"Tally" napalingon ako sa likuran ko, ganoon din ang katabi kong si katty, naglalakad kami papuntang parking lot, uwian na eh
"Bakit?" Si Shamie yong tumawag sa akin, ano kaya kailangan nito
"Manonood ka ba ng game bukas?" Tukoy nya sa volleyball game nya bukas
"Hindi ako sure eh" ang hirap mangako
"Sana makakapunta ka, gusto ko na nandon ka- i mean kayo"
"Susubukan ko" naramdaman ko ang paghawak sakin ni katty sa kamay
"Sige, aasahan ko yan"
"Susubukan pa lang eh , hindi sinabi na pupunta, hindi pa yon sure" rinig kong sabi ni katty, problema nito
"Di ako sure don ha" ulit ko kay shamie
"Basta aasahan kita" nilampasan nya ako
Ngunit lumingon muli sya sa akin na nakangiti
"Ba-bye ingat ka sa paguwi" at kumaway pa sya bago umalis, himala at uuwi sya ng maaga siguro irereserve nya ang lakas nya para bukas
Nang makalayo na si shamie, humarap sa akin si katty
"Ba-bye ingat sa paguwi, ha!" Napakunot ang noo ko ng gayahin nya ang sinabi ni shamie, at ang gaga sinamaan nya ako ng tingin tapos umuna sya ng lakad
Sinundan ko lang sya nang lakad hanggang sa kotse ko
"Bakit ka ba nang iiwan?"
"Muka ka kasing hindi makapaniwala na sinabihan ka ng ganon ng shamie mo" dahil lang ba na nagbabye sa akin si shamie iniwan nya ako don
"Huh? Eh nagbabye lang naman yon"
"Yung itsura mo parang nagulat" yon atang inutukoy nya eh yong nagulat ako dahil sa maaga nitong paguwi
"Nagulat lang ako na maaga syang uuwi, lagi atang late na yon umuwi dahil sa practice nya"
"Naks alam na alam ah"
"Hay naku, umuwi na tayo, lagi mo nalang akong binabara dyan, nagseselos ka nanaman dyan"
Pinaandar ko na ang makina ng sasakyan at tiyaka ko na ito minaneho
"Paano kung sabihin kong nagseselos nga ako"
"Nagseselos ka lang pala eh" bakit kailangan nya pa akong barahin, wait ano daw nagseselos
Agad kung itinigil ang kotse hindi pa naman ako nakakalabas ng school
"Ano Nagseselos Ka?" At tinaasan nya lang ako ng kilay, kung nagseselos ibig sabihin nun may gusto sya sa akin, natuwa naman ako sa isipin na iyon
"At naniwala ka naman?, alam mo ikaw yung sabi ng sabi na gusto kita pero ang totoo ikaw ang may gusto sa akin" bigla rin nabawi ang pagkatuwa ko, hindi pala totoo na nagseselos sya
"Mas gugustuhin ko pang magka gusto kay shamie kesa sa iyo, kung magkakagusto din naman ako sa babae bakit sa multo pa?" Sinabi ko iyon ng hindi mahalata na hindi ko nagustuhan ang sinabi nya, at bigla ko din narealized na dapat hindi ko iyon sinabi
And yes i have feelings for katty, i dont know why, when and where basta masaya ako na kasama ko sya, na hindi ko na nga inisip na babae sya at isa pa syang multo, isang multo na pumasok sa tahimik kong mundo pero kahit ginulo nya ang buhay ko parang ayuko ng maayos ito kung sya ang dahilan, kontento na ako sa tabi nya, At mababaliw ako sa isiping mawawala na lang sya bigla sa tabi ko balang araw.
Wala naging sagot si katty sa sinabi ko bagkos ay tahimik lang ito na nakatingin sa labas
Muli kong minaneho ang kotse pauwi ng apartment
Nang makarating kami sa apartment, sya agad ang unang pumasok at sa balcony ito pumunta, favorite spot na nya iyon eh
Samantalang ako ay sa kwarto ko na pumasok, sinara ko lang ang pinto pero hindi naman ito nakalock
Ipinatong ko ang bag ko sa ibabaw ng study table ko, kinuha ko lang ang cellphone ko at humiga na sa kama
Inopen ko ang music app ko at saka ako pumili ng kantang pang-chill lang, nang makapili ako ipinatong ko ng pataob sa kama ang phone ko
Pumikit ako habang pinapakinggan ang kanta na pinili ko
Napamulat ako nang biglang humina ang kanta hudyat na may nagnotif sa akin
Kinuha ko ang phone ko na nasa tabi ko, tiningnan ko kung sino ang nagmessage
Number lang ang nakita ko sa sender
But nalaman ko din kung sino ang sender dahil nag pakilala din naman sya
Si Shamie, sya din pala yong tumawag nong nakaraan na hindi umiimik
Pinipilit nya pa din ako na manood bukas, may likas din palang kulit itong class president namin
Nagcompose na ako ng message para sa kanya at pumayag na nga ako na manood
Inilagay ko na ulit sa ibabaw ng kama ang cellphone ko matapos kung makarecieve ng message galing kay shamie na sabi pa nya na excited na daw sya para bukas
Muli kong pinikit ang aking mata, patuloy parin naman ang pagtugtug ng music eh, habang ako ay nakikinig ng music feeling ko ako ay pinapatulog nito kaya naman nagpadala nalang ako sa musika
---
Nakatulog na pala ako kagabi na hindi man lang nakakain at nagpalit ng damit, at ang haba pa ng naitulog ko
Lumabas ako ng kwarto ko at nabungaran ko agad si katty
Tatanongin ko nalang sya bakit hindi nya ako ginising
"Katty ba-" hindi nya ako pinansin at nilampasan nya ako papunta na naman sya sa favorite spot nya, ano bang mayroon doon sa balcony don bukod sa matatanaw nya lang ang kabahayan at ilang mga building
Nagpunta nalang akong kusina, magluluto lang ako ng pang umagahan, nafefeel ko na din ang pagkulo ng sikmura ko
Kumain na ako pagkatapos kong magluto masarap kumain kapag bagong luto, yong tipong hihipan mo muna bago isubo.
Nang matapos na ako, ako na din ang naghugas ng pinagkainan ko, hindi ko na pinapahugas kay katty ang mga plato ko, uubosin nya lang ng kakabasag, pinapagawa ko lang sa kanya ang maglinis ng bahay, taga alis ng alikabok at mga basura na nakakalat
Pagkatapos ko sa paghuhugas ko, naglakad na ako pabalik ng kwarto ko, maghahanda lang ako ng susuotin ko para mamaya
Napatingin ako sa bagong pasok na si katty, hay na amazed na naman ako sa kanya
Napansin nya ata na nakatingin ako sa kanya, nong tumingin sya sa akin, seryuso lang ito, hindi mo malalaman kung ano ang tumatakbo sa utak nya, saglit lang din iyon dahil sa umiwas ito ng tingin
Pumasok na lang ako sa kwarto ko at naghanap ng susuotin ko
Nang makapili na ako ay sa kama ko ipinatong ang damit ko
Undies at Bathrobe lang ang dinala ko pabanyo, nag start na akong maligo, inenjoy ko ang bawat agos ng tubig sa katawan ko
mga 30 minutes ang itinagal ko sa loob ng banyo nang mapagpasyahan ko nang tapusin na, pinatuyo ko na ang katawan ko at saka nagsuot ng underwear at saka nagbathrobe
Lumabas na ako sa banyo at nakita ko si katty na naglilinis na
"Ahm katty" tawag ko sa kanya pero hindi man lang sya tumitingin, may galit ba ito sa akin "manonood ako ng game sa school, sasama kaba?" Natigilan ito saglit pero pinagpatuloy na lang uli paglilinis nya
Nakakainis na sya, sinasaktan nya ako sa hindi nya pagpansin sa akin
Hindi ko na inintay ang sagot nya, wala naman atang balak na sagutin eh.
Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis,
Nagsuot lang ako ng pants na white tapos off shoulder crop top na color caramel, nag suot na din ako ng doll shoes
Lumabas na ako dala ang shoulder bag na ang laman lang ay cellphone, wallet at susi
"Kung sasama ka, sumama kana" sabi ko kay katty
Lumakad na ako palabas ng apartment, hindi ko na sya pipilitin
Malapit na ako sa kotse ko nang maramdaman ko na may sumusunod sa akin, paglingon ko napagtanto ko na si katty ang nasa likuran ko, akala ko hindi na sya sasama
Habang nasa byahe kami pilit akong ginigulo ng tanong sa isip ko,
"May galit kaba sa akin?" Unang tanong ko sa kanya
"Wala" tipid nyang sagot
"So, bakit ka umiiwas sakin?"
"Hindi ah!" Pagdedeny nya pa
"Ilang beses akong nagtry na kausapin at tanungin ka pero you're avoiding me"
"May inisip lang ako kaya siguro hindi ko napapansin na nagtatanong ka pala"
"Sorry sa nasabi ko kahapon, na offended kita"
" No, Tama naman yong sinabi mo, kaya its okey lang"
"Next time hwag mo ng gawin yong hindi mo pagpansin sa akin, babatukan kita, para wala akong kasama eh"
Feeling ko nun parang ako yong multo na hindi nakikita ng mga importanteng tao sa buhay ko
---
"Sabi na nga pupunta ka" sabi ni lury ng makita nya ako, kasama nya si aizzle
Masaya ako para sa kanila, sana lang maging matapang sila para ipaglaban nila ang isat isa sa mga magulang nila
"Pinilit ako ni shamie na manood ngayon"
"So ikaw pala ang special audience nya"
"Gusto nya lang na manood tayong lahat dito" yun yong sabi nya
"Ikaw lang ata pinilit nya eh" alangan naman na pilitin pa sila kung alam na manonood
"Kasi nga alam nya na manood kayo"
"Wala yong paki kahit hindi ako manood ng laro nya" sabat ni aizzle
"See best friend na nya ang nagsabi"
"Bahala kayo dyan"
" Ay wait lang tally" habol sa akin ni aizzle "ibigay mo ito mamaya kay shamie, i-congrats mo din sya manalo man o matalo"
Inabot nya sa akin ang tatlong tangkay ng rose
Tiningnan ko muna sila mga muka nila ay parang sinasabi na gawin ko na kaya kinuha ang rose kay aizzle
"Uupo na kami doon ha" paalam sa akin ni lury
"Si harley pala?"
"Hindi ko na alam kung nasaan sya, andyan lang iyon sa tabi-tabi"
Umalis na ang dalawang lovebirds
Ayaw ko namang maging third wheel nila nu.
Lumingon ako sa paligid ko, alam ko may kasama ako eh
Hala! Nasan yon? Wala kasi si katty sa paligid, alam ko nandito lang iyon sa likod ko
Puta nasaan na iyon?
'Peeeeeett' tumunog na ang pito
Maguumpisa na ang laro
Ay naku mamaya ko nalang siya hahanapin
Umupo na ako sa bakanteng upuan malapit sa unahan bali dalawa ito, kaya may isa pang bakante sa tabi ko
Nakita ko si shamie na parang may hinahanap hindi nagtagal ay sa pwesto ko na siya nakatingin
Ngumiti ito sa akin kaya gumanti na din ako ng ngiti
"Wagas makangiti ah" rinig kong boses sa tabi ko
Nawala ang ngiti ko at tumingin sa gilid ko
"Kanina ka pa dyan?" Hindi ko kasi napansin na nasa tabi ko na si katty
"Busy na busy ka kasi sa pagtitig eh"
"Hindi naman, tinitingnan ko lang yong mga maglalaro"
"Pero sa isang player ka nakafocus" hindi na ako aasa na naseselos sya
"Excuse me miss, nakareserve po ba ang upuan sa tabi mo?" Dahil nakaupo ako, Napatingala ako sa taong nagtanong sa akin
"Opo" maikli kong sagot
"Ah sige, thank you" at nag alis na ito
Nagstart na ang laro, at nagfocus na din ako sa panonood
Magaling ang bawat isa halatang pinaghandaan talaga itong laro
Natapos ang unang round at syempre panalo ang team ng school namin
Ngayon nag uumpisa na ang 2nd round, pawisan na ang mga players, maging ang mga braso ng mga ito ay mapula ba din dahil sa pagsalo ng bola
-----
Natapos na ang laro at ang nagwagi ay walang iba kundi ang team namin, magaling kasi talaga ang spiker nila, lahat naman sila
Nag-alisan na ang mga nanonood at ilan nalang kaming nandito
"Bakit hindi pa tayo umaalis?" Nagtatakang tanong ni katty
Ibibigay ko pa kasi itong bulaklak kay shamie na galing kay aizzle
"Saglit lang" luminga ako sa paligid at nakita ko sina lury at aizzle sa may bandang likod ko at sa likod nila ay nandoon si harley
Mayamaya ay nakita ko na si shamie na papunta sa pwesto namin
Nang malapit na sya ay tumayo na ako at sinalubong ito
"Congrats! Ang galing nyo, para pala sayo" nakangiti sya ng tanggapin nya ang rose
"3 roses pa ha, salamat dito, at salamat din na nanood ka"
"Ano kaba, support kami sa iyo, lalo na sila"
"Ahm, tally, siguro kailangan ko nang lakasan ang loob ko.."
Napansin ko ang paglapit din sa amin ni katty.
"Tally I Like You, matagal na, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin na gusto kita at gusto ko sana iparamdam ko iyon sayo"
Nagulat ako sa pag amin nya ng feelings nya para sakin
"Ahm..." Wala akong salitang mabigkas
Naramdaman ko nalang na may humalik sa pisnge ko at kasabay ng may dumaan sa likod ko, nilingos ko ang likuran ko at nakita ko si katty na paalis na ng gym
"Wala ka bang sasabihin? Ah, I know na shocked ka, sige saka ko nalang aalamin ang sagot mo"
"Sorry" at mabilis na ako tumakbo palabas ng gym
Sinundan ko kung saan nagpunta si katty nilinga linga ko pa ang paligid
Nang makita ko sya at agad akong lumapit dito
"Katty!" Hinawakan ko ang braso nito
"Ano ginagawa mo dito, hindi ba't dapat nandoon ka?" Tiningnan ko sya sa mata nya at nakikita ko don na pilit nyang pinapasaya ang mata nya
Hinila ko na lang sya papunta sa parking lot
"Ano ba bitawan mo ako, bumalik kana doon sa gym"
Hindi ako nagsalita, sa kotse nalang kami maguusap
Nang makalapit na ako sa kotse at agad ko itong ini-unlock tiyaka ko isinakay si katty at saka ako lumipat sa kabila at umupo sa driver seat
"Nandito ako kasi ikaw ang pinuntahan ko" panimula ko
"Sira ka ba? bakit mo iniwan doon si shamie?"
"Mas concern ako sa nararamdaman ko, at bakit mo ba ako tinataboy sa kanya, nakakainis ka alam mo ba yon?"
"Hindi ba't gusto mo si shamie"
"Iba ang gusto ko"
"Sinaktan mo sya dahil sa pag-iwan mo don tapos may iba ka pang gusto, mapanakit ka ha"
Feeling ko anytime babagsak na ang luha ko bakit nya ba ako itinataboy
"At hindi ka ba mapanakit sa ginagawa mo ngayon? Itinataboy mo palayo sayo ang taong may gusto sayo"
"Huh?"
"Ikaw ang gusto ko, ikaw yong gusto kong makasama, i dont know why, pero ikaw yun katty" at tuluyan nang bumagsak ang luha ko
"Pero -"
Ayuko ng munang makarinig ng negatibo galing sa kanya
Marahas kong hinigit sya palapit sa akin at walang ligoy-ligoy pa na hinalikan ko sya sa labi nya
Naramdaman ko ang softness ng labi nya at ang mabilis na t***k ng puso ko
Binitawan ko ang pagkakahawak sa braso nito at saka ko inilipat sa pisnge nya ang kamay ko habang patuloy ko itong hinahalikan, at mas sumaya pa ako ng tumugon sya sa halik ko
Inalis ko lang ang pagkakahalik dahil sa kinakapos na ako ng hininga
At hindi ko inaasahan ang gagawin nya
*****