"Para wala naman tao dito" tanong ko kay katty, pinuntahan kasi namin ang bahay ng naging katulong nina katty
"Tao po, tao po" tawag ko sa may-ari ng bahay
May lumapit sa amin na mga nasa 40's na babae
"Siya ba?" Tanong ko kay katty
"Hindi sya"
"Ay naku ining mga matagal tagal ng hindi umuuwi ang nakatira dyan"
"Pwede ko po ba malaman kung bakit hindi umuuwi ang may ari ng bahay?"
"Sa pagkakaalam ko nagtatrabaho ito bilang kasambahay sa isang pamilya, nakakapagtaka nga dahil kahit papaano umuuwi yon dito pero ngayon hindi pa din ito umuuwi, pasensya na pero pati kami ay hindi alam kung nasaan siya"
"Eh yong pamilya nya po?"
"Magisa na lang sa buhay si yaya" wika ni katty sa akin
"Walang itong pamilya, magisa na lang ito" sagot naman ng ale
Kumuha ako ng isang piraso ng papel at isinulat ang aking number dito
"Kung sakali po na umuwi sya dito, pwede po kayang paki tawagan po ako, kailangang kailangan lang po talaga" ibinigay ko sa kanya ang pirasong papel
"Sige, actually hindi lang kayo ang nagtanong dito, may naghanap din na ibang mga tao"
Napatingin ako sa ale tapos kay katty
"Ano pong itsura ng mga iyon?"
"Hindi ko matandaan ang itsura nila pero mga tatlong lalaki ito at nakasuot ng pang opisina"
"Pwede mo ba itanong sa kanya kung nakashade ito" utos sa akin ni katty
"Ahm natatandaan nyo po ba na nakasuot po ito ng shade?"
"Hmm" nagisip ito saglit " ay oo yung isa lang"
"I think its my tito" sabi ni katty
"Bakit daw po kaya?"
"Ay walang sinabi eh, umalis na din agad ito"
"Ah sige po salamat po, may itatanong lang po sana ako sa kanya"
"Hayaan mo tatawag ako agad paguwi nya dito
"Sige po, salamat po muli, alis na po ako"
Umalis na nga kami sa lugar na iyon
"Siguro kasama ito ng mga magulang mo"
"Siguro nga, sobrang malapit na sa amin si Yaya Lucy"
"Mag tatry din ako sa mga police, mababakasakali na may sabihin sila tungkol sa iyo"
Gabi na ng makauwi kami, malayo kasi ang tinitirahan ng yaya ni katty plus pa na traffic sa ilang lugar
Nagpahinga lang ako saglit tapos nagluto at kumain na din ako ng pang dinner
Pumasok na ako sa kwarto ko at naabotan ko na nakaupo si katty sa kama habang hawak ang picture frame, yeah sa kwarto ko na nga din sya natutulog, inopen ko na sa kanya itong kwarto simula ng gabing iyon, ayaw ko na kasing nakikita sya na doon matutulog sa sofa
"Bakit mo hawak yan?" Tanong ko sa kanya
"You know what kapag tinitingnan ko itong picture mo parang nakita na kita dati" lihim akong napangiti sa kaisipang tinitingnan nya ang picture ko
Kinuha ko ito sa kanya, half body lang ang kuha ko dito sa picture
"Hindi ba't doon tayo sa park unang nagkita?"
"I think mas una pa doon, siguro buhay pa ako non" pilit kong hinuhukay sa aking utak kung nakita ko na nga ba sya dati pa pero sumasakit lang
"Wala akong matandaan na nagmeet na tayo dati palang, hmm baka nga! Tapos na attracted ka non sa ganda ko"
"Kapal mo naman, by the way" tumingin sya uli sa picture ko "ang ganda ng necklace mo, bakit hindi mo iyon suot ngayon?"
Tumingin ako sa picture ko at nakita ko nga ang tinutukoy nya
Bakit hindi ko napansin na may suot ako doon na kwintas, maganda ito,
Ngunit bakit hindi ko nga suot ito? Inisip ko kung nasaan ito pero hindi ko talaga alam
Tumayo ako at pumunta sa cabinet ko, binuksan ko ang isang drawer na naglalaman ng mga jewelry ko
Pinagbubuksan ko ang mga box na nandito ngunit wala dito ang hinahanap ko
Bakit wala dito?, at bakit ngayon ko lang din naalala ang about sa necklace na iyon kung hindi pa nabanggit ni katty
"Hindi ko alam kung nasaan na baka nawala ito habang suot ko"
"Sayang maganda pa naman ito"
"Yeah, Its a gift from my mother when i was 10, and its have sentimental value for me but i lost it"
"Ow" tela na gulat sya sa nalaman nya "baka kasi kung saan mo lang nailagay"
"Baka nga"
"At aalalahanin ko din kung saan nga kita unang nakita, at sasampalin talaga kita kapag hindi maganda yung maaalala ko sayo"
Wala talaga akong idea sa sinasabi nya
"At matitikman mo din ang hagupit ko kapag ikaw ang may hindi magandang ginawa sa akin"
"I swear ikaw ang may hindi magandang ginawa sa akin"
"Matulog kana nga"
Itinabi ko na ang mga jewelry sa cabinet at kaagad ko din itong isinara
Lumapit na ako sa kama at nahiga na din sa tabi ni katty
"Katty kung buhay ka pa kaya ngayon magkakaroon ba kaya ng pagkakataon na magkikilala tayo?"
"Hmm i think nagkita na nga tayo, so siguro?
"Nagkita oo pero yong katulad ng ganito"
"Im not sure kasi wala naman akong nakikitang reason para tumira dito"
"Sa bagay hindi nga mangyayari yon dahil hindi din siguro kita papatirahan sa bahay ko, ano kayang ginagawa mo ngayon kung buhay ka pa?"
"Siguro like you nakahiga din pag ganitong oras, siguro sa araw-araw ay pumapasok sa school, nagbo-bonding ako kasama ang family ko, ang kaibigan ko, doing what i really want"
"Youre so bright para mangyari iyon sayo"
"Ganon talaga ang buhay hindi mo expected"
"Hmm siguro kahit buhay ka pa magkakaroon parin ng tendency na magkikilala at magkikilala tayo"
"I wish na buhay pa din ako"
---
Pumunta kami ng police office malapit kung saan nakatira si katty
"Good morning po ma'am ano po kailangan niyo ma'am?" Tanong sa akin ng isang nakangiting police
"May itatanong lang po sana ako"
"Okay po, ano po iyon?"
"Can i ask na dito ba ang bago mong destino Mr. Ocampo?"
Tumingin tingin ito sa paligid at parang chine-check nya kung may nakakarinig
"Uy, pwede formal tayo dito tally" medyo kinakabahan pa si rex "ano bang ginagawa mo dito, eh ang layo nito sa apartment mo"
"Ikaw na rin ang nandito, pwede ba humingi ng tulong?"
Tumingin muna ako kay katty na matalim ngayon na nakatingin sa amin,
"Ano ba iyon?"
"About kay Ms. Katty Rein Torrez gusto ko malaman kung ano nangyari sa kanya" his work is to do the investigation.
"Wait sa labas tayo mag usap" lumakad ito palabas kaya sumunod na din ako sa kanya
Nang medyo nasa malayo na kami ay saka nya ako kina-usap
"Alam mo ba na bawal yang gusto mong mangyari"
"I know pero ito lang ang paraan ko para malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa kaibigan ko, kaya nakikiusap ako rex"
"Bakit hindi mo tanongin ang mga magulang nito?"
"Isa pa iyon, hindi ko din alam kung saang lupalop na naroon ang mga magulang nito"
"What you mean is nawawala ba sila?"
"Hindi ko alam, please rex tulungan mo ako"
"Tsk naman katty"
"Please, kaibigan ko yon eh"
"Sige na nga, gagawa ako ng paraan pero dont expect ha, hindi madali ang gusto mo"
"Thank you rex, tinutulongan mo na nga ako sa games ko, pati na rin dito, salamat"
"Kung hindi lang kita kaibigan at parang bunsong kapatid na din, hindi ko ito gagawin"
"Salamat irereto na talaga kita sa ate ko"
"Hoy, gusto ko yon pero mas gusto ko kung ako naman ang ililibre mo"
"Sige ba kapag nabigay mo na sa akin ang hinihingi ko"
"Info. lang ba kung ano nangyari sa kaibigan mo at sa pamilya nya?"
"Kung pwede inbestigahan mo na din baka kasi may krimeng nangyari"
"Sige gagawin ko na, basta yong libre mo ha"
"Opo Sir"
"Sige na umuwi kana"
"Opo"
Bumalik na nga kami sa kotse at napansin kong tahimik itong si katty
"Bakit ang tahimik mo"
"Paano kayo nakakilala nong police na yon?"
"Sa bar"
"What? Sa bar? bakit doon?"
"Saan mo pa ba gusto? Eh doon ko sya unang nakita eh"
Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari sa kung paano ko nakilala si rex
"He is like a older brother to me, kaya kalma ka lang dyan, wag ka ng magselos, okey"
"Hindi ako nagseselos noh, at bakit ako magseselos?"
"You sound jealous because you have a crush on me"
"Kapal mo talaga tally kahit kailan"
"Hahaha"
At nakaramdam ako ng sakit sa batok ko, binatokan pala ako
Sakit non ah,