Part 16

1297 Words
Nasa isa akong lugar na hindi familiar sa akin may nakikita akong tatlong tao, yong isa ay nasa may gilid at nakatali at yong dalawa ay nasa harap ko na nakatayo, hindi ko maaninaw ang mga muka ng mga ito dahil sa blurred ito kaya hindi ko alam kong sino sila at maraming tanong ang tumatakbo sa utak ko, paano ako napunta dito? Sino sila? Naririnig ko na nagsalita sila pero hindi ko iyon maintindihan Takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, sino bang hindi kung pagmulat mo nasa unfamiliar places kana diba Lumapit sa akin yong isang tao at may hawak itong tubo sa kanan nyang kamay Di ko inaasahan ang gagawin nya, ipinalo nya sa akin ang hawak nyang tubo Ang kanina kong takot ay doble na ngayon Napahiga ako at parang namanhid ang buong katawan ko Maging ang pagsasalita ko ay hindi ko magawa Napapikit nalang ako ng muli nyang ihahampas sa akin ang hawak nya Naghihintay ako nang pagdapo sa akin ng tubo ngunit wala akong natanggap Nagmulat ako at puting kisame ang aking nakikita, hinihingal ako na parang tumakbo ng napakalayo "Hay panaginip lang pala" sabi ko sa aking sarili, parang totoong nangyari Iwinaksi ko na lang ang aking napanaginipan, panaginip lang iyon wala iyong patutunguhan Nang naging normal na ang t***k ng puso ko at doon ko lang napansin ang brasong nakayakap sa akin, hala bakit may nakayakap sa akin, paano ako nagkaroon ng katabi sa kama Sinundan ko ng tingin ang pinanggalingan ng brasong ito at nadapo ito sa muka ng babaeng mahimbing na natutulog sa tabi ko at doon ko lang naalala na sa kwarto ko nga pala ito natulog kagabi Napatitig ako sa perpekto nitong mukha, iaalis ko na sana ang pagtitig ko dito pero sadyang parang may magnet ang mata ko na ayaw maalis sa mukha nito Ang kilay nyang natural na maganda ang pangkakalinya nito at may kaitiman pa, ang ilong nyang may pagka-slim tapos matangos, at ang labi nyang natural na pinkish ang kulay Ang ganda nya siguro kung nabubuhay pa ito baka madaming nagkakandarapa dito *Ring* Bigla kong naalis ang titig ko kay katty dahil sa tumunog ang cellphone ko Inabot ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang nagmessage May nag message sa group chat at kay shamie nanggaling ang message Sinasabi nya na wala kaming pasok today dahil sa masamang panahon Sumaya naman ako sa balita ni president kahit paano Binalik ko na ang phone ko sa ibabaw ng table Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni katty sa pagkakayakap sa akin Ngunit niyakap nya uli ako at mas umusog pa palapit sa akin, sobrang lapit na ng mukha namin sa isat-isa Ang kaninang normal na t***k ng puso ko ay nagkakarambulan na ngayon Lalapit pa sana sya pero bigla na akong bumangon, kung hindi ko yon gagawin baka mahalikan pa nya ako Dahil sa pagbangon ko nagising na din si katty "Kanina ka pa gising?" Bumangon na din ito habang inaalis ang kumot na bumabalot sa kanya "H-hindi kakagising ko lang din" totoo ba iyon tally sabi na lang ng magaling kong utak Mabilis akong umalis sa ibabaw ng kama at pumunta sa may bintana, hinawi ko lang ang kurtina para tingnan ang labas, malakas pa din ang pag-ulan Pagbaling ko sa kama maayos na ito ngunit wala na si katty, wala na sya sa buong kwarto, marahil ay lumabas na ito Lumabas na din ako ng kwarto at sa banyo agad ako dumiretso, nag toothbrush lang ako at naghilamos Naabotan ko si katty na nasa may pinto ng balcony nakatanaw sya sa labas "May bagyo daw kaya maulan ngayon" sabi ko na lang ng humarap na si katty "May pasok ka ba?" "Wala, nag message na yong president namin" "Meaning dito ka lang sa bahay?" "Oo, tamad ako lumabas kapag maulan" Nguniti lang sya sa akin "Sa wakas may kasama ako ngayon dito, malungkot kasi kapag nagiisa" "Nakakaranas din naman ako ng nagiisa pero hindi naman ako nalulungkot" "Hindi ka nalulungkot?" "Kakasabi ko lang, nandyan naman yong mga kaibigan ko at pamilya ko, After school mayroong gumagala muna kami ng mga kaibigan ko bago kami mag-uwian at pag wala akong pasok pinupuntahan ko naman kapatid ko "Eh pagkatapos ng gala nyo at pagkauwi mo dito galing sa kapatid mo, hindi ba malungkot?" "Wala akong dahilan para maging malungkot" "Ikaw na laging masaya!" "Iniisip mo kasi na malungkot ka, kaya nalulungkot ka" "Huh?" "Hwag mo na kasi problemahin na nalulungkot ka problemahin mo kung nasaan ang magulang mo o kung sino ang pumatay sayo?" "Bakit pa kasi nandito pa din ako sa mundo? Bakit hindi pa ako napunta sa langit kung sa langit man o sa impyerno kung sa impyerno ako nararapat?, eh di sana hindi ko na iisipin kung nasaan ang pamilya ko! dahil yon ang nagbibigay sa akin ng lungkot, nandito parin nga ako hindi ko naman sila kasama!, At wala na akong pakialam kung sino ang pumatay sa akin, konsensya na nya yon kung may konsensya sya" Hala sya umiiyak sya, potek na yan ano gagawin ko? A. Iiwanan ko nalang sya na umiyak doon kasi baka kailangan nya ng privacy para umiyak B. Uupo lang dito sa tabi nya tapos sasabihin ko wag na syang umiyak C. Yayakapin ko sya tapos sasabihin ko na nandito lang ako D. Magtitiktok ako sa harap nya at magsasayaw ako kahit hindi ako marunong E. Sasabihin ko na Sasamahan ko sya sa lahat at ipaparamdam na di na sya magiisa dahil nandito na ako para sa kanya Hehe para akong tanga sa mga pinagiisip ko na iyon Lumapit ako sa kanya "Hwag kanang umiyak" At saka ko ito niyakap "Nandito lang ako, hindi kana mag iisa" May kasama pa palang choices sa likod, yon yung letter F. Tapos may G. All of the above at mas umiyak pa ito lalo kaya mas lalo ko itong niyakap "Can you dance for me?" "No, no, i can't!" "Nakakainis ka!" wika nito "Hala, bakit?" "Naiinis lang ako" "Ay naku kinilig ka lang sa sinabi ko" "Ikaw kaya tamang chansing lang" Bumitaw na ako sa pagyakap sa kanya "Oh sinabi ko bang umalis ka sa pagkakayakap?, yakapin mo uli ako" "Oh my gosh, iisipin ko may gusto ka sa akin" "N-namimiss ko lang ang pamilya ko kaya kailangan ko ng yakap" "Katty, may bf ka ba bago ka namatay?" "Bakit mo naitanong?, interesado kaba sa akin? Kung wala" "Hindi ah, kapal ng mukha mo" "Maka hindi ito wagas, ayaw mo ba sa maganda?" "OO, Ayaw ko" "Ede pangit pala hanap mo?" "Che ka dyan" "Haha, may bf ako, yon ang pagkakatanda ko" "Ah, nasaan sya?" "Bakit parang disappointed ka?" "Naawa ako sa bf mo literal na iniwan mo sya" "Remember nagka amnesia ako may mga nalaala na nawala, at saka pinuntahan ko yon at nakita ko na may kasama na syang ibang babae at magkayakap sila habang nakakandong si girl" "Aha! bakit kaya hindi natin puntahan at tanungin ang mga kamag-anak mo o kaya yung mga kilala mo, baka may alam sila kung nasaan ang pamilya mo o kung ano bang nangyari talaga sayo?" "Sige pero sa mga kaibigan ko na lang or si yaya" "Wala ka bang kamag-anak?" "Meron, si tito kaya lang hindi sila magkasundo ni papa dahil sa business nagtatalo lagi sila kung para kanino ba mapupunta ang mana" "Okey, Sige" "Salamat" "Maaga pa para magpasalamat" "Tally ikaw ba may bf ka?" "Sa ngayon wala" Nagsmile lang sya na hindi labas yung ngipin "Exes?" "Yeah i have" "Bakit hindi ka na ulit nag jojowa?" "Hinihintay ko pa sya" "Paano kung dumating na pero hindi mo lang pinapansin" "Magpapansin sya para mapansin ko" "Paano kung nagpapansin na sya?" "Kulang pa sya sa effort, dagdagan pa nya" "Makakarating yon sa kanya" *******************************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD