TALLY POV
'wooo'
'aahhhh'
Mga hiyawan at pagchecheer ang maririnig mo dito sa loob ng gym, ngayon ang game ng volleyball girls ng ibat ibang school para sa semi-finals, madaming tao nandito din kasi yung mga supporters ng taga ibang school para sa mga team nila.
Hindi ko hilig ang manood ng kahit anong sports, pero marunong ako mag taekwondo at boxing for self-defense, pinilit lang ako nina harley na samahan ko daw silang manood ngayon, wala naman akong gagawin kaya pumayag na din ako
Kaya ito tiis ganda ang peg ko, sumasakit na nga ang tainga ko sa inggay.
Nakaupo kami sa may bandang unahan kaya mapapanood namin ng malapitan ang laro
Ngayon ko lang nalaman na player pala si shamie,
"Volleyball player pala si president"
"Matagal na bhe" sagot ni harley wow idol ko na sya bukod sa matalino sporty pa sya
"Outdated ka masyado" sanay na talaga ako kay lury na to
"Wala lang akong hilig sa sport, kaya wala din akong kilalang players nu"
'ganda talaga ni shamie no?'
'Oo,complete package kung baga' rinig ko usapan ng mga lalaki sa likod
Nagstart na ang game kasama si shamie sa first six
Habang papunta sya sa kanyang position napatingin sya sa gawi namin, bigla syang ngumiti sa amin pero sakin sya nakatitig pero ayuko mag assume baka hindi ako kaya tumingin ako sa likod ngunit sa ibang direction sila nakatingin plus taga ibang school pa sila.
Kaya binalik ko tingin kay shamie pero sa unahan na nya ito nakatingin
Naging mainit ang laban laging nag ta-tie ang score nila
12-12 ang score, kalaban ang magseserve ng bola
'ptttt' yan na nga pumito na, nagserved na nga si ate mabilis naman na block ng players namin,nakakailang palitan ng tira mga ayaw magbigay ng score,
mga pagod na nga sila pero nandon pa din ang determinasyong manalo, hanggang sa isang malakas na palo then 'pttt' hindi na nahabol ng kalaban ang bola kaya yun score namin
'Yey' at ang pumalo si ms. president
"Galing naman pala ni pres" paghanga kong commento
"Oo pwede nga din syang MVP eh, kaya lang di hamak na mas magaling yung captain nila"
"Mukang hangang hanga ka na sa kaya, ano type mo na ba?" Gago talaga tong lukaret na to
"Nagalingan lang ako sa laro nya type na agad advance masyado bes huh"
"Why not naman, tingnan mo sya matalino, talented, mabait bunos pa yung beauty na" pinagmasdan ko nga si shamie tama nga yung sinabi nung guy kanina complete package
"Hindi ako nagkakagusto sa kapwa ko babae, lagi lang kami nun magaaway dahil sa kaartehan namin"
"Sus, eat your words tally"
"Tigilan nyo na nga yan, at ikaw lulu wag mo ngang binubugaw si tally" saway samin ni harley
"Ewan ko nga dito kay lury minsan di ko na mareach ang takbo ng utak nya"
"Nagkampihan na naman kayong dalawa"
"Sorry pero Nonsense naman minsan yung sinabi mo eh" sorry not sorry
Nagpatuloy lang ang laro, minsan may nag papalit ng player para sa mga gusto munang magpahinga, or hindi na kaya ng kanilang katawan, minsan nga napapa ayy ako kapag out yung bola
One time kapag nagkakascore ang team yung dalawa tatayo tapos hihiyaw, ang mga bruha hinihila din ako sa pagtayo, eh napapatingin pa samin yung iba, pati na din yung ibang player, nakakahiya tuloy,
23- 24 na ang score,
team namin ang lamang, isang point nalang winner na team namin
Kinakabahan na din ako sa bawat tira, palo sa bola mahigpit ang laban hanggang sa isang magandang set ang ginawa
"Woooooh" sigaw namin
Hindi na ako nagpahila ako na mismo tumayo
isa lang masasabi ko shamie is a great spiker
Yung totoo magaling silang lahat yon talaga yon
Nakakaenjoy naman manood
--
Tinatahak ko ang daan pauwi sa apartment nang biglang tumunog ang phone ko, tiningnan ko ang umilaw na screen may nagmessage lang pala
Sa pagbalik ng tinggin ko sa unahan
Agad kong tinapakan ang brake
'boogsh' s**t may nabangga ako im so reckless
Kahit nakapagpreno ako alam kong natamaan ko sya
Marahil ay tumatawig ito dahil naka green light para sa mga pedestrian
I felt so nervous right now
Agad akong bumaba para puntahan sya nakita ko sya na nakaupo hawak ang mga paa nya, Lumapit pa ako sa kanya,
"Miss are you okey?" Alam kong hindi pero tinanong ko parin sya
"So much pain! You're so reckless" mataray nyang wika sabay ng pag angat nya ng mukha
What a coincidence, she's the girl na walang paki don kay nanay doon sa amazing park, yung kinainisan ko, wearing the uniform and white shoes maybe nagcucutting ito, kung saan saan nakakapunta eh.
Pero hindi yun ang issue ang issue is nabangga ko sya and na injured sya
"Okey okey im sorry, makakatayo ka ba?"
"No! i cant its really hurt" shes in pain nga
"Okey i will take you to the hospital"
"Dont take me there!"
"Huh, why? You need to be treated"
"Its nothing serious, irerest ko lang to magiging okey na"
"No I'll take you there, you know its danger for your foot"
" I don't care, basta wag mo akong dadalahin don"
Hindi ko alam ang gagawin ko sa babaeng to, iwan ko kaya to, dito ayaw din naman pumunta ng hospital
'peeep' busina ng ibang sasakyan
"Hoy ano bang problema mo, green na oh, nakakaabala kana?"
"Nakakapurwesyo ka ate!"
"Anong trip mo, adik ka?"
Yan talaga mga sinisigaw nila, sila mga adik alangan naman iwan ko to, kasohan pa ako nitong babaeng to mukang ayaw pa magpatalo
"Saan ba kita dadalahin? nagko-cause na tayo ng traffic oh, nagrereklamo na sila"
"Sa place mo" sa bahay ko, puta baka modus nya to, yung nag aact ng na injury tapos pagpeperahan ka or pagnanakawan
Magisip ka tally, maiingat ka sa mga kawatan
"okey lang ba sayo na may kasamang 4 na lalaki sa bahay? Kasama ko sa bahay ang tatay kong sundalo, tapos 3 kapatid ko, 1 PNP at 2 NBI, okey lang ba sayo?" Ang witty mo tally, sana lang kumagat sya, im a liar na
"Okey lang sakin, kahit president pa ng north korea, "
" Okey sabi mo eh, dont you dare na gumawa ng masama, lagot ka talaga sa mga kuya ko"
Binuksan ko muna ang pinto ng passenger seat bago bumalik don sa babae medyo ako umupo sa tabi nya
"Relax ka lang, humawak ka dito sa may leeg ko" dahan dahan ko syang binuhat
magaan lang naman sya, nakita ko pa yung ibang tao nakatingin samin mga natataka, siguro nagtataka kung bakit buhat buhat ko to
Maingat ko syang ibinaba sa upoan baka madagdagan injury nya
Sinara ko na pintuan nya at umikot ako sa kabila, pumasok na din ako, pagkapasok,binuhay ko lang muna ang engine
"May i know your name?" Tanong ko
"Why?"
"Sagutin mo na lang"
"Ikaw muna" hay naku talaga
"Ok im Tally Noime"
"Katty rein"
"Katty rein?kitty rein kalabaw"
"Torrez"tumingin sya tsaka umirap
Kinuha ko ang phone
"Katty rein" tawag ko sa kanya, paglingon nya pinagpipicturan ko sya
"In case lang na may gawin kang masama, lalo't pa wala pa akong tiwala sayo"
"Di naman ako kokontra, at least may maganda na sa phone mo"
"Ang lakas pala ng hangin sa katawan mo, delikado baka tangayin ako"
"Nagsasabi lang ako ng totoo"
Hindi na ako umimik, bahala sya
"Bakit di ka sa bahay nyo umuwi?"
"Pinapa uwi mo ako sa amin para wala kang maging responsibilidad dahil sa kapabayaan mo, para hindi kana magkaproblema, madali mo na nga matatakbohan "
"Maybe you forget, nagoffer ako na dalhin kita sa hospital pero ayaw mo, gusto mo sa bahay ko, ako nga ang may doubt na its one of your modus, i know my responsibility katty kaya nga ginawa ko ang gusto mo, its so much hassle kapag kinasohan mo ako magagalit pa sakin ang pamilya ko"
Wala nang naging imikan hanggang sa makadating kami ng apartment
Pagkatapos kong ipark si babe(kotse ko) agad ko din binuksan ang pinto at bumalik ng kotse para naman buhatin yung pusa don este si katty.
Maingat ko syang iniupo sa sofa, napansin ko ang paa nya, kailangan mafirst aid muna sya baka ma-infection.
"Dito ka muna sumandal sa may patungan ng kamay para ma straight paa mo" nilagay ko naman sa paa nya ang isang pillow para mas marelax.
"Kumain kana ba ng dinner? Tanong ko
Umiling sya
"Magluluto lang ako" tumango naman sya, nagluto lang ako ng tocino at yung tira ko kaninang kanin sinangag ko, okey pa naman yung kanin nilagay ko sya sa chiller para di mapanis.
Dinalahan ko na lang ng pagkain at tubig si katty don sa sofa, kesa buhatin ko pa sya papuntang kusina
Kumain na din ako
After namin makakain kumuha ako ng ice bag at bandage
Nang makuha ko kailangan ko, bumalik ako sa sala, inilagay ko muna ang bandage sa table katabi ng sofa
"Ilalagay ko na to ha"
"Sige"
Dahan dahan ko nga nilagay ang ice bag sa paa nya
"Saan yung family mo kala ko ba nandito"
"Nasa trabaho nila"
"Ah, hindi ko alam kung nasaan family ko , magisa nalang ako" sabi nya habang nakatingin sa paa nya
"So pano yang pagaaral mo, working student kaba?
"Hindi"
"Schoolar?
"Hindi din, hindi ako pumapasok, nag cocosplay lang ako kaya naka uniform ako" malungkot nyang pahayag
"Bakit ayaw mong magpa hospital?
"Ayoko ng amoy, mas magkakasakit ako pag nandon"
"Arte mo"
"Maganda kasi ako"
"Pusangina talaga"
"What did you say"
"Your name is PUSA"
"What? Pusa? IM KATTY REIN"
"See sound KITTY, di ba kuting yun eh malaki kana, tapos tawag pa siguro sayo ng mga friends mo is KAT oh diba Pusang Pusa haha"
"Gusto mo ibuhol kitang LUBID KA"
" baka gusto mo itali kita sakin haha"
"Eww, pinagnanasaan mo ata ako" luh sya! pagtripan ko kaya to, ngumisi ako sa kanya
"Tamang tama tayo lang dito, you know what im thinking?" Tumingin ako sa kanya, she's scared cat
Mas ngumisi pa ako at dahil medyo nakahiga sya trinay ko na yumuko sa kanya bali magkatapat na ang mukha namin nakatukod ang tuhod ko sa may gilid na upuan then ang dalawa kong kamay ay nakahawak sa may inu-ulonan ni katty bali pinagigitnaan ang ulo nito.
Mas inilapit ko ang mukha ko.
Habang nasa ganon kami posisyon inabot ko muna ang bandage na nasa table
"Ahhhww" hindi yan moan huh
Pusangina sinuntok ba naman nya ako sa may sikmura, ang lakas nya sumuntok grabe, napaupo na din ako sa sahig.
"You deserve that" grabe naman to
"Sakit nun ha, boksingera kaba"
Tumayo na ako at umupo sa may tapat ng paa nya, inalis ko ang ice bag, maingat ko naman na inikot sa paa nya ang bandage, nang matapos ko na gawin tumayo na ako
"Kapag wala ako dito wag mong pwersahin ilakad paa mo baka lalo mapasama yan"
"Bakit wala pa pamilya mo?" tanong nya
"nasa malayo sila, once na magaling kana pwede kana umalis dito, "
"Nga pala, wala ka talagang dalang gamit"
"wala"
"Pano kapag nagpalit ka ng damit, wala ka munang damit tapos lalabahan mo iintayin mo pa matuyo bago mo ulit isuot"
"Ganon na nga"
"Isa lang kwarto dito, kaya dito lang ang maooffer ko na pwede mo tulogan,"
"Okey lang ako dito"
"Pero kung gusto mo doon tayo sa kwarto ko tabi tayo" kung gusto nya lang naman
"No, its okey, pwede na ako dito"
"Okey"
Pumasok ako ng kwarto at kumuha ng dalawang unan at kumot, pagkalabas ko binigay ko kay katty ang dala kinuha ko
"Good night"
"Good night"