkapasok na pagkapasok mo sa pinto mag start ka na agad sumayaw" "Nakakainis ka, i mean kasama yong mga kateam ko" "Wala ka kasing sinabi" Nang matapos ang pagsayaw sa stage may inanounce yung Host na sino na daw ba ang excited na makita ang naggagandahan mga binibini na magpapainit ngayong gabi So may Pageant ata Tinawag na ng host ang unang candidate, lumabas ang isang babaeng morena, matangkad ito at sexy, may isa itong dimple, nagpakilala ito pero hindi ko na tinandaan pa ang pangalan, sumunod naman ay mas maliit ito sa naunang candidate maputi ito at may kaliitan din na mukha, sumunod pa ang dalawang candidate maganda sila at masasabi mong confidence sa ginagawa nila. Bigla lang may sumingit na dalawang babae sa pwesto ni katty, dahil hindi nila nakikita si katty nabunggo nila ito, mabuti na lang at kapit ko ang kamay ni katty kaya naalalayan ko agad ito at ipinuwesto ko ito sa kabilang gilid ko Pagtingin ko kay katty masama ang tingin niya sa dalawa "Ang weird bigla akong nakaramdam ng takot at tingnan mo ang balahibo ko nakatayo" bb1 "Oo nga ako din" bb2 Hinigpitan ko ang hawak kay katty at umiling dito, at may ibinulong ako kay katty Lumingon ako sa dalawang babae at napatingin naman sila sa akin, ngumiti ako sa kanila "Nakikita nyo ako?" Tanong ko sa kanila "Oo" sagot nila "Maganda kung ganon" nagsmirk ako sa kanila agad naman itinaas ni katty ang mga buhok ko at unti-unti itong ibinabagsak, so ang makikita nila ay kusang gumalaw ang mga buhok ko, at gulat ang itsura nila Sunod naman ay kinuha ko ang phone ko Nakapatong lang ito sa kamay ko nang kinuha ni katty at inangat at iniharap sa dalawa ang screen hinanap niya ang camera, sa front cam inilagay ni katty kaya muka nung dalawa ang lumabas sa screen at gulat na gulat ang mga ito, pinindot naman ni katty ang screen kaya nagcapture ito Dahil sa takot agad na nagtakbuhan ang mga ito paalis Sorry na may taglay din akong kademonyohan Tumingin na uli ako sa unahan habang hawak na uli ang kamay ni katty Nang tinawag naman ng host ang huling candidate, sa paglabas nito ay hindi na umalis ang tingin ko dito, masasabi ko na maganda ang lahi na mayroon ang pamilya ng mga ito, ang maganda nyang tindig, pangangatawan at ang nakakaakit nyang muka "Hola everyone I am Avy Lacson, 19, ang sweet angel na handa kang dalhin hanggang sa langit and I Thank You" "Titig na titig ah, matunaw yan" rinig kong salita sa aking tabi Tumingin ako sa kanya at matalim na nakatingin siya sa akin Selosa talaga "Nanonood lang ako at hindi ako papatol sa kanya, hindi kami talo nu" "Uwi na nga tayo, nakakawala ng gana" "Be, sandali lang, babago palang naguumpisa oh" "Eh di dito kana, uuna na ako" mabilis itong naglakad pa alis kaya ang ginawa ko hinabol ko sya, pagkahabol ko hinawakan ko ang kamay nito "Ayuko na manood, ang pangit naman rumampa ni avy" "Kilala mo sya?" "Sinabi yong pangalan diba" "Sabi ko nga" at tumahimik na ito Habang naglalakad may napansin akong nagtitinda ng cotton candy at namangha ako dahil sa kakaiba nitong mga design "Wait lang be, bili lang tayo" hinila ko sya sa may nagtitinda ng cotton candy "Pabili nga pong dalawa na flower ang design" "Okey po maam, pa wait lang po" Mayamaya pa ay nagsalita na si ate "Okey na po maam" Nagbigay na ako ng bayad, hindi na ako nagtanong may price naman kasi na nakalagay "Thank you po, nakaka amazed po gawa nyo" "Thank you din po" Nang makarating na kami sa sasakyan namin ay ibinigay ko kay katty ang isang flower "For you" Kinuha naman ni katty ang cotton candy "Gusto ko sabayan mo na ako sa pagkain ko, kahit sinabi mo pa na okey lang sayo kung hindi ka kumakain, nakakalungkot din palang kumain ng walang kasabay" "Sige kung yon ang magpapasaya sa iyo" *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD