Magkasabay kami ni shamie na naglalakad dito sa pathway, pinatawag kami ng isa naming prof, may ipapagawa ata.
"Ano kayang ipapagawa sa atin ni ma'am" ngayon lang ako pinapunta sa teacher office para may ipagawa
"Wala din akong idea"
Habang naglalakad kami may mga napapansin akong tumatakbo, yung iba naman naglalakad lang ng mabilis at may mga sinasabi sila
"Grabe ang takot ko, ngayon lang ako naka encounter ng ganon"
"Tingnan mo balahibo ko sa braso, may multo pala sa science lab, nakakatakot na pumunta doon"
Nacurious ako sa pinagsasabi nila
"Hey excuse me" tawag ko sa kanila, maging si shamie nagulat sa bigla kong pagtawag
"Y-yes po?"
"May i know kung ano yung nangyari?" Tsismosa na talaga ako
"May nagmulto po sa science lab"
Mabilis akong naglakad paalis madadaanan naman namin ang science lab bago mag teacher office
"Ang bilis mo naman maglakad" reklamo ni shamie sa likuran ko
Pagdating ko ng science lab, natatanaw ko dito sa labas na wala ng tao dito kaya napagpasyahan kong pumasok
Sa pagpasok ko sa pintuan doon ko nakasalubong si katty, nagulat pa ako ng bahadya dahil sa pagsulpot nya sa may gilid ng pintuan
I know na nandito sya sa school dahil sumama sya sa akin pero hindi ko alam kung saan saan syang lupalop nagpu-pupunta dahil nililibot nya itong school, sinabihan ko lang sya na magbebehave dito
Ngayon magkaharapan na kami, dito pa din kami sa may pintuan
"Anong ginawa mo?" Tanong ko kay katty
"Wala" bored nyang sagot
" Bakit ka pumasok dyan tally?" Nagtatakang tanong ni shamie sa akin, tiningnan ko lang sya saglit tapos binalik ko na agad kay katty ang tingin ko, naabutan ko pang nakatingin si katty kay shamie habang nakataas ang isang kilay nito
"Sabi nila may NAGMUMULTO daw dito, eh muka wala naman eh" diniinan ko pa ang salitang nagmumulto at sinamaan ko sya ng tingin
Hinawakan ko si katty sa kamay nito at hinila palabas, dadalahin ko lang ito sa kung saan walang ibang tao at magtutuos kami
"Uy! San ka pupunta?" Napahinto ako sa pagtawag ni shamie, nagtataka ang itsura nya
"Mag c-cr lang, una kana susunod na lang ako, saglit lang ako"
"Sige"
Lumakad na sya patungo sa office, samantalang kami ay sa ibang direksyon pumunta
"Dahan-dahan nga, bakit ba nagmamadali ka" pilit nya inaalis ang pagkakahawak ko pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya
Sa Cr nga ng school ko sya dinala dahil dito ang mas malapit na alam kong konte lang ang tao
Pumasok kami sa isang cubicle at doon ko palang siya binitawan, buti nalang at walang tao dito
"Anong ginawa mo diba sabi ko behave ka lang, na wag kang gagawa ng ikakaconfused ng ibang studyante"
"Itinaas ko lang naman yong kamay nong skeleton, natuwa lang ako dahil parang totoo ito"
"Dahil sa ginawa mo natakot yong ibang tao,
Buti nalang lumabas ako at nalaman ko agad ang ginawa mo"
"Okey sorry na, sa sobrang LAKI naman ng kasalanan ko nagulo ko na ata ang buong mundo"
"Look, sinasabi ko lang yon dahil maaaring maka apekto sa ibang studyante ang ginawa mo, matatakot na pumasok yong ibang studyante don sa lab dahil sa iisipin nila na may multo don"
"Sorry na nga! Na gets ko na sinasabi mo, tiyaka puntahan mo na yong kasama mo mukang hinihintay ka na nya" agad syang lumabas dito sa pinasukan namin na banyo nang hindi binubuksan ang pinto, lumusot lang ito dito. Binuksan ko na ang pinto at lumabas na din ng ako
-----
"Kaya ko kayo pinatawag dahil sa gusto ko kayo ang isa sa magiging leader sa darating na seminar at field trip na din yon, makaasa ba ako?"
"Bakit po pati ako gusto nyong maging leader what about po don sa ibang class officer?" Gusto ko lang din malaman kung bakit
"Because you're one of my outstanding student in my class"
"Pero po?"
"Hindi kasi makakasama yong ibang teacher na inaasahan kong makakasama at makakatulong ko para sa event na yon, i know its hard for you but i know and i believe you can, thats why I'll choose you two, i wish na mapakiusapan ko kayong dalawa"
" Sige po ma'am" pumayag si shamie sa favor ni ma'am at napangiti ito dito
Tumingin naman sa akin si ma'am
"Okey po maam, makakaasa po kayo, iguide nyo lang po kami sa dapat naming gawin" why not itry diba
"Thank you sa inyong dalawa, tama at sa inyo ako humingi ng tulong"
"Walang anuman po"
"Sige na bumalik na kayo sa klase nyo"
" Bye po ma'am" paalam namin
Lumabas na kami sa teacher office at lumakad na pabalik ng aming room
"You know what, kinakabahan ako para sa seminar na yon, baka hindi ko magawa ng maayos ang favor ni ma'am" pag amin ko kay shamie tungkol sa napagusapan namin kanina
"Kaya mo yon ikaw pa, i know, you always believe in yourself naman" pagpapalakas ng loob sa akin ni shamie
"Haha salamat"
"Hindi na pala kita masasamahan hanggang classroom" may lungkot akong nafeel sa sinabi nya
"Why?"
"May practice pa ako, sobrang lapit na ng game eh"
"Ay oo nga pala, sige good luck, inggat, fighting"
Nagpaalam na kami sa isat isa, naggoodbye wave pa ako kay shamie bago tuluyang dumiretso sa room
Naabutan ko sa room namin ang mga classmate ko na busy mag chismisan, may nagcecellphone
Tumabi ako sa mga kaibigan ko
"Bakit kayo pinatawag?" Tanong agad nitong si harley
"May hiningi lang na favor si ma'am sa amin"
"Ano naman?"
"Parang gusto ni ma'am na isa kami sa magiging incharge sa darating na field trip"
"Pumayag ka?" Tanong naman ni aizzle
"Oo, kaming dalawa ni shamie"
"Will Good luck!"
" Saan na pala si pres?" Tanong ni lury
Hindi ba nabangit ni aizzle sa kanila na may practice ang bestfriend nya
"May practice daw sya ngayon eh"
"Malapit na kasi next game nila"
"Excited na akong manood!" Excited na wika ni lury
–—–
Umuwi ako ng bahay na may inis na nararamdaman, idagdag pa na may masamang panahon dito.
Naiinis ako dahil bago ako umuwi nilibot ko muna ang buong school dahil sa hinanap ko si katty, ewan ko ba sa pusa na yon kung saan-saan na naman nagsususuot, sabi ko kasi sa kanya kaninang umaga bago kami pumunta ng school, bago mag 6 pm dapat nandito na sya sa parking, pero ang gaga MIA, hinintay ko pa sya ng 20 minutes pero wala pa din kaya naisipan kong hanapin sya
Pagkapasok ko sa loob, ayon ang pusa nasa couch,nakasandal sya tapos pikit habang naka-indian seat
"Uy, bakit umuna kana dito ha?, wala ka man lang pasabi na uuwi ka na pala agad!"
"Umuwi na ako dahil baka may magawa na naman akong mali doon, sermonan mo nanaman ako, magpapaalam na sana ako kaya lang ayukong putulin yong masayang paguusap nyo nong babaeng kasama mo"
wow parang sya pa yong nagsusungit sa aming dalawa, ako dapat yong masungit ngayon dahil sa naiinis ako
"Naghintay at hinanap kita sa buong school bago umuwi dito, aware ka naman diba kung gaano kalaki iyon?, akala ko kasi nandoon kapa kasi may usapan tayo!sinasabi ko ito para alam mo lang."
Matapos kong sabihin iyon ay agad na din akong pumasok sa kwarto ko
Nagpalit lang ako ng damit tapos humiga na muna ako sa kama
Maya maya pa ay narinig ko na ang malalakas na kulog sa labas, ang sungit naman ng panahon ngayon
'PONG' nagitla din ako sa biglang pagkulog ng sobrang lakas
Parang gusto kong mag cup noodles dahil sa umuulan ngayon
Bumangon ako sa aking pagkakahiga at lumakad ako palabas ng kwarto
Sa paglabas ko bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa naririnig kong mahinang mga pagiyak
Nasaan na ba si katty, hinanap ko sya ng tingin sa paligid ngunit wala
Pota naman katty bakit ngayon mo pa ako iniwan, may iba na atang multo sa bahay ko
Nag sign of the cross muna ako, nagumpisa akong maglakad papunta kung saan ko naririnig ang pagiyak, panay pa din ang pag kulog sa labas, ewan ko ba kung bakit ko pa lalapitan yon kung takot ako, kasalanan ito ng utak ko sinasabi nito na puntahan ko daw.
Habang naglalakad ako ay napapasabi ako ng 'aba ginoong maria napupuno ka ng grasya ang panginoon diyos ay sumasaiyo bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala ka naman ng iyong anak na si hesus.'
Nang makalapit na ako ay bigla akong nag alala
"Katty? Anong nangyari sayo?anong ginagawa mo dyan? Bakit ka umiiyak?" Nakasiksik sya sa may gilid ng sofa sa ibaba pang bahagi, hindi ko nga sya makikita kanina kasi tagong bahagi ito
Nilapitan ko sya at hinawakan sa may balikat
Nang bigla na uling kumulog ng malakas
"Huuuuuuu" at humagulgul na naman sya
"Hey katty, im here na please stop crying"
Itinayo ko sya at napakapit na rin sya sa mga braso ko, iniupo ko sya sa sofa, tumabi na din ako sa kanya
Inilagay ko ang kamay ko sa likodan nya at mahina ko itong hinimas para kumalma sya
Nanginginig pa din sya sa takot at sa pag iyak nito
Mayamaya pa ay parang kumalma na ito
"Okey kana ba?" Marahan itong tumango
"Takot kaba sa kulog at kidlat" tumango ulit ito
"H-hwag m-mo ako iwan, D-dito ka lang please!" Pati boses nya nanginginig na
"Okey, dont be scared na"
Napatingin ako sa sliding door, kaya pala malakas ang naririnig naming pagkulog, eh halos may isang dangkal itong bukas
"Isasara ko lang ng maayos yong glass door ha"
Tumayo ako at naglakad na papunta doon at isinara ito, hindi naman umangal itong isa eh
Ngunit may naririnig pa din kaming inggay
"Punta lang akong kusina ha gusto kong kumain ng cup noodles"
"Sama na lang ako" request nya
"Sige" tumayo sya at lumapit sa tabi ko
At ito magkatabi kami habang naglalakad
Nang marating na namin ang kusina
"Kakain ka ba?" Alam ko na kung anong isasagot nya pero tinanong ko pa din
"Hindi na, salamat"
Kumuha ako ng isang cup noodles at nilagyan ko na din ito ng mainit na tubig
After 5 minutes
Habang kumakain ako napatingin ako kay katty na nakatingin din pala sa akin
"Bakit?" Tanong ko
"Wala, ang enjoy mong panoodin habang kumakain ka" at doon ko naramdaman na yong nainom ko nang mainit na sabaw ay parang umakyat sa mukha ko
Ito ba epekto ng pagkatakot nya sa kulog kung ano-ano nalang nasasabi nya
"Masarap kasi yong sabaw"
Nang maubos ko na tumayo ako para ligpitin at itapon ang pinagkainan ko
Nang pabalik na ako sa inuupuan ko ay isa na naman malakas na kulog ang narinig namin kasabay ng pagkawala ng ilaw
"Tally? Nasaan ka?" Bakas sa boses nya ang takot
"Dito lang ako, hwag ka ng matakot"
Dahil sa madilim ay dahan-dahan pa ang paghakbang ko baka kasi kung saan ako mabunggo
"Katty, okey ka lang ba?" Hindi kasi sya umiimik
"Magiging okey ako kung nandito ka sa tabi ko"
"Okey malapit na ako"
Nakapa ko na ang may side ng lamesa at naka kabilang side pa si katty
Kumakapit lang ako sa mga side ng lamesa habang binabaybay ito
Hanggang sa nakalapit na ako kay katty at nagulat pa ako sa susunod na nangyari
Agad nya akong niyakap ng mahigpit
Oops parang hindi kami na nagsagutan kanina ah
"Ang tagal mo namang nakabalik dito"
"Madilim eh"
"Tara kuha tayo ng pwede nating maiilaw, hindi ko kaya ang dilim eh" parang kinakapos ako ng hininga
Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin ngunit humawak naman sya sa braso ko
Nge eh sa kwarto ko pa pala ako makakakuha ng pwedeng iilaw
Dahan-dahan ang aming paglalakad
"Ouch"
hehe nayapakan ko kasi paa nya
"Sorry, hindi ko kita eh"
"Che, sinadya mo yon"
"Hindi ah, bakit ko naman gagawin yon?"
"Galit ka sakin eh"
"Hindi ako galit, nainis lang nang konte"
"Ang honest ha"
"Sorry sa mga nangyari, sorry kung nasermonan kita"
"No, ako dapat magsorry, its my fault, hindi kita sinunod"
"Buti alam mo"
"Ay nakakainis ka"
Hahaha
"Kwarto ko na ito"
Nang makarating na ako sa may pinto ay binuksan ko ito
Dahan dahan pa din kaming pumasok sa loob
"Upo ka muna" pinaupo ko sya sa aking kama
Pinagpatuloy ko ang pagkakapa sa dilim
Sa cabinet ko ako pumunta at binuksan ko ang pangalawa nitong drawer dito nakalagay ang emergency light at saka ito kinuha
Agad ko rin itong pinailaw nang magbukas na ang ilaw nito at nasilaw pa ako dahil sa tagal kong dilim lang ang nakikita
Hay salamat nagkailaw na bumalik na ako sa kama at umupo sa tabi ni katty
"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ko kay katty
"Okey na, thanks to you"
nagsmile sya sa akin kaya napasmile din ako sa kanya
"Dito kana muna matulog baka kasi umiyak ka nanaman pagnagiisa ka don sa sala"
"Okey sige pwede naman ako sa sahig matulog"
"No!, Dito ka nalang sa katabi ko"
"Sa sahig na lang ako"
"Kasya naman tayo dito, wala pati akong ipanglalatag dyan"
"Okey sige na nga, mapilit ka eh"
Tumayo ako upang kumuha ng extra pillow at blanket at inayos ko ang hihigaan namin
"Sleep na tayo" nakakaramdam na din kasi ako ng antok
Humiga na ako sa may kabilang gilid at saka pumikit
Mayamaya pa ay tumabi na din sya sa akin
"Good night tally"
"Good night too" sweet dreams
****