Part 14

1603 Words
Nagcellphone muna ako habang nakaupo, hinihintay ko ang ka-date ko ngayon, nasa cr lang sya At hinihintay ko din ang inorder namin na pagkain Namiss na naman ako nito kaya niyaya akong maglunch, pasalamat sya maganda sya kaya ako pumayag tiyaka ililibre naman daw nya ako Niyaya na ulit ako ng kapatid ko na labas daw kami, kagabi ako nakarecieve ng message galing sa kanya kaya lang kanina ko lang umaga na basa kasi tulog na ako nung nagmessage sya Ayon nagpapilit na ulit ako hanggat hindi ako nakakabasa ng 'libre kita' kaya nong sinabi yun ng maganda kong ate ayon automatic na pumayag na ako ? libre yun eh "Here's your order ma'am" Nilagay na ng isang crew sa table ang mga pagkain namin, ang dami naman ng inorder ni ate "Thank you po" nagpasalamat ako sa kanya "Welcome ma'am" Pagkaalis ng crew ay siya naman pagdating ng kapatid ko Umupo na sya sa upuan nya ngunit nagcellphone lang ito, hindi nya pa ata napansin ang mga pagkain sa harap nya "Let's eat na" inaagaw ko muna ang pansin nya sa pagcecellphone nya "Ya, wait lang" hindi manlang nya inalis tinggin nya sa phone nya "May hinihintay pa ba tayo?" "Andyan na sya" tumingin sya sa may entrance, napakunot pa ang noo ko sa sinabi nya kaya napatingin na din ako sa tinitingnan nya, i was surprised sa nakita ko, at agad din akong napatayo "Papa" "Sorry na late ako, nahiya tuloy ako sa inyo dahil pinaghintay ko pa mga chiks na tulad nyo" galing pa ata sya sa work nya dahil yung suot nyang sapatos at pantalon ay ang sinusuot nya sa trabaho nya naka white na lang itong tshirt, malelate talaga sya dahil sa layo ng place nya dito sa restaurant, ito lagi ang kinakainan namin kapag makakasama kaming tatlo o kahit kami lang ni ate. "Haha okey lang papa, hindi pa naman kami naguumpisa" niyakap ko sya nong makalapit sya sa amin "kaya pala hindi agad kumakain si ate ikaw po pala ang hinintay, she didn't tell me" "Haha bakit di mo sinabi sa kanya Thalia?" "Gusto ko lang sya e-surprise" at nag success nga ang plano ng magaling kong ate "Paano kung hindi ako sumama sa iyo?" "Eh nandito kana, tiyaka alam kong papayag ka, alam na alam ko ang kiliti mo" nagpuppy eyes pa sya sa akin, napairap nalang ako sa kanya "Nakakatuwa kayo, ay sya kumain na tayo" nakangiting wika ni papa sa amin, nagsi-upuan na kami ni papa "Sige po" Kumain na nga kami, ang sarap ng pagkain kaya naging favorite namin kumain dito eh, worth it na worth it "How's your work papa?" Tanong ni ate "I'm doing great but sometimes i got some pressure at work, hindi naman maiiwasan yun sa trabaho eh" "Ya, i feel you papa, pero nakakaenjoy din naman sa trabaho" "Ikaw tally kamusta naman ang studies mo?" Napatingin ako kay papa at nakita ko na nakatingin na sya sa akin "Okey naman, I think sila na ang sumusuko sa akin" "Haha that's my girl" "Im not De Vera for nothing" "Papa didn't tell you? Your not De Vera, you are adopted" "That's not true" "That's the truth" "No!, look at our eyes" lumapit ako ng konte kay papa "similar kami ng mata" "At dyan ko masasabi na anak ko talaga si tally" tumingin ako kay ate at nagbilat ako sa kanya, ako kasi ang girl version ni papa, samantalang si ate naman ang kahawig ni mama "May boyfriend ka na ba ngayon tally?" "Wala pa Pa, teka! Bakit po ako agad tinatanong mo pa, si ate kaya muna eh hotseat mo" tumingin ako kay ate at ini-smirkhan ito "No, i dont have any kind of relationship right now, im a busy person" "Ikaw ba papa may love life ka ba ngayon?" "Yeah, hindi naman nawawala eh" may konting lungkot sa mga mata nito "Siya pa rin ba?" Tukoy ni ate kay mama Natahimik lang saglit si papa "Kontento na ako na nandyan kayo, kayo ang love life ko, mawala na ang lahat sa akin wag lang kayo, kaya lagi kayong magiingat ha, lalo ka na tally" "Aww, thank you papa" super thankful kami at sya yung naging papa namin, kahit nagiisa syang nagtaguyod sa amin hindi sya nagkulang sa amin, tinuruan nya pa din kaming maging mabuting tao at marunong magpatawad Nagkwentuhan lang kami habang kumakain hindi ata uso sa aming tatlo ang Galit Galit muna kapag kumakain, Pagkatapos naming kumain ay umalis na din kami, at dahil walang dalang kotse si ate dahil ako ang sumundo sa kanya kanina sa clinic nya si papa na daw ang maghahatid dito samantalang ako ito nagdidrive na pauwi ng apartment -- Wala na naman sa sala si katty nung dumating ako marahil ay nasa balcony na naman ito Umupo ako sa bangko sa may kitchen, nagrest muna ako ng katawan nangalay ang braso ko gawa ng pagmamaneho ko, sumandal ako sa sandalan ng bangko at pumikit Ouch, bigla akong napahawak sa ulo ko sumasakit kasi bigla para itong pinupunit, bakit naman bigla-bigla itong sumakit, inalis ko sa pagkakasandal ang ulo ko, habang hinihilot ko ang ulo ko, dahan dahan kung nilapag sa ibabaw ng lamesa ang braso ko at tiyaka ko isinobsob ang mukha ko sa aking braso Pagkalipas ng ilang minuto unti unti itong nawawala, inangat ko ang aking ulo at dahan dahan na ding tumayo, sa kwarto nalang ako magpapahinga Nang nasa tapat na ako ng pinto ay bigla akong napatingin sa may pinto sa balcony, bumukas kasi ito at inilabas nito si tally Napatitig ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ang pagtitig ko dito dahil ba sa sinag ng araw na bumabalot sa kanya na nagpadagdag ng ganda nito at ang ilan nyang buhok na tinatangay ng hangin na nagmumula sa labas Ilang segundo kaming nagkatitigan sa isat isa nang sya na mismo ang unang pumutol sa pag eye to eye namin saka ito tumungo Pumasok na din ako nang kwarto ko, hindi ko napansin na nawala na pala ang pagkirot ng ulo ko Nahiga ako sa kama at pumikit, mayamaya pa ay nakaramdam na ako ng pagkaantok at mga ilang pang segundo ay nakatulog na ako Naalimpungatan ako medyo madilim na sa paligid, kunuha ko ang phone ko para tingnan kung ano ng oras Ganon na pala kahaba ang tulog ko, mga ala sais na ng hapon Bumangon ako at lumakad pa labas ng kwarto, nakakaramdam ako ng pag-ihi kaya pa banyo ang tungo ko Makakasalubong ko pa si katty galing syang kitchen, saglit pa syang nagulat ng makita ako, napatingin sya sa akin tapos agad din itong tumalikod at lumakad pabalik ng kusina, anyare don? Ako naman ay pumasok na ng banyo, puputok na eh Tumabi ako kay katty sa may couch pagkagaling ko ng cr, nanonood ito ng palabas sa tv, umusog sya papunta sa kabilang tabi "Hindi ka ba na bobored dito sa bahay pwede ka naman lumabas labas minsan" lagi lang syang nandito sa loob, para na din makatipid ako sa kuryente "M-Minsan lang" "Gusto mo sumama ka sa akin sa school?" "Saka nalang" "Napapansin ko lang, bakit feeling ko you avoid me? " "F-Feel mo lang yun" Hindi na ako umimik nanood na lang din ako "Ahm, about don sa nangyari sa kitchen-" Napatingin ako sa kanya at napakunot din ang noo ko sa sinasabi nya "Yung aksidenteng na k-kiss kita, sorry di ko sinasadya pero spe-" pinutol ko na sasabihin nya, kahit aksidente lang yon, that's my first kiss, importante sakin yon, pero bakit na hurt ako nong mag sorry sya, "Ah yon ba? Hwag mo na problemahin yon, kalimutan mo na lang" sinabi ko ang mga salitang iyon ng sa ganon di nya mafeel na affected ako sa pagsorry nya "Kalimutan?" Tanong nya, hindi ba nya narinig, "Oo kalimutan na lang yon" walang interest kong sagot kay katty "Okey Kung Yun Ang Gusto Mo! Parang hindi naman importante sayo eh" bakit parang galit pa sya may pabulong bulong pa, siya na nga itong nag sorry sya pa galit Tumayo ang katabi ko at lumakad ito papuntang balcony, pasimple ko syang sinundan ng tingin "Kundi lang kita Mahal" Hep! Hindi ako ang nagsabi nun, lines yon nung bidang lalaki na sinabi sa bidang babae sa pinapanood ko Umorder na lang ako ng food thru online app, pang dinner ko Paglipas ng 20 minutes may kumatok na sa door ko, tiningnan ko ito sa peephole kung ito yung delivery rider Nang macheck ko na ito nga binuksan ko na din ang pinto Inabot ko na ang cash kay kuya at saka nya binigay ang order ko "Thank you po ma'am" "Thank you din po kuya" Sinarado ko na ang pinto at dinala ko sa kusina ang inorder ko at pinatong sa lamesa Iniwan ko muna ang pagkain ko at pumunta kung nasaan si katty Inislide ko ang sliding door ngunit may tao pala sa kabila nitong door at bubuksan din pala ang door, yung ie-slide na nya nauna na ako, hindi ko lang sya napansin sa kabila dahil madilim Naout balance ito at ang ending Nakahawak ang dalawa nyang kamay sa magkabila kong balikat at yung kamay ko ay nasa beywang nya, para tuloy kaming magkayakap Ilan lang segundo nang pinakawalan na namin ang isat isa Napakamot nalang ako sa kilay ko "Okey ka lang?" Baka kasi nasaktan sya Tumango lang ito "Sorry i didn't know na nandoon ka pala?" "Okey lang, makakalimutan din naman natin ang nangyari" sabay lakad nya paloob Hindi na ako nakaimik sa sinabi nya Nararamdaman ko pa yong yakap nya, naiwan ata
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD